ALY
Hindi ako nakahuma sa narinig ko. Nakalabas sa room ko ang waiter na tila wala ako sa sarili. Nang narinig ko kasi ang sinabi n'ya na mahal n'ya daw ako ay bigla akong napaupo sa kama at 'sing bilis ng ipo-ipo na nawala ang lalaki.
Ang sakit ng ulo ko dahil kahit nakainom ako ay hindi ako dalawin ng antok. Para akong nakainom ng energizer dahil buhay na buhay ang diwa ko. Bumangon ako sa kama at inubos ko ang lahat ng natitirang alak. Muli akong humiga at sinubukan kong matulog.
Kinabukasan ay ang manager na ang naghatid ng breakfast ko. Hinanap ko ang waiter ngunit wala raw ito ng oras na iyon. Nawalan ako ng ganang kumain. May gusto akong linawin sa waiter kaya gusto ko itong makita ulit.
Dumating ulit ang tanghalian at hapunan na ang manager pa rin ang naghahatid ng pagkain ko. Nagtatakang pinigilan ko siya sa kaniyang paglabas sa pintuan.
"Yes, ma'am. What can I do for you?" tanong ng manager.
"Will you please be honest? What is the name of the waiter who served me yesterday?"
Natigilan ang manager. Nakita ko ang pagkalito sa mukha niya. Tumaas ang kilay ko at naisipan kong gipitin siya.
"Miss, ang totoo ay hindi namin siya kilala. Ang akala namin ay personal kayong magkakilala at gusto ka lang niyang i-surprise," paliwanag nang nanginginig na manager.
Natapik ko ang aking noo habang nakahawak ang isang kamay ko sa aking baywang. Nagpalakad-lakad ako habang nakayuko.
"Can you tell me his name? I mean, who paid for this room? Baka iisa lang sila."
"I can't do that, miss. I signed an agreement that I will not disclose his identity. In fact, ang pinirmahan kong papel ay walang nakalagay na pangalan niya."
"My goodness! Bakit ka pumirma ng ganoon?"
"He's very intimidating, miss. Pakiramdam ko kapag tumanggi ako ay katapusan ko na."
"How many days ang binayaran n'ya?"
"One week, miss."
"Okay, I still have a few more days left. Uubusin ko iyon. Baka sakaling bumalik siya."
Pagkatapos umalis ng manager ay hindi ko agad nagalaw ang pagkain. Nakatunganga lang ako sa nakabukas na tv pero hindi naman ako nanonood. Naka-focus ang utak ko sa lalaking nakainuman ko kagabi.
Days passed by pero hindi na bumalik ang lalaki. May mga dumating na damit ko at galing daw iyon sa nagbayad ng room ko. Ayoko man tanggapin ay no choice na ako lalo at itatapon daw iyon kung ayaw ko. Naloka ako dahil sa tingin pa lang ay alam na agad na signature clothes ang ipinadala ng lalaki. Sayang kung itatapon mga talaga.
"He's not an ordinary man. May isang taong obsessed sa akin pero hindi ko kilala," bulong ko habang binubuklat ang mga damit.
Naghintay ako sa lalaki na bumalik at muli akong kausapin ngunit hindi na siya nagparamdam pa. I tried to call him multiple times but his phone could not be reached.
Dumating ang araw para umuwi na ako ng mansion. Hindi ako tumawag kina Roldan at Mica ng ilang araw kaya alam kong nag-aalala na rin sila. Dahil binili para sa akin ang sampung damit na nasa cabinet kaya dinala ko iyon. Gusto ko man magpasalamat sa lalaki pero hindi ko naman alam kung saan siya hahagilapin.
Mag-aalas-onse ng umaga nang umuwi ako para wala sina daddy at Tita Karla sa bahay. Sigurado rin akong nasa hotel si Lurica kaya walang sasalubong sa akin na masamang hangin.
Ngunit pagbaba ko ng taxi ay sinalubong ako kaagad ng galit na galit kong lola. Isang nakayayanig na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Ang dalawang kapatid na babae ni daddy ay nakapamaywang at parang mga gutom na lion na handa akong lapain.
Instead na sumagot sa lola ko ay nilagpasan ko lamang siya pero hinablot n'ya ang aking braso. Lumapit na rin ang mga kapatid ni daddy.
Halos mamilipit ako sa sobrang sakit ng hinawakan nila ang buhok ko. Parang matatanggal na kasi ang anit ko. Sinampal at pinagtulungan nilang sabunutan ako ngunit hindi ako gumanti. Hindi rin ako umiyak. Pinatigas ko lalo ang maganda kong mukha para hindi tumulo ang mga luhang sumusungaw na sa aking mga mata.
