HEIRESS CHAPTER 9

2636 Words
Aly Nakaalis na ang lalaking naghatid ng breakfast ko. He's kind of madaldal but I like his honesty. Magaan din siyang kausap kaya komportable ako sa kaniya.  I called the manager of La Hacinta Hotel. I just wanted to confirm kung totoo nga ba ang sinabi ng waiter. Alam kong mahal ang per day sa hotel na iyon dahil isa iyon sa kalaban ng Reomoto. Very classy ang them nila pero at home pa rin ang pakiramdam kapag naroon ka.  Isang middle age man ang kumatok sa aking silid. As I looked at his name plate, alam kong siya na ang hotel manager na hinihintay ko.  "Good morning, miss. We're glad to have you here at La Hacinta Hotel. What can I do for you?" bati ng manager.  "I have a lot of questions and clarifications regarding my stay here. Your waiter told me na mayroong isang tao na nagbayad ng lahat ng expenses ko sa pag-overnight ko rito. Is that true?" Yes, ma'am. In fact, he asked us to give the best service to you." "Is it true ba na kahit abutin ako ng ilang araw dito ay libre pa rin ang accomodations ko?" "Yes, ma'am." "Okay, that's good. Actually, I can pay naman. I just want to make sure na wala akong magiging problem in the future. Anyways, I want to keep my privacy. Don't tell anyone that I am here. Is that clear?" "Noted, ma'am." "May I request also na iyong waiter na naghatid mg food ko kanina ay siya rin ang maghahatid palagi kapag time na ng pagkain ko. Another thing, I want him to be the cleaner of this room hanggang nandito ako." "I'll talk to him, ma'am. What you are requesting is beyond his job kaya kailangan po muna namin siyang mapapayag."  "Okay, just let me know his answer."  Umalis na ang manager ngunit hindi pa rin nawawala sa labi ko ang ngiti ng kaligayahan. Kung sino man ang mabait na nilalang na hulog ng langit ay mahahalikan ko talaga.  Napahiga ako sa malambot na kama habang binabalikan ang mga naganap kagabi. Matindi ang naging tama sa akin ng alak na nainom ko. Naalala ko na may lalaking bumuhat sa akin at inilabas ako sa bar.  Nasapo ko ang aking noo. Hindi ko matandaan ang mukha ng lalaki. Maging ang plate number na sinakyan namin ay hindi ko maalala. Bumalik rin sa isip ko nang hinalikan ko siya at maging ang paghubad ko sa loob ng sasakyan niya. Bigla akong napaupo sa kama. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Hindi naman ako mukhang ginahasa. Tumulis ang nguso ko at muling nahiga. Bahala na, ayoko nang isipin ang naganap kagabi dahil okay naman ang katawan ko.  Alam kong nagkakagulo na naman sa bahay dahil wala ako roon. Gagawa na naman ng eksena si Tita Karla na kunwari ay nag-aalala siya sa akin kaya si daddy ay iinit ang ulo. Susulsulan n'ya si daddy para hanapin ako at doon na magsisimula ang kaguluhan.  Palaging ganoon kasi ang eksena sa mansyon. Kung hindi man ako umuwi ay palaging one or two days lang ako dahil hanap na sila ng hanap. First time ko ngayong gagawin na mawawala ako for a week.  Kinuha ko ang aking cellphone. Naka-off iyon kanina pa dahil ayokong pa-istorbo. Isa iyon sa cellphone na pang-contact ko kina Attorney San Juan at Miss Anne. Sa kanila ako ipinagkatiwala ni mommy sa last will and testament n'ya. Sila rin ang nangangalaga ng lahat ng minana ko mula sa pamilya ni mommy.  I called Miss Anne and told her na wala ako sa mansion. Nag-aalala man ay nakampante na rin siya na nasa La Hacinta ako at safe ang lagay ko. Binuksan ko rin ang cellphone kong isa. I need to contact Roldan and Mica. Ayokong mag-alala sila sa akin.  "Aly, ayos ka lang ba?" tinig ni Mica.  "Yes, of course. Kumusta riyan?" "Ano'ng kumusta? Ayun, nagsimula na namang mag-hysterical ang Tita Karla mo dahil sa labis na pag-aalala sa iyo. Ang dad mo, ipinatawag kaming lahat lalo na ako at hinahanap ka." I rolled my eyes. Hindi bago ang balitang iyon. Natatawa akong nakikinig lang sa mga kwento ni Mica.  "How about Lurica, what is her drama?" tanong ko kay Mica. "Ang dami n'yang sinasabi katulad ng baka raw na-rape ka na, nagtanan or baka raw nakikipaglandian ka sa kung kani-kaninong lalaki." "Nice. Let them do their dramas. By the way, hindi ako uuwi ng isang linggo. Pakisabi kay Roldan na safe ako kaya wala kayong dapat ipag-alala. Kapag nagtanong si daddy, tell him na wala kayong alam kung nasaan ako." "Aly, irerespeto ko ang hindi mo mag-uwi pero parang awa mo na, mag-iingat ka," sabi ni Mica.  Pagkaputol ng tawag ay hinayaan ko ang aking sarili na makatulog. Masayang-masaya ako na malaman na nag-aalala na sila sa akin kahit fake lang iyon.  Nagising ako eksaktong tanghalian. I called the waiter na maghahatid sa akin ng pagkain. Mayroon akong number n'ya dahil hiningi ko iyon. Ilang saglit lang ay narinig ko na ang mahinang katok sa pinto.  "Come-in," utos ko sa nasa labas.  "Good afternoon, ma'am. Late na po ang lunch mo," sabi ng waiter. "I fell asleep. Thank you for bringing it here." "It's always my pleasure to serve you, ma'am."   Alam kong natural sa mga hotel staff ang ganoong linya pero dahil sobrang desperada na ako sa pagmamahal kaya pati sa simpleng salita ng waiter ay kinilig ako.  "Tatawagan na lang kita ulit kapag kailangan kita. Thank you," sabi ko.  Lumabas ang waiter sa silid na tinutuluyan ko. Sinimulan ko nang lantakan ang pagkain na dala niya. Nang matapos akong kumain ay naisipan kong magbabad sa private jacuzzi. Namalagi ako doon ng halos isang oras.  Nang ma-refresh ang aking katawan naisipan kong buksan ang tv at ubusin ang natitira ko pang oras sa maghapon sa panonood lang. Bored na ako at parang hindi ko kayang mamalagi sa loob ng hotel ng isang linggo.  Nakatulog ako ulit habang nanonood. Nang magising ako ay hindi na ako mapakali. Ayoko naman lumabas at pumunta sa bar ulit. Nakasuot lang din ako ng robe dahil nilabahan ko ang damit ko.  Tinawagan ko ulit ang waiter upang magpahatid ng pagkain. Hindi n'ya sinagot ang tawag ko. Sa pag-aakala kong naka-off duty na siya ay nataranta ako. Ngunit tumunog ang cellphone kong ginagamit pang-contact kina Miss Anne.  "Hello, miss. Magpapahatid na po ba kayo ng pagkain?" tanong agad ng waiter.  "Yes and may I request for a wine please. Vodka if possible." Hindi agad sumagot ang lalaki sa kabilang linya. I didn't know why I felt so comfortable with him. Para bang ang tagal ko na siyang kilala. Siguro talagang may mga taong ganoon na kahit first time pa lang natin nakikita ay at ease na tayo.  "Hello, bawal ba?" tanong ko sa lalaki. "Lasing ka na kasi, miss, kagabi at maglalasing ka na naman ngayon. Masama po sa katawan iyan," nag-aalala na sabi ng lalaki. "Kung gusto mo po ng makakausap andito lang ako." Napatawa ako sa sinabi ng waiter. Ngunit gusto ko talagang uminom habang wala akong magawa sa hotel dahil hindi ako pwedeng lumabas lalo at alam kong sa maghapon na wala ako sa bahay ay kung ano-ano na ang kabaliwan na ginawa ni Tita Karla.  "Sige na, hatiran mo na ako ng maiinom. Hindi kasi talaga ako pwedeng lumabas." Narinig kong napabuntong-hininga ang lalaki sa kabilang linya. There's something in him na nararamdaman ko. Hindi ko lang masabi kung ano.  Afterwards, dumating na rin ang hapunan ko. Katulad ng request ko ay may inumin doon. Ngunit nagulat ako ng makita ang isang hard drink na panlalaki.  "Bakit may ganito? I can't drink that!" exaggerated kong sabi.  "Ako po ang iinom n'yan, miss. Sasamahan kitang maglasing para may makausap ka rin." Napanganga ako dahil sa sinabi ng waiter. Ang lakas naman ng loob n'ya na sabihin iyon. Wala akong nakitang kahit anong pagkailang sa kaniya kahit alam niyang guess ako sa pinagtatrabahuhan n'ya.  