Chazia's pov Pagkatapos kung magsabi kay Daddy ay umalis na ako at iniwan sila. Hindi ko kayang manatili sa bahay na 'yun dahil ramdam ko na rin ang galit ni Daddy, alam ko na pag nanduon ako hindi ako matatahimik at mababastos ko lang si Mommy. Habang nakikita ko rin si Janica gusto ko siyang sampalin pa dahil sa kakapalan ng mukha nitong magpaawa. Kanina pa rin tumutunog ang phone ko dahil sa sunod-sunod na tawag ni Justin, ayaw kong sagutin dahil baka sa kanya ko maibaling ang galit ko. Darn, bumalik sa alaala ko nuong nawala si Lola at wala ako sa tabi niya. Sobrang sama ng loob ko nuon, paano pa kaya kay Mara na ang Lola na lang niya ang pamilyang kinagisnan niya. "Papunta na ako," mahinang sabi ko kay Jian na tumawag. "Kamusta siya?" "Tulala habang umiiyak hindi rin siya maka-u

