Chazia's pov Argh sa sobrang lasing ko kagabi nahuli na akong gumising. Peste kasi ang dalawa kong kaibigan iulit-ulit bang sabihin na hindi na bumalik si Jayden nuong gabing sabi niya na babalik siya. Sinabi pa nila na baka may ginawang milagro ang dalawa kaya hindi na ito nakabalik. Ilang beses rin akong sinubukang kausapin ni Jayden pagkatapos ng gabing 'yun pero lagi ko na lang siyang iniiwasan. Nakakainis kasi umasa akong babalik siya pero inabot na kami ng madaling araw wala pa siya. Ang gago lang. "Chazia!" Tumingin ako sa likod ko, nakita ko si Kiel na palapit sa 'kin. "Oh?" "Matutulungan mo ba akong makapasok sa loob? Wala kasi akong maipakitang ID hindi ako payagang pumasok," sabi nito. Ngayon si Mrs Veda na mismo ang namamalakad ng school mas humigpit ang seguridad kaya h

