ALY'S POV
Bago pa nabuksan ng evil stepmom ko ang hose na ibinigay ng maid ay mabilis akong bumaba ng sasakyan at inagaw ko iyon. I keep laughing habang binabasa ko si Tita Karla. Halos malunod kasi siya dahil sa mukha niya mismo ko itinapat ang nguso ng hose. Parang mababasag ang eardrum ko sa lakas ng tili niya.
"Angel Aly! What the hell are you doing?" my dad shouted.
I turned around at nakita ko siyang naka-pajama. Salubong ang kilay at halos lamunin niya ako.
Tumaas ang manipis kong labi at walang takot kong itinutok kay Dad ang hose na hawak ko. Binasa ko siya ng malamig na tubig habang patuloy akong tumatawa at sumasayaw. Ngunit kasabay noon ang pagtulo ng luha ko.
Ganoon kasi ang ginagawa namin madalas nina daddy at mommy noong bata pa ako. I was holding the water hose habang nagdidilig ng halaman kasama ang yaya kong pinalayas ni Tita Karla. I was so happy playing around with them. Binabasa ko sila ng tubig habang sumasayaw ako sa galak. Pero iba na ang panahon ngayon. Wala na si mommy at si Tita Karla na ang reyna sa mansion ng Reomoto.
"Stop it, you brat!" sigaw ni Tita Karla.
Nakita ko ang mga katulong na nakahawak lang sa kanilang mga bibig. My dad and stepmom were shouting para takutin at patigilin ako. Inutusan din nila ang mga katulong na sawayin at pigilan ako but nobody stepped-in.
Nang makita kong halos malunod na sina Dad at Tita Karla ay kusa kong pinatay ang tubig. I threw the host in the ground and I clapped my hands.
"There you are, siguro naman ay malamig na rin pati ang mga ulo n'yo," I said.
Hindi nakahuma sina dad at Tita Karla. Lumakad ako na parang prinsesa papasok ng mansion. Sumunod sa akin sina Roldan at Mica. Sa living room ay nakita ko si Lurica. Mukhang galing din siya sa labas dahil sa suot niya.
"Where have you been?" she asked.
"None of your business," malaming kong sagot.
"Are you drunk?"
"Again, none of your business."
"Aly, you know what…"
Hindi pa tapos magsalita si Lurica ng pumasok sina dad at Tita Karla. Ang mga katulong ay hindi magkandaugaga sa pagbibigay sa kanila ng towel. Ang pekeng kilay ng stepsister kong si Lurica ay biglang tumaas. Ang kissable lips niya ay biglang gumalaw at nag-form ng isang pilyang ngiti.
"We will talk later!" sigaw ni dad ng lagpasan nila ako.
"Oh-oh, wala sa schedule ko dad ang pakikipag-usap sa 'yo. I'm tired and tipsy. By the way, si Tita Karla ang kausapin mo. She provoked me kaya nangyari sa inyo iyan."
Pagkasabi ko noon ay nagtuloy-tuloy na ako paakyat sa aking silid. Kahit medyo hilo ako ay magaan kong itinapak ang mga paa ko sa spiral staircase ng mansion. Muli, nagwagi ako sa labanan namin ni Tita Karla.
Dahil alam kong hindi titigil si daddy para makausap ako kaya nagdesisyon akong sa silid ni Mica matulog. Nasa katabi ng silid ko lang iyon kaya roon na ako tumuloy. Si Roldan naman ay sa baba natutulog pero inalalayan n'ya pa rin ako paakyat.
"Aly, umiral na naman ang kapilyahan mo. Baka parusahan ka ni Sir Victor," mahinang sabi ni Mica.
"Oh, god. I'm nervous," maarte kong sabi sabay hagikhik. Magkatabi kami sa higaan ni Mica at mahinang nag-uusap. Naririnig namin na kinakalampag ni daddy ang pinto ng aking silid.
Ilang saglit pa ay kumatok si daddy sa silid ni Mica. Mabilis akong tumalon sa kama at nagtago sa ilalim noon. Si Mica naman ay nanginginig na lumakad palapit sa pintuan.
"Where is my daughter? Bakit wala siya sa silid niya?" dumadagundong ang boses ni daddy sa kalaliman ng gabi.
