In the end pinili ko na lang ang one piece na kulay itim. Ito ang pinaka less revealing dahil hindi expose ang tyan ko rito pati na rin ang singit dahil medyo mahaba ang sa pang-ilalim na parte. Matapos ko itong isuot ay hinawi ko ang nakalugay kong buhok sa likod ng tainga ko. Humarap ako sa salamin at napabuntong hininga. First time ko magsuot ng ganito kaya naman hindi komportable sa pakiramdam lalo na't backless rin ito pero kailangan kong magtiis dahil isa ako ngayong Adams.
Bago bumaba ay kinuha ko ang mahabang cardigan na puti at sinuot ito. Pagkarating ko sa sala ay nakita ko si Knight na nakasuot ng itim na short na pang-swimming at topless lang s'ya. Napatingin ako sa katawan n'ya at hindi ako magsisinungaling, malaki ang katawan n'ya, maganda at may abs s'ya pero para sa'kin ay isa parin s'yang demonyo at hindi 'yon magbabago. Nang maramdaman n'ya ang presensya ko ay napatingin s'ya sa akin.
"Enjoying the view, huh?" mabilis akong nag-iwas ng tingin.
"Wala namang view," mahinnag bulong ko sabay lumapit na sa kan'ya.
"I can hear you Star."
"Edi maganda, your ear is perfectly working."
Sasagot pa sana s'ya nang may isang lalaking lumapit sa amin. "handa na po ba kayo?" tanong nito.
"Yes, we're ready," sagot ni Knight.
"I'm John po pala. Incase na hindi po kayo marunong lumangoy, I can help." Ngumiti s'ya sa akin. Mahaba ang buhok n'yang itim na hanggang balikat, matangkad rin s'ya pero mas matangkad pa rin si Knight. Nakasuot s'ya ng dark grey na short at white sando pero kita ko pa rin ang laki ng katawan n'ya.
"Star Levi- Adams I mean." Ngumiti ako nang pilit. Mukhang kailangan ko nang mag-practice na banggatin ang bagong pangalan ko.
"Let's go," naiinip na sabi ni Knight sabay dumaan sa gitna namin ni John tapos ay nauna nang maglakad papalabas.
Mabilis naman naming sinundan si Knight. Two minutes walk lang ang beach dahil katapat lang ito ng resort. Nang makalapit kami sa dagat ay agad akong napangiti at napapikit nang tumama ang malakas at preskong hangin sa aking mukha. Sobrang nakaka-relax marinig ang alon ng dagat. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng bigat na nararamdaman ko.
"We have an hour and a half to swim, enjoy." Nauna nang pumunta si Knight sa dagat habang naiwan ako.
Swim together? huh.
"Knight hired you to entertain me, right?" tinignan ko si John na nakatayo sa gilid ko. Mukhang nagdadalawang isip s'yang sagutin ako kaya naman inunahan ko na s'ya, "My husband is so sweet. He knew I couldn't swim kaya nag-hire s'ya nang magtuturo sa'kin. How thoughtful of him." I tried my best to sound sincere as much as possible.
"You sounds sarcastic," napapailing at natatawang sabi ni John.
"I don't," agad kong sagot. Muntik ko nang makalimutang magpanggap na isang asawang mahal na mahal si Knight. Hinubad ko ang cardigan na suot at nilapag na muna ito sa puting sand. "So, shall we start? hindi talaga ako marunong lumangoy. Wala akong alam kahit basics."
"Don't worry, I'm here to guide you." Ngumiti s'ya tapos ay nagsimula na kaming pumunta sa dagat. Habang naglalakad ay tinignan ko si Knight. Medyo malayo s'ya sa amin at mukhang nag-eenjoy s'ya lumangoy. Walang ibang tao rito sa parte na ito dahil private ito at may harang.
"Wait! hanggang dito lang ang kaya ko." Huminto ako nang mapansing hanggang leeg ko na ang tubig habang hanggang braso n'ya pa lang ang tubig. "Hindi pinagpala sa height eh."
