ALY'S POV
I was in the middle of my lunch when I called Miss Anne. Hindi kasi ako mapakali sa sinabi ng pangit na hardernero. Kahit masarap ang mga pagkaing nakahain sa table ay parang walang lasa iyon dahil sa tamlay kong kumain.
"Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain, Ma'am Aly?" tanong ni Miss Anne.
"No, the food is great. I'm just wondering kung sino ba ang gardener natin at parang masyado yata siyang comfortable na magsalita ng kung ano-ano."
"Ah, huwag mo pong pansinin iyon. Mahiling kasi si Nicanor manood ng kung ano-ano kaya minsan ang mga linya mula sa pelikula ay sinasabi niya pero hindi naman niya iyon naiintindihan. No read, no write po si Nicanor."
Napatango-tango ako sa sinabi ni Miss Anne. May mga iba pang kasambahay sa Villa Angeline ngunit tanging si Miss Anne lamang ang aking pinagkakatiwalaan. Ang anumang sabihin niya ay pinaniniwalaan ko. Alam ko kasing hindi niya ako ipapahamak.
"Pakisabi sa gardener na hindi niya kailangan na umuwi kung malayo ang bahay niya. I want him to trim all the grass in the villa. Pero pagupitan mo ang buhok niya kasi baka himatayin ako kapag nakita ko ulit iyon na parang kinuryente sa tigas."
"Masusunod po, Ms. Aly."
"Kung ayaw magpagupit, ako ang gagawa gamit ang pantabas ng damo!"
Napangiti so Miss Anne sa tinuran ko. Alam niya kasi na gagawin ko iyon kaya marahil ay naimaginr n'ya.
Pagkatapos namin mag-usap ni Ms. Anne ay itinuloy ko ang pagkain. Nakangiting umakyat ako sa aking silid. Hindi ko pinansin ang mga picture frame na nakasabit sa sala dahil ayokong malungkot. Those pictures brought so many memories. Memories na hanggang ngayon ay nasa puso ko lang at ayokong paulit-ulit na balikan ng isip ko.
Pagpasok ko pa lamang sa special na silid ko ay agad akong naghubad ng damit at walang pakialam na nagpalakad-lakad sa loob noon. Nang mapagod ako ng kaunti ay dumiretso ako sa shower room at hinugasan ko ang aking katawan. Nagpalit ako ng isang simpleng chiffon blouse at floral balloon skirt. Nang tingnan ko ang aking sarili sa salamin ay sobrang satisfied ako sa aking nakita.
"Hindi ka pwedeng magpaapi na muli. For how many years, you suffered a lot, girl. This time, you have to fight back and show them what you are capable of," bulong ko sa aking sarili habang tinitingnan ko ang aking reflection sa salamin.
Nang makuntento ay nahiga ako sa kama bago ko muling binuksan ang cellphone ko. Agad na pumasok ang tawag ni daddy ngunit hindi ko iyon sinagot. Hinayaan ko lang na mag-ring ng paulit-ulit ang gadget na hawak ko habang nakangiti akong nakatitig sa kisame.
Nang mapagod na siguro si daddy ay saka ko sinimulang basahin ang mga text and messages. Nalaman ko mula kay Mica na nagkakagulo sa Reomoto Hotel dahil hinahanap ako ng lahat. Umarte raw kasi sila ni Roldan na nawawala ako para hindi sila gipitin ni daddy.
Tinawagan ko si Mica para pawiin ang pag-aalala niya. Hindi ko gustong madamay ang babaeng iyon sa gulo ng buhay ko dahil marami na siyang isinakripisyo para sa akin.
"Good job, Mica. I love you talaga. You're so clever," masayang bungad ko kay Mica nang sagutin niya ang tawag ko.
"Naku, ikaw na pasaway ka… Grabe ang takot ko sa daddy mo. Kanina, nagwala siya nang dumating siya galing sa hospital. Mabuti at wala ka rito dahil sobrang mainit ang ulo ni sir."
"As if naman may pake ako sa galit niya," sabi ko sabay tayo sa kama at lapit sa bintana.
"Safe ka ba sa lokasyon mo ngayon?" nag-aalalang tanong ni Mica sa akin.
"Yes, I am. Don't worry, nasa mabuti akong kalagayan and I'm enjoying the romantic view of this place."
Ang totoo ay hindi romantic view ang pinapasadahan ng mga mata ko. Good thing na tinted ang salamin sa silid ko kaya hindi ako nakikita ng pangit na hardernero sa baba na nakahubad baro dahil sa pawis na dulot ng sikat ng araw.
Natutuwa ako sa katawan niyang daig pa ang katawan ng isang olympic athlete. He's so yummy and very interesting habang tumatagal. Napapangiti tuloy ako habang nakahawak sa bintanang salamin ng aking silid.
"Aly, okay ka lang ba? Gusto mo bang sundan ka namin diyan ni Roldan?" Mica asked.
"Oh, Mica, baliw na yata ako."
Exaggerated na napasigaw si Mica sa kabilang linya. Halos maubo naman ako sa kakatawa. Nagpaalam ako sa kan'ya dahil panay na naman ang sermon n'ya dahil sa sinabi ko.
I turned on the television. Ang sayang kanina lang naramdaman ko dahil sa kalokohang ginawa ko ay biglang naglaho. Sa monitor ng tv ay naka-flash ang mukha ni Vincent Xues, ang ama ng lalaking pumatay sa mommy ko.
My beautiful face turned red. Pakiramdam ko ay na-highblood ako kaagad. Ang pamilya nila ang dahilan kaya sobra akong naghirap sa kamay ni Tita Karla kaya gusto kong hawakan ang lahat ng negosyo ng pamilya dahil gagamitin ko iyon para isabay sila sa paghihiganti ko sa angkan ng Reomoto.
Pinatay ko ulit ang television at nagdesisyon akong lumabas ng silid. I wanted to breathe some fresh air. Mababaliw ako kapag hindi ako lumabas ng aking kwarto lalo at nakita ko ang mukha ng lalaking binili ang katarungan.
At dahil hindi ko alam ang gagawin kaya naisipan kong muling pagmasdan ang hardinero. This time, blangko na ang tingin ko sa kan'ya habang nakaupo ako sa maliit na kubo na sinadya kong ipinatayo sa ilalim ng santol.
"Ma'am Aly, kung may problema po kayo, pwede po kayong mag-open sa akin. Makikinig po ako," nagulat pa ako ng biglang magsalita si Nicanor sa harapan ko.
"Kanina ka pa ba riyan?"
"Opo, ma'am. Malalim po masyado ang iniisip mo kaya hindi n'yo ako napansin. Kanina n'yo pa rin po ako tinititigan." Nahihiyang napakamot ng ulo si Nicanor.
I took a deep breath. Para akong mauubusan ng hangin. Noon ko napagtanto na kaya siguro pati driver at hardinero ay pinapantasya ko dahil naghahanap ako ng pagmamahal. Pagmamahal na hindi ko nararamdaman sa pamilyang hindi ako kinikilala.
"Okay lang ba sa 'yo kung mag-picture tayo?" tanong ko kay Nicanor.
"Naku, opo. Sino ba naman ang tatanggi sa magandang si Miss Aly?"
"I'll post it on my social media account. Don't worry, Nicanor, tatakpan ko ang mukha mo. Babayaran kita ng extra para rito dahil gagamitin ko ang pictures natin para gigilin sa galit ang mabait kong magulang at inggitin naman ang prinsesa nila."
Pumayag si Nicanor sa kalokohan ko pero ayaw niyang tanggapin ang perang alok ko. Gusto niya lang daw na makitang masaya ako. It's kind of weird because mostly poor people always work for money but sometimes they are more dignified than us, rich.
I couldn't content the happiness I felt habang pinopost ko ang larawan namin ni Nicanor. Na-iimagine ko na agad ang matinis na boses ni Lurica dahil ayaw noong nalalamangan ko siya. Mukha lang siyang modest pero alam kong nagbabayad siya ng lalaki to satisfy her need as a woman.
"Caption, so hot and yummy," I said.
"Po?" tanong ni Nicanor.
"Nevermind. Pang-caption lang iyan. Sige na tapusin mo na ang trabaho mo."
"Teka, ma'am. Pwede ko bang makita ang picture natin?"
Agad kong ipinakita ang post ko kay Nicanor. Tinakpan ko ang mukha niya katulad ng sabi ko pero dahil nakahubad siya ng pang-itaas ay kita ang abs at ang well defined muscles niya. Sa larawan ay naka-akbay siya sa akin at parang hahalikan niya ako.
Smile flashed on Nicanor's face. Perfect na sana siya kung hindi lang pangit ang mukha niya pero hindi naman mahalaga ang physical appearance niya. I like the man for being so warm and comfortable to be with. Kahit naman heredera ako ay hindi ako katulad nina Tita Karla at Lurica.
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko ng makita ko ang comment ni Lurica sa post ko. Tama ang hinala ko, nakabantay siya 24/7 sa social media accounts ko kaya segundo lang after ko mag-post ay may comment agad ang magaling kong step-sister.
"Who is he?" tanong ni Lurica sa post ko.
