LIESELOTTE SALUBONG ang kilay ni Caius matapos marinig ang sinabi ko sa kaniya. Bumitaw siya sa akin at huminga nang malalim saka tinitigan ako nang mataman na para bang tinatanya kung gaano ako kaseryoso sa aking sinabi. Tumango-tango siya at humalukipkip saka ibinaling ang tingin kay Richonne na ginagamot ni Dana saka muling binalik ang tingin sa akin. “Richonne convinced you to be part of Sigmund?” tanong niya na nanliliit ang mata at nakaigting ang panga. “Desisyon ko ‘to, Caius. Ang ginawa lang ni Richonne ay ipaintindi sa akin ang dapat kong maintindihan.” “Why? What motivates you to be part of Sigmund?” malamig pa sa freezer ng ref ang boses niya nang tanungin niya ako. Napalunok ako ng laway at nilingon si Richonne na nakatingin din sa akin at bahagyang tumango kahit namu

