Chazia's po Umuwi ako sa bahay para sana kumuha ng groceries sa pantry. Tinatamad na kasi akong pumunta sa mall, Sabi rin naman ni Daddy na open ang bahay para kuhanan ko ng pagkain nuong tinawagan ko siya. Ang bumungad sakin ay ang landian ni Janica at ni Jayden sa sala. Masayang nagtatawanan, nagkikilitian pa. Ang lalandi, amputa! "Narito ka pala, sabayan mo na kaming mag-dinner kasama si Jayden. Magpalit ka muna ng damit," sabi ni Mommy na kalalabas lang ng kusina. Napatingin naman sakin ang dalawa dahil sa pagtawag ni Mommy. Tinaasan ko ng kilay si Janica dahil nakangiti ito habang nakatingin sakin. Nananadya pa ang bruha dahil sumandal pa ito kay Jayden. Umirap naman ako bago dumeretcho sa kwarto ko. Hindi ko na rin nakuhang sagutin si Mommy dahil naiirita lang ako, ganito pala a

