CAIUS NANG makalabas sina Lieselotte at Hunter ng kwarto ay ibinaling ko ang tingin ko kay Theodore at tinitigan siya nang mataman. Silence filled the whole place, waiting for me to speak and tell them about what happened last night at Aniza's party. Ngunit nang akmang magsasalita ako ay may kumatok naman sa pinto. “Ako na,” ani Cascade at lumapit. Nang buksan niya iyon ay si Dana ang iniluwa at dumiretso sa loob. Salubong ang kilay at bakas sa mukha ang inis. “Lieselotte made a scene earlier, Caius. Pumasok ba naman sa isang room at nag-condolence porke't nag-iiyakan, e wala namang namatay. Nire-reklamo siya ng pamilya. At ito pa, naki-birthday!” balita ni Dana at napapailing. Si Cali naman ay biglang natawa ngunit natigilan nang lingunin siya ni Theodore. “Damn,” I whispered. Liese

