ALY Pinayagan na ako ni daddy na lumabas ng aking silid. Inaway kasi siya ni Ate Gael at pinagsabihan ni lolo. Ipinatawag n'ya ako sa office n'ya sa loob ng mansion. Dahil sa rebelasyon ni daddy kaya ang dating malayo na naming agwat ay mas lalo pang naging malayo lalo at nabatid kong ginamit n'ya lang ako. "I am fixing your problem with Belldon. Now, in return, you have to do your part as a Reomoto kahit hindi kita anak. We'll stick to the plan. You have to marry Jorge and be a good wife." "Okay, I'll marry that maniac to satisfy you," sabi ko. Gusto kong mapaniwala sila na wala akong tutol sa plano nila. Ang malaman na hindi pala ako anak ni Victor Reomoto ay isang malaking dagok sa buong pagkatao ko kahit pa sinasabi ni Attorney San Juan na it was a lie. Aminado rin kasi si attorn