"S-sir, hindi ko po alam. Pumasok na po ako sa silid ko ng nakita kong natutulog na siya."
Mica opened her door so wide kaya alam agad ni daddy na wala ako roon. Nang maglakad si Daddy palayo ay agad isinara ni Mica ang pintuan at mabilis akong lumabas sa ilalim ng kama.
Narinig pa namin ang malakas na tawag ni Daddy kay Roldan at sa iba pang mga katulong. Habang nagkakagulo sila sa labas ay payapa akong nahiga at natulog sa silid ng isang taong lagi kong karamay.
Kinabukasan, lumipat ako sa aking silid ng matiyak ni Mica na walang makakakita sa akin. Muli akong natulog dahil alam kong paggising ko ay wala na ang pamilya ni daddy.
"Aly, wake up!"
I thought I was dreaming. My dad was inside my room and standing beside my bed. Nakahawak siya sa baywang niya. Dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama.
"Ano bang problema mo?" he asked.
"Dad, kailan ka huling pumasok dito sa room ko?"
Nagulat si Daddy at hindi halos makapaniwala sa tanong ko. Naglalakad-lakad siya na parang hari habang inuutusan niya si Mica na buksan ang lahat ng bintana para raw lumiwanag ang silid ko.
"Dad, tanda mo pa ba kung kailan ka huling pumasok sa silid ko?" I asked again.
"Angel Aly, ano'ng halaga ng tanong mo?"
M
"Kasing halaga kasi niyan dad ang pagiging ama mo sa akin. Now, if you can't remember when was the last time you entered this room, get out!"
He was shocked. Biglang mamula ang mukha niya sa sobrang galit. Ang mga kamao niya ay parang bakal na humawak sa braso ko. Tinitigan n'ya ako, mata sa mata.
"Wala kang karapatan na bastusin ako hanggang nasa loob ka ng pamamahay ko!"
"Ows, really? Sa pagkakaalam ko ay pamamahay din ito ng mommy ko. Ah, wait, sampid ka lang dito at mula sa pangalang Darzon Mansion ay pinilit mo si Mommy na gawing Reomoto Mansion ito after mamatay nina lolo at lola. Am I right, dad?"
Nakita kong umigkas ang kamay ni Daddy para sampalin ako kaya mabilis akong yumuko. Narinig ko na lang na tumama ang palad niya sa headboard ng kama.
Mabilis akong bumaba sa kabilang side ng bed at nakipagtitigan ako sa daddy. Ngingisi-ngisi ako habang ipinapagpag niya ang kamay na nasaktan.
"Ipapadala kita sa America para tumino ka!"
"Sure, Dad. When I come back, I'll take everything na pagmamay-ari ni mommy. Agree?
"Pinaghirapan ko rin ang lahat ng meron ka Angel Aly! Matagal ng patay ang Mommy mo at bago siya namatay ay mahina ang negosyo noon!"
"Really? But I'm sure, sa galing ni Mommy sa negosyo ay baka hindi lang ang naabot mo ang kinalalagyan ngayon ng so-called Reomoto Hotel mo na dating Darzon Hotel. Wala ka sa kalingkingan ni Mommy when it comes to business."
Mas lalong naging mapula ang mukha ni Daddy. Alam kong sukdulan na ang galit niya at talagang malilintikan ako. Pero simula ng iuwi niya ang mag-ina niya sa bahay namin ay nawala na ang respeto ko ko sa kan'ya. Nawalan na rin ako ng takot.
Si Mica ay panay ang senyas na tumigil na raw ako but I just ignored her warnings. I wanted to tell dad how useless he is. Gusto kong ipamukha sa kaniya kung gaano siya kawalang-kwentang ama.
"Hindi ka lalabas ng silid na ito! Bilang parusa mo ay makukulong ka rito ng tatlong araw hanggang sa magtanda ka at matuto kang irespeto ako bilang magulang mo!" galit niyang sigaw.
Hahakbang na sana si Daddy palabas ng pintuan ng bigla ko siyang tinawag. Dahil sa lakas ng boses ko ay bigla siyang napalingon kahit mukhang ayaw niya.
"Saka mo na ako ikulong kapag naalala mo na kung kailan ka huling pumasok sa silid na ito dahil iyon ang huling pagkakataon na naging ama ka sa akin. Hanggang hindi mo naaalala iyon, I am the boss of myself."
