LIESELOTTE NAGSALUBONG ang kilay ko matapos marinig ang sinabi ng lalaking ngayon ay namumukhaan ko na kung sino. Hindi ako p’wedeng magkamali, siya ang lalaking nagbalita sa amin na nawawala si Platoon Leader Leomar at siya rin ang nakita kong kausap ni Ernest at Jade noon. Kaboses niya rin ang lalaking kausap ni Jade sa kitchen tent na inakala kong si Platoon leader Leomar. Siraulong lalaki 'to! Nakataas ang sulok ng labi nito at nasa loob ng magkabilang bulsa ang dalawang kamay habang hinihintay ang aking sagot. Bakas rin sa kaniyang mukha at tindig na kaya niya akong tupiin sa lima ng segundo lamang dahil bukod sa mas matangkad siya sa akin at malaki ang braso ay mabilis din siyang tumakbo, na halos kasing bilis ni Hunter. Mas maskulado pa rin si Kapre ko! Huminga ako nang malal