"Haliparot ka! Malandi ka! Kung kani-kaninong lalaki ka nakikisama. Hindi ka tumulad kay Lurica," sigaw ni Auntie Anika.
"Bastos ka! Kinakausap kita tapos lalampasan mo lang ako!" sabi naman ni lola.
Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko sina lolo, daddy, Tita Karla, Lurica at daddy ni Gael na nanonood lang at hinayaan lang na masaktan ako. Nag-aapoy ang mga matang tiningnan ko sila isa't-isa.
"If you are done, will you please let me in? I'm tired!" sabi ko sa matigas na tono.
"Ayusan n'yo ang babaeng iyan dahil darating ang mga Belldon. Hindi siya pwedeng maabutan nila na gan'yan ang itsura," utos ni Lola. "Takpan ng make up ang sugat niya sa mukha."
"Walang gagalaw sa mukha ko! Haharapin ko ang mga Belldon sa mukhang ito! Remember, I am your last resort!" pasinghal kong wika.
Everyone was silent for a moment. Hindi ko halos matingnan si dad. Nakakasuka siyang ama. Hinayaan n'ya lang na saktan ako ng mga kamag-anak n'ya habang nanonood siya.
Dumiretso ako sa silid. Pinipigilan ko pa rin ang umiyak. May narinig akong katok sa pinto kaya mabilis ko iyong binuksan sa pag-aakalang si Mica ang may gawa noon.
"Where have you been for a week? Bakit ka biglang nawala?"
"Why are you here?" tanong ko kay Lurica. Iniharang ko ang katawan ko sa may pintuan para hindi siya makapasok sa silid ko.
"I just want to talk to you. I'm worried about you."
"Liar!" sabi ko sabay sara ng pinto.
Tinawagan ko si Mica ngunit walang sumasagot. Ganoon din ang ginawa ko kay Roldan. Binuksan kong muli ang silid ko at sinilip ko ang silid ni Mica. It was empty. Mabuti na lang at may nakita akong katulong.
"Where are Roldan and Mica? Call them, now!" utos ko.
"Miss Aly, wala na po sila rito. Pinalayas po sila ni Ma'am Karla."
Kumulo ang dugo ko. Lahat ng pagtitimpi na meron ako ay biglang humulagpos. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa bigla iyong uminit.
Mabilis ang mga hakbang na lumakad ako pababa ng spiral staircase. Ang sino mang makakasalubon ko ay sasagasaan ko kung hindi iiwas. Ang mga katulong na nadadaanan ko ay biglang nawawalan ng ngiti pagkatapos akong makita.
Sa sala ay masayang nakikipag-usap si Tita Karla ay Auntie Anika. Walang kaabog-abog na hinaklit ko ang braso n'ya saka ko pinadapo ang aking kanang kamao sa mukha niyang punong-puno ng make-up. I haven't done that before pero punong-puno na ako. Ang pagpapalayas niya kina Roldan at Mica ay sukdulan na.
Gaganti sana siya ng sampal ngunit mabilis kong nasalag ang braso niya. Hinawakan ko iyon ng ubod higpit dahilan para mapangiwi siya. Ang mga taong nakapaligid sa amin ay tila nabigla kaya walang nakahuma.
"Kapag hindi mo pinabalik sina Roland at Mica ay ikaw ang ipakakasal ko kay Jorge Belldon. Huwag n'yo akong subukan! Ang kaunting pasensya ko ay paubos na!" banta ko sa kanila.
Marahas kong binitawan si Tita Karla at itinulak ko siya kaya napasalampak siya sa sahig. Iyon ang naabutan ng mga Belldon. Si Mr. Belldon ay nanlaki ang mata at si Mrs. Belldon ay napatili ng ubod lakas.
"Welcome to Reomoto Mansion," bati ko sa kanila. "I am your future daughter-in-law. Where is my future husband?"
Hindi pa sumasagot ang mag-asawa nang pumasok ang isang maangas na lalaki. He's over confident of his looks. Ngunit hindi iyon ang reason para mapataas ang kilay ko at mapakuyom ang palad ko.
"Hi, Angel Aly, nice to see you again," sabi niya ng may buong pagmamalaki. "I'm Jorge, your husband to be."
"What a small world, bastard?" tanong ko sa kan'ya. "Manyakis pala ang mapapangasawa ko."