Sumunod ako sa kan'ya sa may pintuan at binalaan ko ang mga katulong na naroon. Ang sino mang sumunod sa utos ni Daddy na ikulong ako ay siguradong makatitikim ng kamandag ko.
Everyone was confused. They were looking at each other and asking silently to whom they will give their loyalty.
"I'm warning you all, including you, Dad. Kapag ikinulong n'yo ako rito ay mas malaking kahihiyan pa ang gagawin ko!"
"Okay, fine! Just shut up, will you? Report to the hotel! As one of the heiresses of Reomoto, you should be there and study how it operates."
"Correction, I am the only heiress of Reomoto Hotel! Wala ka naman talagang pagmamay-ari, dad. Sa mommy ko ang lahat ng meron ka."
Mabilis na lumakad si Daddy at hindi na pinansin ang huling sinabi ko. Nang mawala siya ay agad akong hinila ni Mica papasok ng aking silid.
Sinermunan niya ako katulad ng dati. Patawa-tawa lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya. She was so worried that my dad would do extreme actions because of my impoliteness towards him.
"Hey, relax, Mica. Don't think so much. Ako'ng bahala sa daddy ko," sabi ko habang nakangisi.
Inutusan ko ang isang katulong na ikuha ako mg pagkain at iakyat na lang iyon sa silid ko ngunit bumalik itong walang dala. Hindi raw kasi siya pinayagan ni Tita Karla na bigyan ako ng pagkain.
"Where is she?" naiinis kong tanong.
"Nasa kusina po, Ms.Aly," nanginginig na sagot ng katulong.
Mabilis akong lumapit sa drawer at kinuha ang isang malaking gunting. Senenyasan ko si Mica na sumunod at tingnan kung aakyat ba o hindi ang evil stepmom ko.
"Aly, ano na naman ito?" nag-aalalang tanong ni Mica.
"Ipapaalam ko lang sa kan'ya kung sino ang boss sa bahay na ito."
Pumasok ako sa kwarto ng daddy at mommy ko. Dating silid pala nila dahil ang natutulog na roon ngayon ay ang bruha kong stepmom at ang pabaya kong ama. Ginupit ko ang beddings nila, mga damit ng madrasta ko, sapatos at mamahaling bag niya. Hindi pa ako nakuntento, ikinalat ko lahat ng jewelries ni Tita Karla at pinagsisira ang kaya kong sirain.
Ginawa ko iyon sa loob lamang ng ilang minuto at pasimple akong lumabas sa master's bedroom na para bang wala akong ginawang masama. Bumalik ako sa silid ko at mabilis akong nagbihis. Tinawag ko si Roldan at Mica. Agad akong nagpahatid sa Reomoto Hotel kahit wala pa akong ligo.
Sa hotel ay ninamnam ko ang masarap na pagkain. I can't erase the smile on my face. Nai-imagine ko kasi kung ano ang magiging itsura ng mukha ng madrasta ko kapag nakita niya ang ginawa ko.
Sina Roldan at Mica naman ay tahimik lang na nakatingin sa akin. Hindi nila ako kinakausap dahil alam nilang galit ako. Kumakain sila kasabay ko sa iisang lamesa pero walang gustong magsalita.
Pagkatapos kong kumain ay naglibot-libot ako sa hotel. I was imitating my mom, the way she walks or talks with the employee. Gusto kong madama pa rin ang presensya ng isang Angeline Reomoto sa hotel na pinaghirapan ng pamilya niya.
Sina Roldan at Mica ay inutusan kong ayusin ang silid ko sa 35th floor. Gusto kong sila ang personal na gagawa noon dahil sa kanila lang ako may tiwala.
Nang mapunta ako sa office ng manager ay nakita kong sinisigawan siya ni Lurica. Mula sa glass window ay mataman ko silang pinanood. Manang-mana talaga si Lurica sa bruhang nanay niya.
I didn't know what the problem was pero hindi ako nakatiis na hindi pasukin ang silid ng nakita kong hinaklit na ni Lurica ang kwelyo ng suot na damit ng manager ng kompanya. Nag-aapoy ang mga mata niya habang nakatingin sa matanda ng lalaki.
"What's the problem here?" tanong ko sabay upo sa couch.