Ngunit kailangan ko rin talaga ng makakausap. Wala naman sigurong masama kung makipag-inuman ako sa isang hotel staff. Tama, pwede ko siyang yayain para makapagpa-picture kami at nang may maibandera ako sa social media accounts ko. Gusto kong mamatay sa inggit si Lurica.  "Miss, okay lang po ba kayo?" untag sa akin ng waiter.  "Ah, yes. Duty mo pa ba or hindi na?" "Off duty ko na po, miss." "Good. Magbihis ka na ng casual attire mo at mag-picture tayo habang umiinom." "Ho?" "Gusto mong makipag-inuman sa akin, 'di ba? Papayag ako pero ayokong nakasuot ka ng uniform." Napakamot sa ulo niya ang lalaki. Habang wala pa siya ay nagsimula na akong kumain. Kabaliwan ang ginagawa ko. It's my first time na makipag-inuman ako sa isang lalaki na hindi ko kakilala, sa isang low profile employee at sa isang taong taong feeling concern sa akin. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na ang waiter. Ayokong tanungin ang pangalan niya dahil ayokong maging attach sa kaniya. Nang kinuha niya ang alak ay napadaan siya sa akin. Naamoy ko ang isang mamahaling pabango. Napakunot ang noo ko.  "Bakit gan'yan ang amoy mo?"  Napamulagat sa akin ang lalaki na noon ay nagsisimula ng ayusin ang wine.  "Mabaho po ba ako?" "Iyong pabango mo…" "Ah, bigay po ng isang mayaman na costumer. Miss, magbihis muna kayo para comfortable ka habang umiinom," sabi ng waiter.  Napatingin ako sa suot kong roba. Nahihiya akong aminin sa lalaki na wala akong dalang damit. Ngunit dahil iyon naman talaga ang totoo at ayokong mailang siya sa akin kaya sinabi ko na.  Napatango-tango ang lalaki na wari bang naiintindihan ako. Para hindi masyadong nakakailang ang sitwasyon kaya binuksan ko ang tv. Sa flash report ay umiiyak si Lurica at si Tita Karla ay ganoon din.  "Oh, my god! They are really so pathetic. Lahat ay gagawin nila mapansin lang!" Hindi makapaniwalang sabi ko.  "Sino po sila?" tanong ng lalaking kasama ko. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya at nawalan na ako ng ganang mag-picture. Mas mabuti kasing ganoon ang sitwasyon, mukha silang mga tanga sa kunwari nilang paghahanap.  "May stepmom and stepsister." Hindi man lang nagulat ang kaharap ko sa revelation ko. Ako ang nagulat sa pagiging calm niya. Mukha siyang hindi isang ordinary na tao. His scent, his muscular body, his smile, parang nakakabaliw. Ang sarap niyang halikan sa labi.  "Miss," untag n'ya sa akin. "Baka kailangan mo nang umuwi kasi nag-aalala na ang pamilya mo." "No, no, no. Drama lang iyan para palabasin na isa akong masamang anak at kapatid at sila ay mabuti. Let them play the game. Let's drink."  Nagsimula na akong uminom. Katulad kagabi ay sunod-sunod ang pagtungga ko. Wala akong pakialam kung sino ang nasa harapan ko. Ang gusto ko lang ay makalimot sa sakit na nararamdaman ko. Para kasi akong pinapatay sa tuwing hindi ako pinapahalagahan ni daddy. Nakangiti ako pero deep inside, ubos na ang katatagan na meron ako. Hindi ko lang iyon maamin dahil ayokong sabihin na sa laban ng buhay ay talunan ako.  Hindi masyadong umiinom ang kaharap ko. Nakatingin lang siya sa akin na para bang pinag-aaralan niya ang kilos ko. Naiilang ako lalo at hindi rin ako sanay na may kasamang lalaki. Yes, pasaway ako pero ngayon ko lang talaga ginawa ang makipag-inuman sa lalaking hindi ko kilala at sa loob pa iyon isang silid. "Kapag lasing na ako, huwag mo akong pagsamantalahan, ha. I trust you, man," sabi ko.  "Hindi ko gagawin iyan sa iyo, miss." "Talaga? I have this attitude na kapag lasing na ako ay hinahalikan ko ang kahit sino. Just like kagabi, I couldn't remember the man who brought me here. Basta ang alam ko ay hinalikan ko siya pero sobrang naive n'ya." Napa-ubo ang kaharap ko. Natatawang tiningnan ko siya. Mukhang hindi siya sanay uminom kasi panay lang ang simsim niya sa alak at hindi siya lumalagok ng marami.  "Kung ano man ang problema mo, miss, sana ay malagpasan mo. Huwag mong sayangin ang buhay mo sa alak." Medyo tinamaan na ako sa iniinom ko pero malinaw kong narinig ang sinabi ng lalaki. Seryoso ang mukha niya habang kausap ako. Gwapo siya pero there's something in his face na parang mali. I mean, peklat or something. Hindi ko alam ang tawag doon. Noon lang kasi ako nakakita ng ganoon. "Simula nang mamatay ang mommy ko ay naging impyerno na ang buhay ko. Sinikap kong mabuhay kahit hindi ko naramdaman ang mahalin. I even tried to become a good child pero hindi iyon na-appreciate ng mga taong nasa paligid ko. Nabuhay ako ng hindi pinapahalagahan and now parang ibebenta nila ako upang mag-benefits sila at tuluyan akong mawala sa landas nila." "I'm sorry," sambit ng lalaki.  "Sorry for what? Sorry dahil ganito ang sinapit ko?" Napahalakhak ako na parang baliw. "Kasalanan ito ni daddy, ni Lurica, ni Tita Lurica at ng mga Xues." Nawalan ng imik ang kaharap ko. Tinungga niya lahat ng laman ng baso at tumutok ang mata sa tv. Ako man ay sunod-sunod na uminom. Almost one hour din kaming magkaharap ngunit bahagya kaming mag-usap. Ako lang ang daldal ng daldal habang siya ay nakikinig lang. Ngunit hindi ko inaasahan nang pagsabihan niya ako.  "Ayusin mo ang upo mo, miss" sabi n'ya.  Hindi ko namalayan na lumilis na pala ang suot kong roba. Lumabas na ang makinis kong hita. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o mahihiya dahil sa tuwiran niyang pagsabi sa akin. Idinanaan ko na lang sa tawa ang lahat.  "I like you. You seem to be a good man. I guess, I'm safe with you, " I said.  Ngumiti lang siya. Natulala ako. Bigla ko kasing naalala ang pangit na hardernero sa Villa Angeline. Ipiniling ko ang aking ulo.  Napatayo ako at naglakad palapit sa ref. Kukuha ako ng malamig na tubig kasi pakiramdam ko ay hindi kayang pawiin ng alak ang natutuyo kong lalamunan. Ngunit sumuray-suray ako. Hindi ko mapigilan ang pagtumba ng katawan ko.  Hindi ako bumagsak sa malambot na carpet. Naramdaman ko na lang na nakasandal ako sa isang malapad na dibdib. Bumalik sa isip ko ang pagbuhat sa akin ng lalaki kagabi. Kaya bigla akong humarap sa kainuman ko na noon ay nasa likuran ko.  "Miss, lasing ka na. Matulog ka na muna."  "No, I'm not. Can't you see? I can still stand alone. Sinadya mo lang na lapitan ako para mahawakan ako," sabi ko sa nang-aakit na tono.  "Miss, inalalayan lang kita. Wala akong intensyon na pagnasaan ka. Ilalagay na kita sa bed kasi hindi mo na kaya." Aktong bubuhatin n'ya ako ng bigla ko siyang hinalikan. His soft kissable lips were so familiar. Parang labi ng lalaking hinalikan ko kagabi.  "Impossible! Ikaw ba ang nagdala sa akin dito kagabi?" tanong ko habang hinahaplos ang mukha niya. How can you pay my expenses here?" "Isang simpleng empleyado lang ako, miss." "Bakit pamilyar ang halik mo?" tanong ko sa naguguluhan na tinig.  "Miss, lasing ka na. Ihihiga na kita sa kama." Napaungol ako sa sobrang disappointment. I tried to tease him pero hindi s'ya bumigay. Napatanong tuloy ako kung may asawa na ba siya kaya ganoon na lang ang pag-iwas n'ya sa akin.  Hinayaan kong buhatin ako ng lalaki upang madala sa kama. Nakainom ako, mahina ang katawan but my mind was still working. Nagkunwari akong lasing na lasing at hinayaan ang sarili ko. Muling lumabas ang hita ko sa suot kong roba ngunit inayos lang iyon ng lalaki at kinumutan ako.  Bumilis ang t***k ng puso ko. Unang beses iyon na may nag-alaga sa akin ng ganoon bukod kay Mica. Nang lalayo na siya sa kama ay hinawakan ko ang kamay niya. I begged him to stay. Nagkunwari akong natutulog. Ngunit pasimple ko siyang pinakikiramdaman. Nang matiyak niyang tulog na ako ay mabilis niya akong hinalikan sa labi.  "Angel Aly Reomoto, I love you so much," mahinang sabi n'ya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD