ALY Matigas ang pagtanggi ko na pag-isipan pa ang lahat. Bago ako naglasing at napunta sa La Hacinta Hotel ay buo na ang loob ko noon na maghanap ng isang lalaking magiging tampulan ng usapan sa mundo ng mga negosyante. Walang sinumang nasa alta sociedad ang magugustong makapangasawa ng isang low profile na tao, lalo na ng isang taong pakalat-kalat sa lansangan. "P-pulubi?" Mica asked. "Sigurado ka ba, Aly, na pulubi talaga ang gusto mong maging asawa? Heredera ka, mayaman, matalino at…" "Yes, pulubi!" putol ko sa sasabihin pa ni Mica. "Pulubi ang pakakasalan ko para lahat sila mawindang." "Saan naman kami maghahanap ng pulubing pasok sa standard mo?" tila hirap na tanong sa akin ni Mica. "Galugarin n'yo ang buong Pilipinas!" I shouted. Napasabunot si Mica sa ulo niya. I knew she