I pressed the heart emoji para mag-isip si Lurica. Na-iimagine ko na ang pagwawala njya at ang pagmumura dahil mayroon akong kasama na isang nakakatam na lalaki. Alam ko ang weakness ni Lurica ay ang malamangan ko siya.
"Mukhang masaya ka na, ma'am," sabi ni Nicanor.
"Yes, at salamat sa 'yo. Dahil diyan, ipaghahanda kita ng merienda kasi ayaw mo namang tanggapin ang pera na ibinibigay ko sa iyo."
Mabilis akong pumasok sa malaking bahay at dumiretso ulit sa kusina. Nagsimula akong maglagay ng palaman sa slice bread. Nagtimpla rin ako ng juice. Dahil may nilutong carbonara ang kusinera kaya naglagay na rin ako sa plato.
Nang makita ako ni Miss Anne ay kinuha niya ang tray at dinala niya sa kubo. Doon ay inimbeta ko na ring kumain ang matandang dalagang tagapangalaga ng villa pero tumanggi siya kaya si Nicanor na lang ang tinawag ko.
"Sabayan mo akong kumain. Medyo gutom pa kasi ako, eh," I said.
Nahihiyang lumapit si Nicanor pero sinikap kong maging komportable siya. Hindi ako mahirap kasama. Gusto kong at ease ang mga kasambahay at empleyado ko sa akin dahil naniniwala akong walang maayos na outcome kapag ang mga empleyado ay takot sa employer nila.
Habang kumakain ay pinag-uusapan namin ni Nicanor ang mga gusto kong pagbabago sa garden. Nag-offer din ako sa kan'ya ng maayos na trabaho pero tumanggi siya. I didn't know why pero siya iyong tipo ng tao na ayaw tumanggap ng pera at ayaw ring umangat ang buhay.
Dahil personal niya iyon kaya hindi ako nangulit. Panay lang ang kwentuhan namin ng kung ano-ano habang kumakain kaya ginanahan ako. Iba talaga kapag ang kasalo mo ay mga totoong tao, hindi mga peke at mga nagpapanggap.
"Ma'am Aly, sana maging masaya ka palagi," sabi ni Nicanor.
Napamaang ako. Very transparent na ba ang pagiging malungkutin ko kaya nasabi niya iyon? Ngunit ngumiti ako kinalaunan. Ngiting pilit lamang upang pagtakpan ang sakit ng pangungulila ng isang anak sa magulang niya.
"You know what? I like you, Nicanor. Siguro kung makakasama talaga kita palagi, sasaya ang lalo ang buhay ko," sabi ko.
"Naku, baka hindi ko po kayanin na harapin ang mga leon sa mansyon n'yo," he replied.
"What? How did you know na may mga gutom na leon sa mansion ng Reomoto?"
"Napagkwentuhan namin minsan ni Miss Anne."
Napatango-tango na lamang ako. Pagkatapos kumain ay muli kong tiningnan ang cellphone ko. Sunod-sunod ang comments ng mga tao ngunit halos himatayin ako ng mabasa ang komento ni Tita Karla.
"Aly, where are you, honey? I am worried about you. Please contact me," sabi ni Tita Karla sa comment box.
Gusto kong patulan ang kadramahan niya ngunit nagulat ako sa sinabi ni Nicanor, "Alam mo, Ma'am Aly, ang isang bagay na dapat mong gawin para lalo mong galitin ang kaaway ay sa pamamagitan ng pananahimik mo."
Inagaw ni Nicanor sa akin ang phone ko at kumuha siya ng isang larawan namin kung saan hindi ako ready kaya mukhang gulat na gulat ako. Ang setting ay parang nasa isang private place kami at katatapos lang ubusin ang masarap na pagkain dahil walang natira sa mga plato namin.
He posted it on my account with the caption, "Shocked! I'm full!"
Inilapag ni Nicanor ang phone sa lamesa at saka bumalik na sa kaniyang trabaho. Naiwan naman akong nakanganga lamang. First time kong maka-encounter ng taong katulad niya.
Muli kong tiningnan ang pangalawang picture namin. Kahit tinakpan ni Nicanor ang kaniyang mukha at nakadamit na siya ng pang-itaas ay lalo siyang naging sexy sa larawan na iyon.
Maraming ibig sabihin ag caption na iyon. Sa unang tingin ay nakabase lang iyon sa pagkain ngunit kung susuriin ay may mas malalim pa iyong kaguluhan.
Tinatawag ko ang katulong at ipinaligpit ang pagkain. Muli akong pumasok ng bahay para makapagpahinga na. Ang dami ko ng ginawang kalokohan sa maghapon at sumabay pa ang pantasya ko sa gardener.
