LIESELOTTE NAG-UNAT ako ng braso at nagpunas ng laway sa gilid ng labi gamit ang likod ng aking palad. Dumapa ako at isinubsob ang mukha sa unan dahil medyo maliwanag na ang sikat ng araw. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti dahil kasing bango ni Boss Caius ang unan ko—teka? Kasing bango ni Boss Caius?! “Ay, putek ka ng ina mo?!” Nanlaki ang mata ko at napabalikwas ng bangon nang mapagtanto kung saan ako nakahiga. Shet! Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto at napaigtad nang makita si Boss Caius sa kabilang gilid ko na nakaupo sa kaniyang wheelchair at nakataas ang kilay na nakatitig sa akin. Kumakabog ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba dahil bukod sa dito ako nakatulog ay tumabi ako sa kaniya. Nahihirapan naman akong lumunok ng laway at ngumiti na lamang para itago ang kab

