Veinte Y Dos

2041 Words

Chazia's pov Akala ko hindi papasok ngayong hapon ang tatlo dahil sa nangyari pero buti na lang at pabida sila kaya piniling pumasok pa rin. Hindi masasayang ang effort namin sa paglagay ng langgam sa kanilang P.E uniform. Wala pang alas dos ay nasa quadrangle na kami kung saan gaganapin ang P.E. "Baby girl," tawag ni Justin sabay abot sakin ng bottled water. "You consume food high in sodium so you need to drink more water. Sodium can dry your body, don't become dehydrated because it can give you a headache. Do yourself a favor, drink water." "Lol," naiiling na sabi ko habang nakatingin kay Justin. Minsan talaga hindi ako makapaniwala na matalino ito dahil puro basketball lang ang alam kong ginagawa niya dati. Tsaka 'yang mga sinasabi niya lalo na sa kalusugan ay natatawa na lang ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD