LIESELOTTE GABI NA nang makarating kami ng bahay ni Boss Caius samantalang si Hunter ay umuwi na sa kaniyang bahay. Ilang oras din kasi silang kinausap ng management ng mall kanina dahil sa nangyaring gulo sa loob ng isang restaurant doon. Mabuti na nga lang at hindi na ako pinaharap ni Boss sa mga officer dahil nakakahiya naman kung sasabihin kung sinayawan ko ng spaghetti pababa ang taong muntikan na akong patayin nang hindi ko alam ang dahilan. Napabuntong-hininga na lang ako at pinanood si Boss Caius na pinagulong ang wheelchair palapit sa kaniyang mini elevator. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at naglakad papunta sa aking kwarto nang bigla na lang siyang lumingon sa akin. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit sa pinto ay narinig ko na ang malakas niyang tikhim dahilan para mapahint