"And why are you here?" tanong din ni Lurica sa akin sabay bitaw sa manager.
"I should be the one asking you the same question."
"As far as I know, I am the vice president of Reomoto Hotel. How about you?"
"I am the sole heiress of Reomoto Hotel," matapang kong sagot.
"Nakakalungkot naman na hanggang ngayon ay hindi mo ako matanggap na kapatid mo," wika ni Lurica. "Still we're sisters."
"So, what is the matter here? Mukhang galit na galit ka yata sa walang kalaban-laban na manager." Sumulyap ako sa manager na nakayuko pa rin.
Almost sixty years old na siya ngunit makisig pa rin. Buong buhay niya ay inalay niya para sa Reomoto Hotel. Bata pa lang ako ay nagtatrabaho na siya roon katulong ni Mommy sa pagpapatakbo ng hotel.
He was promoted before but because of Tita Karla, he was demoted from his previous post. Hindi ako nakikialam sa takbo ng negosyo ni daddy pero naka-obserba ako sa bawat galaw ng lahat.
"Hey, are you listening?" inis na tanong sa akin ni Lurica.
"No!" Wala kasi akong planong makinig sa 'yo. You may leave now. Kakausapin ko ang mismong manager."
"Aly, this is about work. You're not in a position to deal with it."
Ngumiti ako ng nakakainsulto sabay halukipkip. Kahit sobrang lamyos ng pagkakasabi ni Lurica ng mga katagang iyon ay para akong sinampal noon.
"Kung may isang taong wala sa posisyon dito ay ikaw iyon. Kahit kailan ay hindi kita matatanggap na kapatid ko." Kasing lamig ng yelo ang tingin na ibinigay ko sa kan'ya habang sinasabi iyon.
"I hate you, Aly. Katulad mo ay anak din ako ni daddy. Sinisikap kong magkasundo tayo pero you're pushing me away."
"Really? Kung gusto mong magkasundo tayo, be honest. Hindi ko kailangan ng fake sister. At higit sa lahat, ayoko sa plastic at pailalim kung kumilos. I can read your actions and kilalang-kilala kita.
Lumabas si Lurica ng silid na iyon ng walang kaabog-abog. Alam kong magsusumbong siya kay daddy at siguradong haharap na naman ako sa kinauukulan dahil doon.
Binalingan ko ang manager na nakayuko pa rin. Tinanong ko siya kung ano ang problema at agad naman siyang nagpaliwanag. Nang narinig ko ang mga sinabi n'ya ay naningkit ang mga mata ko sa sobrang galit.
"Hindi mo siya susundin, sir! Walang sinuman ang pwedeng magtanggal ng picture ng mommy ko sa hotel na ito. Kapag ginawa n'yo iyon, wala ng saysay ang Reomoto Hotel."
"Alam ko po iyon, ma'am. Kaya nga po ipinipilit ko sa kapatid mo na hindi pwede ang suggestion niya."
"Hindi ko siya kapatid!" sigaw ko. "Wala akong kapatid na sa harap lang ng maraming tao mabait."
Pagkagaling sa opisina ng manager ay bumaba ako sa lobby ng hotel. Umupo ako roon habang nakatingin sa malaking portrait ni mommy. I knew that my presence was very intimidating to the employees pero wala akong pakialam.
"Hi, mom. How are you? Ipaglalaban kong dito ka lang at kahit kailan ay hindi ako papayag na pati sa lugar na ito ay mapalitan ka ng kaibigan mo," bulong ko sa hangin.
Nasa kalaliman ako ng pag-iisip ng lumapit sa akin ang front desk staff. Nag-aatubi pa siyang sabihin sa akin ang sadya niya.
"Ms. Aly, Mr. Reomoto wanted to see you in his office."
Alam ko na agad kung bakit ako pinatawag ng daddy ko. Ngumisi lang ako at kinuha ang magazine sa ibabaw ng maliit na glass table na nasa harapan ko.
Ngunit bago ko pa mabuksan iyon ay nakita kong rumaragasa na pumapasok sa hotel si Tita Karla. Pulang-pula ang leeg niya at para siyang multo sa kapal ng make-up niya. Mabilis ang mga hakbang niya kahit ang taas ng takong ng sandals n'ya. Nakatutok sa akin ang nag-aapoy niyang mga mata.