ALY Almost an hour na kami sa kalsada ngunit hindi gumagalaw ang mga sasakyan. Nakakunot na ang maganda kong mukha ngunit ang groom ko ay nakaupo nang very calm sa tabi ko. Hinihimas-himas niya ang kaniyang baba habang kampanteng nakasandal sa upuan. Hindi sumama si Miss Anne kaya apat lang kami sa loob ng sasakyan. Si Mica ay panay lang ang daldal at pilit pinapawi ang tensyonadong sitwasyon. Ibinibida n'ya kung paano nila ni Roldan tinakasan si Tita Karla na parang owl daw at ayaw matulog. "Roldan, go out and check what is happening there," utos ko sa driver kong patango-tango at sumasabay sa beat ng tugtog mula sa car stereo. "Sige," he replied. "Naipit na tayo rito." Lumabas si Roldan at nakipag-usap sa mga taong nagkukumpulan na sa kalsada. Habang tumatagal ay dumadami na sila

