Author's pov Mag-isang nakatambay si Mara quadrangle para abangan si Sir Jay nang dumating si Janica kasama si Sandra at Gel na galing sa Principal's office para kumuha ng update sa issue nila dati. "Nasaan si Chazia?" Tanong ni Janica. "Hanapin mo sa boyfriend mo 'wag sakin," mataray na sagot ni Mara habang nakatingin pa rin sa phone nito. "Anong sabi mo?" Hindi makapaniwalang sabi ni Janica. "Bingi ka ba o bobo? Ang linaw linaw ng sinabi ko gusto mo pang ipaulit," inis na rin na sabi ni Janica dahil hindi sinasagot ng kapatid nito ang tawag niya. "Alis nga, storbo kayo." "Walang pinagkaiba sa ugali ng kapatid mo," galit na bulong ni Sandra kay Janica habang nakatingin nang masama kay Mara na busy pa rin sa phone nito. Walang pakialam si Mara sa tatlong nasa harap niya at ilang bes

