LIESELOTTE HINDI ko mapigilan ang mapangiwi dahil kanina pa ako inaantok sa pakikinig. Samantalang ang mga kasama ko maliban kay Boss Caius ay chillax lang habang nakatoun ang atensyon sa nagsasalita sa harapan na nagpakilalang Theodore Quijano, ang tatay ni Aniza na feeling kasing ugali niya. Sabi nga ng sabi-sabi, same birds, flocks together, teka? Tama ba 'yon? Ah basta! Ganito ba talaga mag-party mga mayayaman? Wala man lang malaking sound system at nagbu-budots sa gitna. Puro matatandang nagsasalita na hindi ko maintindihan tungkol sa negosyo. Napanguso ako at bagot na bagot na napayupyop sa lamesa. “Ang boring,” reklamo ko at napalingon kay Boss. “Boss, ganito ba talaga kayo mag-party-party?” “It's not just a simple birthday party, this is also their way to meet possible invest

