LIESELOTTE WALA KAMING nagawa kundi ang bumalik sa Sigmund dahil sa pagkakaroon ng gulo sa misyon namin. Kung ang kliyente namin ang totoong magnanakaw ay bakit naman niya ipapahanap sa amin iyon? Hindi niya ba naisip na maaaring malaman namin ang totoo at makulong siya? Bumaling ang tingin ko kay Cali na nasa passenger’s seat na at may hawak na yelong dinadampi sa kaniyang namamagang pisngi. “Siya nga pala, Sir Cali. Kakilala mo ba yung Madam Merlita? Para kasing close na close kayo kasi niyakap ka pa nga niya,” tanong ni Mary na tumawa pero bahagya ring dumaing nang sumakit ang kaniyang likod. “Aray, aray, aray.” “Oo nga, Cali, at saka anong feeling masampal ng dede, literal,” singit ko naman at ngumisi. “Tangina!” biglang halakhak ni Hunter. “Kinain ng dede yung ulo ni Kuya Cali ka

