Chazia's pov Wala na si Mara sa Condo ko dahil sinundo ito ng Mommy niya. Mahinahon na sumama si Mara at sinabi sa 'kin na okay lang siya kaya hinayaan ko. Sinabi nito na babalik rin sa pag-aaral pagkatapos magluksa at tatawagan niya rin ako lagi. Pumunta kami ni Jian sa Mall para mamili ng mga ihahanda mamayang gabi. Inimbita ko si Justin at mga kaibigan nito habang si Jayden naman ay pumayag na pupunta basta kasama si Janica. Wala naman na akong magawa kaya pumayag na lang ako. "Iinum ba tayo?" Tanong ni Jian habang namimili kami. "No, I promised Daddy that I would only drink alcohol when I turned 18. 2 months na lang naman kaya hintayin na natin," sabi ko. "Hindi bawal sakin kaya kukuha ako," saad ni Jian at kumuha ng wine tsaka nilagay sa push cart namin. "Ang boring pag walang al

