Chazia's pov Ang inaasahan ko ay si Daddy lang ang makakasama kong kumain pero nakita ko si Janica at Mommy. Dalawang linggo pa lang mula nuong umalis kami at narito na agad sila, ang bilis naman. Nage-enjoy pa akong tumira rito na wala sila. Mas masaya pag kami lang ni Daddy dahil walang stress na dulot ng dalawa. "Good morning, Dad. Anong oras ka na po nakauwi kagabi?"Tanong ko at binaliwala ang dalawa. "Kakauwi ko lang," sabi ni Daddy at alam ko na nakatingin siya sakin. Tumango-tango ako at tinikman ang mga pagkain sa mesa. "Let's eat para makapagpahinga ka na, Dad. Wag mo na akong ihatid dahil susunduin ako ni Justin," sabi ko. Iniisa isa kong tinikman ang nakahain sa mesa. "Delicious." "Mommy mo ang nagluto niya," sabi ni Daddy kaya binaba ko ang tinidor. "Ahh busog pala ako,

