Chazia's pov "Let's go inside," aya ni Mara. Maaga akong umalis sa bahay dahil tinawagan ko si Jian na sunduin ako at sinabi ko sa kanya na pumunta kami sa bahay nila Mara. Pagpasok namin sa loob ng bahay nila Mara, humiga si Jian sa sofa. "Inaantok pa ako," sabi nito. "Hindi ko alam kung bakit ang aga mong nag-aya rito, bahala na kayo kung ano man 'yan. Gisingin niyo na lang ako pagpapasok na tayo." Nailing na lang ako at hinayaan siyang matulog. Sinundan ko si Mara na papunta sa likod bahay nila. Alas seis pa lang ng umaga at nakita ko ang ilang kasambahay nila na may nilagay sa isang maliit na balde. Napangisi naman ako ng makita ko ang mga uod sa lalagyan. Nakakita rin ako ng isang maliit na lalagyan. "Yun na ba ang pinapakuha ko sayo?" Tanong ko. "Red ants," sagot ni Mara sak

