LIESELOTTE “GISING NA ba si Hunter? Okay lang ba siya? Hindi naman siya na-dedo ‘di ba?” salubong na sunod-sunod na tanong ko kay Dana nang makalabas siya ng infirmary. Napaatras pa siya at napahawak sa dibdib dahil sa gulat nang makita akong nakatayo na sa mismong entrada ng pinto. Tumingin muna siya sa loob at tuluyang lumabas saka isinara ang pinto. Tumayo siya sa harapan ko habang nakahalukipkip ang braso at matamang nakatitig. “Okay lang si Hunter. May pasa lang siya sa gilid ng kaniyang mata, but it’s not that serious,” sagot ni Dana na salubong ang kilay at pinanliitan ako ng mata. “Ikaw ba talaga ang sumuntok sa kaniya? I mean, the facial bruise, seemed to be the result of a man’s punch.” Napakamot ako sa batok at tumango nang marahan. “Ako nga. Malay ko bang lampayatot ang kab

