Chazia's pov Wala akong balak sumabay sa almusal kaya paglabas ko ng kwarto ay deretcho lang ako naglakad at hindi pinansin si Mom at Janica na napatingin sakin. "CHAZIA!" Sigaw ni Mom. "Isang pang hakbang mo ibibigay kita sa Lola mo at sisiguraduhin ko na hindi mo na makikita ang mga kaibigan mo!" Napahinto ako sa narinig ko at hinarap sila. "Hindi mo kaya," mariing sabi ko. "Try me," pagmamatigas ni Mom. Kita ko ang pagngiti ni Janica kaya nginitian ko rin siya. "Nakatulog ka ba nang maayos o iniisip mo pa rin kung makaka-graduate ka ba o hindi? Nakakahiyang maging Ate ka baka sabihin magnanakaw at nandadaya rin ako," pang-insulto ko kaya nawala ang ngiti nito sa mukha. "Chazia, enough! You are accusing-" "Accusing? Nakuha mismo sa bag niya ang mga answer sheets at kinakampihan

