HEIRESS CHAPTER 19

2582 Words

ALY Nahalata ni Giano ang pagtago ko. Kung tinted kasi ang sasakyan ko ay hindi naman ang kabilang sasakyan. Mabuti at busy sina Jorge at Lurica sa paghahalikan. "Roldan, bilisan mo ang pagpapatakbo. Huwag kang tumatapat sa sasakyan sa kabila," utos ni Giano sa driver ko. "Hala! Diyos ko! Oo nga, si Lurica ang sakay niyan at si… Teka, si Jorge ba iyan?" tanong ni Mica. Si Roldan ang sumagot kay Mica. Samantalang si Giano ay nakangiti sa akin habang sinasabihan ako na huwag raw magtago dahil hindi kami kita sa labas. Nakasimangot na umupo ako ng maayos. Hindi ko sinita si Giano sa pag-utos niya kay Roldan. Katulad nang sabi n'ya sa akin ay huwag ko raw siyang pansinin sa mga pagbabago niya dahil sinisikap n'ya raw gampanan ang role niya para ready siya kapag humarap sa family ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD