HEIRESS CHAPTER 4

2512 Words
ALY'S POV Umayos ako ng upo at ngumiti ng pino. Sa taas ng heels ni Tita Karla at sa dulas ng sahig ay alam kung may eksenang magaganap dahil sa bilis ng kaniyang paglakad. Buong pananabik ko siyang tiningnan habang inihahakbang niya ng mabilis ang kaniyang mga paa. Hindi nga ako nagkamali. Sa mismong gitna ng lobby ng hotel ay biglang bumagsak si Tita Karla. Daig pa niya ang gymnast sa galing niyang mag-split. Ang noo niya ay nakalapat sa sahig at warak ang suot niyang fitted skirt na pula. Ang mga hotel staffs at guests ay hindi agad nakakilos. May mga napangiti dahil mukhang palaka si Tita Karla habang nakasalampak sa sahig ngunit may mga naawa rin. Ako ay napatingin na lang sa underwear n'yang suot na siyang tanging natirang nakakapit ng buo sa kaniya ng mga oras na iyon. "Angel Aly, you f*cking bastard!" sigaw ni Tita Karla. Tumayo ako na parang walang nakita o narinig. Lumakad ako palapit sa stepmom ko para tulungan siya kahit labag iyon sa loob ko. I want to play like a victim. Sa dami ng taong nakakakita ng pangyayari ay tiyak na sasama ang image ni Karla Reomoto kapag inaway n'ya ako habang tinutulungan ko siya. I held her arms and tried to help her to stand up. Nanlilisik ang mga mata niya habang tinatabig ang kamay ko. Isinisigaw niyang hindi n'ya ako kailangan at inutusan n'ya ang mga receptionist na itayo raw siya. She's acting like a crazy woman na hindi makatayo dahil nabasag yata ang tuhod n'ya. Sapo n'ya rin ang kaniyang ulo na tumama sa semento. I never tried to answer her insults and bad words. I was like a meek lamb na handang tanggapin ang lahat-lahat. "What have you done, Angel Aly?" My dad's voice echoed sa buong lobby ng hotel. Itinulak niya ako palayo kay Tita Karla. Bingo! Nahulog silang dalawa sa patibong at drama ko. Ang mga taong nakakita ng incident ay nagbubulungan and they were condemning my Dad and stepmom. "Kawawa naman ang dalaga. Next time, hon, ayoko ng magpa-book ka pa ulit sa hotel na ito. Masama pala ang ugali ng mag-asawang Reomoto. Totoo pala ang nababalitaan natin na inaapi nila ang isa sa mga heiress nila," sabi ng isang nakakita ng pangyayari. "Kaya naman pala napapabalita na rebelde ang anak kasi ang mga magulang ay gan'yan," dugtong pa ng isa. "Hindi naman kasi talaga anak ng babae ang dalaga. Evil stepmom," sabi rin ng isa. "Shut up! All of you, leave!" sigaw ni Tita Karla. Mas lalo ko pang pinalambot ang aking mukha. Para akong kawawang-kawa sa paningin ng mga tao. Pinipilit ko pa ang sarili ko na maiyak para magmukhang nasaktan ako ng labis. "Go to my office, now!" Daddy shouted again. I slowly made my steps towards his office. I was rejoicing inside. Kulang na lang ay sumayaw at tumalon ako sa tuwa. Ipinahiya ni Tita Karla ang sarili niya. With that, nakapuntos na naman ako sa kan'ya. I'm sure, gagawa si tita ng way para pahirapan ako. Sa kaniya ko natutunan ang pagiging best actress. Siya rin ang nagsimula ng tunggalian namin. "Ms. Aly, okay lang po ba kayo?" nahihiyang tanong ng isang hotel staff. Nakasunod siya sa akin habang naglalakad ako sa mahabang corridor. Ngumiti ako bago nagsalita, "O-oo naman." "Ma'am, nasa likod mo lang po kami." "Thank you." I gave her a warm hug. Actually, ako talaga ang mas higit na nangangailangan ng yakap pero dahil sa support ng mga staff ay gumagaan ang loob ko. "What kind of drama is this?" Lurica asked. Mabilis akong lumayo sa hotel staff at tumuloy na ito sa trabaho niya. Hinarap ko si Lurica na noon ay nakapamaywang at parang modelo na naglalakad. "Any problem?" tanong