"What?" exaggerated na tanong ng mommy ni Jorge.
"Ops, sorry. Hindi n'yo pala alam na manyak ang anak n'yo."
Sinenyasan ako ni daddy na manahimik at inimbitahan n'ya ang mga bagong dating na umupo bago ang gagawin na pag-uusap. Humakbang naman papasok ng bahay ang mag-anak. Napansin kung nakaliyad maglakad si Jorge. Ubod talaga siya ng kayabangan. Si Tita Karla ay nakatayo na rin sa tulong ni daddy.
Nang nakaupo na ang mga bisita ay bigla akong humakbang palayo sa kanila. Dumadagundong ang boses ni daddy habang tinatawag ang pangalan ko.
"Angel Aly, stay!" utos n'ya.
Napalingon ako at unti-unting umikot ang aking katawan para muli silang harapin. Ang apoy sa puso ko ay hindi pa rin namamatay. Lalo lang nadagdagan ang poot na nadarama ko. Kahit sa harap ng ibang tao ay sinigawan n'ya talaga ako.
"Gosh! I'm trembling! Stop shouting, dad. Will you? Siguro naman enough na itong mga sugat sa mukha ko para magkaroon ako ng dahilan para hindi humarap sa mga Belldon. Kasalanan mong hinayaan akong bugbugin ng ina at mga kapatid mo."
Sinadya kong idiin ang huling pangungusap. Gusto kong malaman ng mga Belldon kung anong klaseng pamilya ang makakaharap nila. Dahil sa sinabi ko ay hindi magkandaugaga si lola at mga aunties ko kung paano linisin ang pangalan nilang napakabango.
At dahil kilala si Mrs. Belldon na tagapagtanggol ng mga kababaihan at kabataan na physically and mentally abused by the people around them kaya mas lalo akong ginanahan na idiin ang mga kamag-anak ko. She's hypocrite also kaya alam kung papatulan n'ya ang ano mang sabihin ko.
"I'm sorry, ma'am. Hanggang hindi nila ibinabalik ang personal assistant at driver ko, hindi ako magpapakasal sa anak n'yo. Lalo na at minsan akong binastos ng anak n'yo," magalang kong sabi.
Nagalit si Mrs. Belldon at gusto nang huwag ituloy ang kasal. Natatarantang inutusan ni daddy si Tita Karla na tawagan sina Roldan at Mica. Ang mga kamag-anak ni daddy ay nagsimula nang humihingi ng tawad sa akin ngunit dahil alam kung peke lang iyon kaya tumalikod na ako at iniwan ko sila.
Pumasok ako sa entertainment room. Alam kong hahabulin kasi ako ng mga kamag-anak ni daddy at may mangyayari na namang part two sa sakitan portion. Hindi naman ako nanood. Umupo lang ako habang nakikinig sa isang pop music. I reclined the chair and rested on my back. I was about to close my eyes when suddenly an unfamiliar person came in and touched me in my arms.
"What the f*ck are you doing here?" tanong ko kay Jorge sabay tayo.
"I wanted to be alone with you. They are still talking about the schedule of our wedding," sagot niya.
"Asa ka sa kasal na iyan. Walang kasal na magaganap. Over my dead body."
"Wala ka ng choice. Your father is desperate to expand your business. Wala siyang makuhang business partner because everyone avoids him. Kapag nagtuloy-tuloy iyan, babagsak ang hotel business n'yo."
"I don't care," sabi ko.
Subalit biglang hinablot ni Jorge ang braso ko at hinaltak ako palapit sa kan'ya. Muntik akong napasubsob sa malapad niyang dibdib dahil na-out-balance ako. Napamura ako lalo na ng hinapit n'ya ako sa baywang.
"Huwag masyadong matigas ang ulo. You will be mine and I'll be yours. Hindi uubra sa akin ang katarayan mo," sabi n'ya bago ako gawaran ng isang nakakadiring halik sa pisngi.
Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kan'ya bilang ganti. Kumawala rin ako mula sa mga bisig n'ya.
"Keep on dreaming, maniac! You will regret this!" galit kong sigaw sa kan'ya.
Mabilis akong lumabas ng entertainment room at naglakad pabalik sa aking silid. Nakita ko si Lurica na masayang kausap ang sino man sa kan'ya cellphone. Nang nakita n'ya ako ay nang-iinsulto niya akong binati para sa nalalapit kong kasal.
Ngumisi ako habang nakatitig sa mukha niya. Sa ganda niya ay para siyang inosente at hindi makabasag pinggan. Ngunit simula ng narinig ko sila ng mommy n'ya na nag-uusap kung paano ako palalayasin sa Reomoto Mansion ay hindi na ako nagtitiwala sa mukhang anghel na nasa harapan ko.
"Bakit mo ako tinitingnan ng gan'yan?" she asked.
"Good luck sa future mo as Mrs. Jorge Belldon," nang-iinsulto kong sabi.
"That can't be! It will never happen. Ikaw ang ikakasal sa kan'ya at hindi ako!" galit na sigaw ni Lurica.
"Let's see! Anyways, congratulations in advance," pang-aasar ko.
"Hey, girls. Hindi n'yo ako kailangan na pag-awayan. Alam ko sa sarili kong gwapo at maskulado ako. If you want, pwede kayong mag-share sa akin."
"Yuck! My goodness! Gwapo ka, matangkad pero Mr. Jorge Belldon, you're not my type!" singhal ni Lurica kay Jorge.
Napahalakhak ako. Hindi ako makapaniwala sa kayabangan ng lalaking gusto ni dad na pakasalan ko.
"Maliwanag ang gusto ko. Hanggang wala sina Roland at Mica, walang kasalan na magaganap. So, Jorge, encourage them para ibalik ang mga taong importante sa akin. That's your first task as my fiance."
"I will, my lady."
Yumuko pa si Jorge at tumuloy na pababa ng hagdanan. Si Lurica naman ay lumakad na rin papasok sa silid n'ya habang magdududuwal.
Tumuloy na rin ako sa aking silid. Doon ay hinintay ko na lang kung ano ang mangyayari sa mga susunod na oras. Ngunit walang kumatok para saktan ako. Wala ring umistorbo sa akin.
Lumipas ang mga oras na nasa loob lang ako ng silid ko. Inaalala ko ang istura ng lalaking nakainuman ko sa La Hacinta Hotel. Napatanong pa ako sa aking sarili kung kumusta na kaya siya.
"Aly!" isang masiglang tinig ang nagpabangon sa akin. Maghapon lang kasi akong nakahiga dahil tamad na tamad ako.
"Nakakainis ka! Bakit hindi mo sinabi na pinalayas kayo ng bruha?" nagtatampong sabi ko.
"Naka-off po ang cellphone mo, mahal naming alaga. Ilang beses kitang tinawagan ngunit busy ka."
"I'm sorry. Bakit kayo pinalayas ng bruha?"
"Hindi raw kasi namin nagawa ang trabaho namin na bantayan ka. Kaya ayon, nagpatawag siya ng media at nag-drama sila ni Lurica. Namula ang mata niya sa dami ng eyedrops na ipinatak niya."
Nagtawanan kami ni Mica. Hinanap ko sa kan'ya si Roldan at ang sabi n'ya na nasa baba na raw ito kaya naisipan kong ipatawag. Nakangiting Roldan ang bumungad sa akin. Nasa private room kami na nagsisilbing opisina ko sa bahay kahit wala naman talaga akong position sa Reomoto Hotel.
"Kumusta ang bakasyon?" biro ko kay Roldan.
Napakamot siya sa kan'yang ulo. Tinanong ko sila kung nakita pa ba nila ang mga Belldon ngunit hindi na ang sagot nila sa akin. Hindi rin daw nila nakita ang daddy at bruha kong madrasta.
"Bakit parang ang formal ng pag-uusapan natin?" tanong ni Mica.
"Dahil gusto kong malaman kung kumusta na ang pinapatrabaho ko sa inyo."
"Anong pinapagawa mo?" tanong ni Mica.
"Pinaghahanap ko kayo ng pulubi, 'di ba?"
"P-pu-lubi?" Naguguluhang tanong ni Mica. " Seryoso ka ba talaga sa utos na iyon?"
"Mica, ayokong ma-highblood! Isang linggo na ang lumipas, wala pa ring kayong development!"
"Akala ko kasi ay nabigla ka lang noon. Seryoso pala ang utos na iyon," hindi makapaniwala na sabi ni Mica.
Si Roldan ay tahimik lang na nakaupo sa sofa habang nakikinig sa amin ni Mica. Sa itsura n'ya ay hindi ko mawari kung ano ang tumatakbo sa isip n'ya.
"Aly, baka pwedeng pag-isipan mo muna ito," biglang sabad ni Roldan. Dama ko sa tinig niya ang paghihirap ng kan'yang kalooban.
"Bakit ganito si Roldan? May problema ba?" tanong ng isip ko.