ALY Sa pag-alis ko sa mansion ng Reomoto ay parang walang nakaalala sa akin. My dad texted me only to remind me about what we had agreed upon. According to him the wedding should be pushed through no matter what because that's the only hope of Reemoto Hotel to gain more success and recognition. Muntik ko na sanang hindi ituloy ang plano ko dahil sa pag-uusap namin ni lolo pero dahil sa ginawa ni Tita Karla at sa kawalan ni daddy ng pagpapahalaga sa akin kaya mas lalo akong naging motivated to drag the whole family down. Nang sinabi ni Roldan na may nahanap na siyang pulubi para maging asawa ko sa papel ay bigla kong naalala ang lalaking inihulog ko sa manhole. I was telling myself to forget him. Maybe he's just trying to fool me kaya may gano'ng drama siya. Ngunit naiisip ko rin na