ko habang titig na titig sa kan'ya. "Hey, sis, relax. I am just asking you about the drama." "Genuine love ang nakita mo pero dahil fake ka kaya ang tingin mo roon ay drama. Anyways, if you want to see some, you know, wonderful scenes, go to the lobby." Inirapan ako ni Lurica bago siya lumakad palayo. Wala naman akong pakialam at tumuloy na sa office ni Daddy. Iginala ko ang aking paningin sa lugar na iyon. May lungkot akong nadama sa muli kong pagpasok doon. Ang silid kasi na iyon ang munting playground ko sa hotel noong nabubuhay pa si mommy. Umupo ako sa swivel chair ni daddy. Sa lamesa ay nakapatong ang isang family picture frame. Kinuha ko iyon at saka malungkot na tiningnan. Doon ay masayang nakangiti si Daddy kasama si Tita Karla at si Lurica. Habang tinitingnan ko iyon ay mas lalo kong naramdaman na hindi ako kabilang sa pamilya nila kahit pa dala-dala ko ang apelyidong Reomoto. Nakakalungkot na dati ay larawan namin ni Mommy, kasama si daddy, ang nasa picture frame sa harapan ng aking ama. Ngunit iba na ang panahon. Kung saan-saan na nga akong lugar ipinadala ni daddy para lang hindi n'ya ako makasama or mas tamang sabihin na para hindi ko guluhin ang masaya na niyang bagong pamilya. Inis na inihulog ko sa trash can ang picture frame nila. Ilang oras din akong naghintay sa office ni dad ngunit hindi siya dumating. Probably, katulad ng dati, nakalimutan n'ya na naman ako. I went out of my dad's office. I requested the staff na nakita ko sa labas na itapon ang basura. He immediately followed my order kaya pakanta-kanta akong lumabas ng hotel. Honestly, nakakapagod ang ginagawa ko na para akong nakikipaglaro sa bagong pamilya ni daddy. Kaya para makapag-relax ay sumakay ako ng taxi. "Manong sa Tagaytay tayo," sabi ko sa driver. "Ma'am sobrang layo po noon." "No worries po. Babayaran ko po kayo ng doble." Pinatay ko ang aking telepono para walang istorbo sa gagawin kong pananahimik. Sumandal ako sa upuan ng taxi at hinilot ko ang aking sentido. "Ma'am, ayos lang po ba kayo?" tanong ng driver. Noon ko lang napansin ang tono ng boses n'ya. Ang lamig sa tainga at para bang pinakakalma ang magulo kong isip. Pakiramdam ko ay hinahaplos noon ng matigas kung puso. "Manong, Villa Angeline tayo." "Sige po, ma'am. Magpahinga ka na muna habang nasa byahe. Huwag kang mag-alala hindi ako masamang tao." Sinulyapan ko ang lalaki. Mukha siyang gwapo pero hindi ko naman makita ang mukha niya dahil naka-jacket siya na may hood. Tumanaw ako sa labas ng bintana ng taxi. Kinapa ko rin ang aking puso dahil nai-imagine ko ang gwapong mukha ng driver ko. "Kumusta po ang buhay mo, ma'am?" It's weird. Hindi ako nairita sa tanong niya. Daig ko pa kasi ang idinuduyan sa ganda ng boses ng lalaki. Nagawa ko pa ngang ngumiti dahil doon. "Masaya po ako, masayang-masaya!" Nagniningning ang aking mga mata dahil alam kong sa mga oras na iyon ay tiyak na nagkakagulo na naman sa hotel o sa bahay para hanapin ako. Hahayaan ko silang mamatay sa galit o nerbyos. Ngunit ng maalala ko sina Roldan at Mica ay bigla kong binuksan ang cellphone ko. "Nasaan ka? Nagwawala na ang daddy mo at ipinahahalughog ang hotel makita ka lang," nag-aalalang tanong ni Mica mula sa kabilang linya. "Don't worry. I'm fine. Kasama ako ng isang gwapong lalaki," mahina kong sabi sabay sulyap sa driver. "Aly, tutubuan talaga ako ng pigsa sa puwet dahil sa 'yo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa daddy mo." "Tell him, I'm dead. Let's see if he's gonna cry." "Aly…" I burst into laughter. Parang nakikita ko kasi ang itsura