LIESELOTTE BUMANGON AKO mula sa pagkakahiga at napadaing nang maramdaman ko ang sakit ng aking katawan dahil sa unang araw ng training ko kahapon. Bukod kasi sa pinabasa sa akin ni Caius ang napaka-kapal na librong puro ingles na halos nagpatuyot ng lahat ng branincells ko ay pinatakbo niya pa ako nang lagpas kinse minutos at gumaya sa mga ibang trainee na nagpu-push-ups at sit-ups. Napabuntong-hininga ako at humiga, akmang pipikit ako ulit dahil alas-singko pa lang ng umaga ay bigla na lang bumukas ang pinto dahilan para mapaigtad ako. Kumunot ang noo ko nang iniluwa ng pinto si Caius na maayos ang bihis. Nakahalukipkip ito at salubong ang kilay nang makita akong nakahiga pa. “Rise and shine, Lieselotte. Get up and do your morning jog—“ “M-Morning jog?!” bulalas ko at napangiwi saka

