LIESELOTTE “KAPRE, BATI na ba tayo?” tanong ko kay Caius na nakaupo halos isang dipa ang layo sa hospital bed na kinahihigaan ko. Nakatoun ang atensyon niya sa telebisyon na lumipat naman sa akin. Hays, Mutkha siyang bekimon. “Ano sa tingin mo?” balik niyang tanong sa akin na nakataas ang kilay. “I saved you, remember?” Ngumuso naman ako sa sagot niyang iyon. “Ibig mo bang sabihin, kung hindi pa tayo bati hahayaan mo akong ma-tegi? Gano'n?” Tinitigan niya ako nang masama at tumayo saka naglakad palapit sa akin haban nakapamulsa. Tumambol ang dibdib ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na emosyon at mas lalong lumalakas ang t***k ng puso ko nang lumiit ang espasyo sa pagitan namin. Nang tuluyang nasa harapan na ng hospital bed si Caius ay mabilis na ibinaba niya ang kaniyang ulo hangga

