Chazia's pov "Jayden, dito!" Sigaw ni Jian nang makita ang pagpasok ni Jayden sa loob ng cafeteria. Hindi na nagdalawang isip si Jayden na makisama samin, dalawang linggo na ang nakakaraan simula nuong tahasang magpakita ako ng motibo dito. Ilang beses na rin niya akong sinita dahil hindi ko daw alam ang pinapasok ko pero hindi niya ako mapahinto. "Anong meron?" Tanong ni Mara na kakapasok lang muli. Hindi pa ito gaanong okay pero pinili na pumasok kaysa manatili sa poder ng ina. Napagkasunduon kasi na mananatili ito sa poder ng Ina dahil wala pa sa legal age, pumayag si Mara dahil dalawang linggo na lang at mag-18 na siya at pwede nang umalis sa pangangalaga ng Ina. Sinabihan ko pa siya na pwede siyang manatili sa condo at umuo naman. Pwede naman kasi nag-extend sila Daddy ng dalawa