"s**t! Baliw na yata ako," sabi ko paglapat ng aking likod sa kama. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang ang cellphone ko ay walang tigil sa pagtunog.
Kinagabihan ay hindi na ako dalawin bng antok kaya ang ginawa ko at nag-movie marathon na lang ako at hindi ko pinansin ang cellphone ko. I have this attitude na kaya kong hindi humawak ng gadget kahit bente kwatro oras.
Kinabukasan, masigla akong gumising. Ganoon palagi ang pakiramdam ko kapag nasa Villa Angeline ako. Nasa side table ko na ang fresh milk na inihanda ni Miss Anne. Nakahanda na rin ang mga damit ko.
Nakapagpalit na rin ng kurtina ang mga katulong. Believe ako sa kanila dahil nagawa nila iyon ng walang ingay at hindi ako naistorbo. I looked at the wall clock. Mag-a-alas-otso na pala kaya marami nang nagawa ang mga tao sa Villa Angeline.
Nang tumayo ako ay saka ko lang napansin na hindi pala ako nakapantulog. Ngunit dahil hindi big deal iyon kaya pagkatapos maglinis ng katawan at inumin ang gatas na nasa mesa ay bumaba na ako para makalanghap kaagad ng sariwang hangin.
"Ma'am Aly, ready na po ang breakfast mo," sabi ni Miss Anne.
"Sa kubo na lang po ako kakain. Please bring it there."
Agad tumalima ang katulong. Hinanap ng mga mata ko si Nicanor sa paligid ngunit hindi ko siya nakita. Nang hindi na ako nakatiis ay tinanong ko na si Miss Anne.
"Umalis po siya ng maaga. Hindi na siya nagpaalam sa 'yo, Ma'am Aly, kasi sobrang himbing po ng tulog mo."
Napatango na lang ako at nilantakan ko na ang pagkain na nasa aking harapan. Babalik na ako ng Reomoto Mansion kaya kailangan na may laman ang tiyan ko at malakas ako. Hindi ko kasi alam ang aabutan kong gulo roon.
Pagkatapos kumain ay ipinatawag ko ang mga tauhan sa villa para sa isang meeting. Nagbilin ako ng kanilang mga dapat gawin at nagbigay na rin ng bonuses. May nakatago akong sikreto na negosyo under my name na iniwan ang aking mommy kaya may budget ako para sa mga kasambahay.
Marami akong negosyo na sikretong kumikita ng mas malaki pa sa kinikita ng Reomoto Hotel pero gusto ko pa rin na makuha ang hotel because of sentimental value. Ayoko rin na mapunta lang ito sa mga mapagkunwaring mga tao.
Agad kong tinawagan sina Mica at Roldan. Ayokong mag-commute kaya magpapasundo na lang ako dahil ayokong humawak ng manibela kahit pumasok naman ako sa driving school.
Magaling magmaneho si Miss Anne kaya nagpahatid ako sa kan'ya sa meeting place namin nina Mica at Roldan. Hindi pa kasi ako handa na ipaalam sa dalawang iyon ang tungkol sa Villa Angeline kahit na malapit sila sa akin.
Pagdating sa napag-usapang lugar ay mabilis akong bumaba sa sasakyan na minaneho ni Miss Anne. Agad naman niyang pinasibad ang sasakyan upang walang makahalata sa paligid.
"'Andito na ang pilya kong alaga," salubong sa akin ni Mica.
"Kumusta ang maghapon at magdamag na wala ako?" tanong ko habang nakangiti.
Naglalakad kami ni Mica palapit sa parking lot ng isang shopping center sa Parañaque. Doon ako nagpasundo para malayo sa Villa Angeline at ng sa ganoon ay mapanatili ko ang aking sikreto.
"Nagwala lang naman ang madrasta mo at gustong ipasunog ang mga damit mo ngunit pinigilan ng daddy mo," natatawang sabi ni Mica.
"So pathetic! My God, hindi pa ako masyadong kumilos nababaliw na agad siya. What if ilabas ko na kaya ang natatago ko pang kamalditahan?"
"Naku, Aly, pakalmahin mo muna ang sitwasyon. Masyadong napahiya sila kahapon sa Reomoto Hotel kaya matindi pa ang galit nila. Teka, sino nga pala ang lalaking kasama mo maghapon?" tanong ni Mica.
"Oo nga, sino ba siya? Ang hot niya," sabi ng isang tinig.
Paglingon namin ni Mica ay nasa likuran namin si Lurica kasama ang isang maskuladong lalaki. Natulala na lang ako dahil baka nakita n'ya si Miss Anne at ang pagbaba ko sa sasakyan kanina.