ALY Hindi magkandatuto si Mica sa pagpunas sa katawan kong basa. Panay din ang sermon niya habang tinutulugan akomg linisin ang sarili ko. "Ang baho mo, Aly. Hindi ko akalain na balak mong magpakamatay. Hayaan mo, bibilisan namin ni Roldan ang paghahanap ng pulubing gusto mong mapangasawa," tuloy-tuloy na sabi ni Mica. "Mabuti nga at nakita kita agad. Ako pa ang makakadisgrasya sa iyo. Huwag kang mag-alala, bukas na bukas din ay hahalughugin ko ang buong Metro Manila makita ko lamang ang gusto mong lalaki," wika naman ni Roldan. "At 'wag mo na ulit iisipin ang magpakamatay." "Shut up! Both of you, keep your mouth shut!" singhal ko sa dalawang kasama ko sa loob ng sasakyan. Pareho sila nagulat at natameme. Naiinis na kinuha ko kay Mica ang face towel at ako na ang kusang nagpunas

