Chazia's pov "I'm sleepy, Babe." "I want to hear again that you love me," rinig ko sa kabilang linya. Kahit sobrang antok na ako dahil ala-una na ng umaga at patuloy ang pangungulit nito hindi ko pa rin mapigilang ngumiti. "Kanina mo pa pinapaulit-ulit sakin. Ilang bees ko ba dapat sabihin para maniwala ka at hindi ka lang nananaginip?" Tanong ko. Pagbaba ko kasi sa kotse nito kanina nakatitig lang siya sakin hanggang sa sinara ko na ang gate. Hindi ito makapaniwala sa sinabi ko na mahal ko siya. Wala ring tigil ang phone ko sa kaka-ring dahil sa kanya at gusto nitong sabihin ko ulit na mahal ko siya na ginagawa ko naman kaya lang mukhang hindi ito makontento. "I love you," malambing na sabi nito. "I love you too, Justin. Please let me sleep," natatawang sabi ko. "Okay, good night.

