Chazia's pov "Bunso, gising na." "5 minutes," inaantok na bulong ko. "Bunso kailangan mo ng maghanda," rinig kong sabi ni Daddy habang niyuyugyog ang balikat ko. "Dad, 5 minutes." "Mahuhuli ka na sa outing niyo." Mabilis akong napa-upo dahil sa sinabi ni Daddy. "Anong oras na po?" "4 pa lang may oras ka pa para maghanda, nagpapaluto rin ako kay Manang ng babaunin mo sa byahe. Hintayin kita sa baba dahil ihahatid kita sa school niyo," sabi ni Dad at hinalikan ako sa ulo bago llumabas. "Thanks, Dad." May outing ngayon ang mga studyante ng Veda sa EL Nido, Palawan. 50th anniversary ng school at gusto ni Mrs. Veda na mag-celebrate sa Palawan at lahat ng studyante invited. Ang alam ko ay kakaunti lang kaming pinayagan ng mga magulang pero wala akong paki basta sasama kaming magkaibiga

