Chapter 21

2033 Words

LIESELOTTE MARAHAS akong nagmulat ng mata at mabilis na inilibot ang aking tingin. Kumunot ang noo ko nang mapansing nakaupo ako sa isang upuan at nakatali ang aking magkabilang kamay sa likod. Nasa loob ako ng isang tila kwarto na walang bintana pero sa gilid ay may malapad na salamin. “Anong klaseng lugar ito? Kinidnap ba ako?” tanong ko sa sarili ko. Tumingin ako sa salamin at ngumiwi, ngumuso, ngumiti at umawra. Bakit kaya may salamin dito? Hindi kaya, para kapag kinatay ka, maganda ka pa rin? Kumakabog nang malakas ang aking dibdib dahil sa kaba at takot dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako narito. Ang huling naalala ko ay may bigla na lang tumakip sa aking bibig tapos ay nawalan na ako ng malay. Huminga ako nang malalim at nagpumiglas ngunit ako lang din ang nasaktan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD