LIESELOTTE HINGAL NA hingal akong huminto nang maabutan namin ang lalaki na ngayon ay hawak ni Cali na isinubsub sa pader ang mukha. Si Hunter ay mukhang siraulo na panay naman ang ngiti sa mga taong dumadaan na masasama ang tingin sa amin. Huminga ako nang malalim at lumapit sa lalaki. “Bakit ka tumakbo?” tanong ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. “Hinabol mo kaya ako!” pasigaw na sagot sa akin ng lalaki. “Aba’t!” Inambahan ko siya ng suntok kaya agad naman siyang nagtago. “Kung hindi ka ba naman siraulo! Silip ka nang silip na akala mo e may tinatago kang aso na may dalang dyamante!” Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng paglaho ng kulay sa kaniyang mukha. Nahihirapan siyang lumunok ng laway at napakurap kaya mas lalong lumakas ang pakiramdam ko na may alam siya sa nangyaring p

