"Saan na naman kayo nanggaling ni Jayden?" "Island hopping," tipid na sagot ko at binagsak ang katawan ko sa kama. Huling araw na namin ngayon sa Palawan at ramdam ko na ang pagod sa katawan ko dahil sa mga activities na ginawa namin ni Jayden, sinulit ko talaga ang huling araw at ginawa ang lahat ng activies na sikat dito. Dahil sa pagiging bida-bida ko pinilit ko rin ang scuba diving kaninang hapon kaya sobrang pagod ang pakiramdam ko. "Pagod na pagod mukha iba ang ginawa," rinig kong sabi ni Mara na tumabi pa sa kama ko. "Wala akong lakas na patulan ka. Alis," pagtataboy ko at pinikit ang mata ko. Damn, hindi ko rin kinaya ang pagiging maasikaso ni Jayden. Kulang na lang dumikit siya sa akin buong araw. Buti na lang napigilan ko ang sarili ko na maging marupok baka umuwi akong may

