"How's your heart, kaya pa ba?" Tanong ni Jian, inirapan ko siya kasi kanina pa niya dinidiin ang pagiging thirdwheel ko. Nasa mall kami ngayon at kung siniswerte ka nga naman nakita pa namin si Jayden at Janica na nasa restau. "Kung ikaw thirdwheel, ang kaibigan naman natin na si Mara ay dakilang pabebe. Si Sir Jay na ang lumalapit siya pa ang lumalayo. Oh divah, nabaliktad ang sitwasyong. Binibini," side comment ulit ni Jian at si Mara naman ang pinupunterya. "Tantanan mo ako Jian, hindi ko pinapakialaman ang paghahalikan niyo ni Mark sa loob ng kotse mo." "Nakita mo?" "Feeling tinted ang sasakyan?" Natawa naman ako sa sagutan ni Mara dahil unti-unti na itong bumabalik sa dati. Tinignan ko si Jian na mamumula ang mukha. Natameme ang bruha! "Oo na lang, single naman ako kaya okay