ni Mica habang sinasabi ko iyon. Siguro kung magkaharap kami ay baka nagdadabog na siya. "Don't worry, Mica. I'll hang up now. Pabayaan mo silang maghanap sa wala." Bigla kong pinutol ang tawag at humugot ako ng malalim na hininga. Ang saya ko na dahil sa inaakala nilang nagawa kong mali kaya hinahanap nila ako. Kung hindi ko kasi iyon ginawa ay baka hindi na nila ako maalala. Tahimik ang byahe papunta sa Villa Angeline. Ang driver ay hindi nagsasalita. Nagpatugtog lang siya ng isang love song na parang humahaplos sa puso ko. Hindi ako nakatiis kaya sinimulan ko na siyang kausapin para hindi mapanis ang laway ko. "Manong, may asawa ka na ba?" "Wala pa po. Iba kayo sa mga kakilala ko. Mukhang hindi yata kayo englisera kahit mukhang mayaman kayo." "Lumaki po akong puro mahihirap ang kasama kaya kung hindi kailangan mag-ingles ay hindi ko ginagamit iyon. Filipino po tayo." Totoo ang sinabi ko sa driver. Lumaki akong puro mga kasambahay ang nakakasalamuha dahil busy si daddy sa bagong pamilya niya. I was like an orphan living in a mansion. Kung siguro hindi kailangan ni daddy na buhayin ako para makuha ang yaman ni mommy ay baka matagal na nila akong pinatay. "Ma'am, huwag na kayong malungkot. May nagmamahal sa 'yo." "Marami. At alam kong binabantayan ako ni mommy mula sa malayo. Kaya gusto kong makuha ang Reomoto Hotel at lahat mga ari-arian ni mommy dahil pagbabayarin ko ang pumatay sa mommy ko." Natahimik ang driver. Ako man ay tinamad nang magsalita. I wanted to see the view of the sky from my side. It's so beautiful and peaceful. Its blue color brought calmness in my heart. Dumating ako sa Villa Angeline ng mas maaga sa expected na oras ko. As I took a glimpse of the place, a pain struck my heart. I miss my mommy so much. "Ma'am ito na po ba iyon?" "Ah, yes po. Dumukot ako ng pera sa bag at mabilis akong bumaba sa taxi. I opened my arms and closed my eyes. I wanted to feel the breeze of the wind. Nang sumibad ang sinakyan ko ay saka ko naalala ang plano ko kanina na tingnan ang mukha ng driver. Sayang mukha pa namang gwapo pero hindi ko na nakita iyon. "Ma'am Aly!" Masayang bungad ni Miss Anne. Siya ang caretaker ng Villa Angeline, ang lugar na pansamantalang magsisilbi kong kanlungan. Isa ito sa mga tagong property ni M Mommy at ng pamilya niya. Hindi alam ni daddy ang tungkol sa lugar na ito. Nakapangalan na ito sa akin simula noong eighteen years old ako. My dad's second family has no idea about it either. Ayokong may makakaalam na Reomoto tungkol sa lihim kong mga ari-arian na minana ko mula sa pamilya ng mga Darzon. Since mom is an only child kaya wala akong kahating kamag-anak sa yaman na naiwan nila. I am the sole heiress of Darzon and my dad has no knowledge about the wealth I inherited from my mom's side. Akala n'ya ay nakuha niya na lahat. Habang naglalakad ako papasok ay kinakausap ako ni Miss Anne. Nagtataka kasi siya kung bakit wala akong dalang gamit sa pagbalik ko roon. "Ilang araw po kayo rito?" tanong niya. "Hindi ko po alam. Siguro hanggang hindi pa nakakabili ng bagong damit si Tita Karla kasi ginunting ko ang mga mamahalin niyang damit at hanggang may bukol at bali pa siya." "Nag-away po ba kayo, Ma'am Aly?" "Gumanti lang po ako." Ms. Anne was silent for a moment. Hindi na sikreto sa matandang ito ang buhay ko sa piling ng bagong pamilya ni Daddy. "Malinis po ang room mo sa itaas. Tawagin mo lang po ako kung may kailangan ka. Nasa kusina lang po ako," kapagkuwan ay sabi ni Ms. Anne. "Thank you, Ms. Anne." Tumalikod na ang tagapangalaga ng Villa Angeline ngunit naiwan ako sa bakuran. Buong lumbay kong iginala ang aking mga mata sa mga bulaklak sa paligid. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at inamoy-amoy ko ang bawat talukot ng roses. "What a wonderful place!" I murmured. Mula sa mga naggagandahang mga bulaklak ay lumakad ako patungo sa mga puno sa parteng kaliwa ng villa. I checked if may bunga ang mga ito. Nang wala akong nakita ay pumunta ako sa fountain sa harapan at masaya kong tiningnan iyon. Ang lumbay na kanina lang ay nasa puso ko ay biglang naglaho. Napansin ko ang mahahabang damo sa piligid. Tinawag ko si Ms. Anne dahil doon. Hindi ko kasi gusto na ganoon ang paligid ng Villa Angeline. Hangga't-maaari ay nais kong maging maaliwalas ito katulad noong nabubuhay pa ang mga lolo at lola ko. "Bakit po, Ma'am Aly? May ipag-uutos po ba kayo?" "Pakisabi po sa hardinero na putulin ang mga damo. Masyado na itong mataas. Baka tirahan ng ahas " "Wala po kasi ang hardinero natin. Nagpaalam na uuwi muna sa pamilya. Hindi po kasi siya stay-in dito." "Ganoon ba? Tawagan mo siya at ipaputol mo po iyan, Ms. Anne. Kakausapin ko rin po siya." "Wala po akong numero niya. Maasahan naman po siya at kusa na lang dumarating." Mabait ako sa mga kasambahay. That is why, Mica has been treating me like her bestfriend since she became my alalay. Biglang umingit ang gate at pumasok ang isang pangit na lalaki. Ang buhok nito na parang pinatigas ng shoe glue ay nakakairita para sa akin. Ngunit makalaglag panga ang katawan niya. "Who are you?" tanong ko nang naglalakad na ang lakaki palapit sa amin. "Good afternoon po," bati n'ya. "Ma'am, siya po si Nicanor. Siya po ang hardinero na sinasabi ko po sa 'yo," sabi ni Ms. Anne. Sinuri ko ang bagong dating. I am not a judgemental person but upon seeing his hair I was so disgusted. He's like an anime character because of his hair. "Hindi ba uso sa bahay n'yo ang normal hair lang? Don't get me wrong, huh. I don't care about your face but your hair…" "Sorry, ma'am." "Anyways, habang narito ako, ayokong nakikita ang buhok mong parang nagulat at nanigas" "Sige po. Aayusin ko na po ang buhok ko." "Good! Ayoko sa lalaking mukhang laging manghuhuli ng butiki sa buhok niyang parang kinuryente." Pumasok sila ni Ms. Anne sa loob ng bahay. After how many minutes, he went out with a hedge trimmer. Basa na ang buhok niya at tumutulo pa angbtubig sa damit niya. "Ma'am, pumasok na po muna kayo sa loob kasi baka masunog po ang balat n'yo sa tindi ng init," he said. "Ay iba, sipsip!" tanging nasabi ng isip ko. Ngunit sa puso ko ay nakadama ako ng saya dahil may isang taong nagpakita ng kaniyang pagpapahalaga sa akin. Sa tulad kong naghahanap ng pagmamahal at kalinga, his words were like a precious gem I wanted to hear. Sa lugar na pumasok sa loob ng bahay ay naupo ako sa ilalim ng puno. I was observing the gardener's action. He was so strong with well-defined muscles. Wait, what am I thinking? I shook my head in a desperate move. Dahil nakaharap siya sa kinauupuan ko kaya malaya ko siyang pinagmamasdan. I even forgot that I haven't eaten yet. Hanggang sa inangat niya ang kaniyang ulo at ngumiti sa akin. Biglang parang may mga paro-parong nagliparan sa sikmura ko dahil sa ngiting iyon. "Aly, you're crazy," I told myself. "Kanina lang iyong taxi driver ang pinagdiskitahan mo. Ngayon naman ay ang pangit mong hardinero". Tumayo ako para pumasok na sa loob ng bahay. Ngunit pagtapat ko sa gardener ay bigla siyang nagsalita. "I miss you so bad. You're so beautiful, my lady. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD