Chazia's pov Sobrang saya ko paggising ko dahil sa narinig ko kagabi. Feeling ko nga sobrang sama ko dahil masaya akong nakita siyang umiiyak habang nag-aalala si Mommy Emma. Ang sarap sabihing 'deserve' sa harap nila mismo habang nagdradrama, buti na lang napigilan ko ang sarili ko. "Magandang umaga, Iha. Magluluto pa lang kami, gutom ka na ba?" Tanong ni Manang. "Good morning sa inyong lahat," nakangiting bati ko. "Tutulong ako sa pagluluto." Nagtataka man sila sa inaarte ko hinayaan nila akong tumulong. "Hmm, ang sarap kong magluto. Pwede na bang mag-asawa Manang?" Biro ko pagtikim ko sa bacon na pinrito ko. "Haha, pwede na basta kumuha ka ng taga luto para hindi mag-diet Ang mapapangasawa mo." Nagtawanan naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Manang. "Mukhang masaya ang Anak ko,