Tumawa s'ya at umiling tapos ay nagsimula na s'yang turuan ako lumangoy. Una n'yang tinuro sa akin ay ang frog style na madali lang at mabilis ko natutunan. Sumunod naman ay ang front crawl na medyo nahihirapan ako. Nang makainom ako nang tubig ay agad akong napaubo.
Nilapit ako ni John sa mas mababang tubig, "okay ka lang?" tanong n'ya.
Agad akong tumango at tumikhim. Sobrang alat naman ng tubig dagat! Napatingin ako kay Knight nang makitang nakatingin s'ya sa amin. Nakita ko ang pagiging dismayado n'yang mukha habang napapailing at alam ko na agad ang nasa isip n'ya. Nilalait n'ya ang swimming skills ko!
Inirapan ko s'ya tapos ay tumalikod at tinuon ang pansin kay John para magpaturo lumangoy. Lumipas ang isang oras at marunong na ako lumangoy pero nakaramdam na rin ako agad nang pagod kaya naman umahon na ako. "Thank you sa pagturo, John." Ngumiti ako sa kan'ya sabay kinuha ang cardigan ko sa buhangin.
"Welcome. It's a job and it's paid plus nag-enjoy rin akong turuan ka."
"Right. It's paid." Ulit ko sa sinabi n'ya at sabay na lang kaming napatawa habang naglalakad papunta kay Knight na nakaupo sa ilalim ng matataas na coconut tree. Nagpaalam na si John tapos ay umupo na lang rin ako sa kabilang tela na nakalatag sa white sand.
"So, kamusta lasa ng dagat?" tanong n'ya sabay tinaas ang itim na shades na suot tapos ay sumandal sa coconut tree.
"Siguro matamis," sagot ko at umiwas na lang nang tingin sa kan'ya dahil nasisira ang araw ko.
"Did you enjoy his company?"
"Of course. Sino ba namang hindi mag-eenjoy sa kagaya n'yang mabait?" pinagpag ko ang cardigan ko.
"You looked like you enjoyed the session, letting him touch you." Napakunot ang noo ko at tinignan s'ya na seryoso lang na nakatingin sa akin. "Anyways, we will be having a barbecue break in 1 hour. Magpahinga kana muna."
Hindi na ako sumagot at humiga na lang ako at tumalikod ako sa kan'ya dahil ayokong makita s'ya. Pinangkumot ko rin pala ang cardigan ko tapos ay pinagmasdan ang mga nagtataasang coconut tree hanggang sa unti-unti kong ipinikit ang mata. Nakakaantok ang mapreskong hangin at ang tunog ng alon.
Knight Crassus Adams' POV:
"You looked like you enjoyed the session, letting him touch you." Napalingon s'ya sa akin dahil sa sinabi ko at nakita kong nakakunot ang noo n'ya. "Anyways, we will be having a barbecue break in 1 hour. Magpahinga kana muna," agad kong sabi sabay nag-iwas ng tingin.
Why did I have to say what I've observed earlier? besides, it's none of my business. Kahit makipaglandian pa s'ya sa iba, it will not bother me. I don't love her.
Nang mapansin kong nanahimik s'ya ay pasimple ko s'yang nilingon at nakita kong nakatalikod s'ya. Napalunok ako nang makita ang maputi at makinis n'yang likuran. Damn. She's wearing a backless one piece at hindi ko made-deny na maganda ang hugis ng katawan n'ya. Is she doing this on purpose? is she trying to seduce me?
Tinaas n'ya ang cardigan n'ya tapos ay kinumot ito sa sarili at nanatiling tahimik. Kinuha ko na lang ang phone ko at habang nagbabasa ng news ay narinig kong humihilik na lang s'ya. Napangisi ako at napailing. How could she sleep so soundly here? sabagay, mukhang pagod na pagod s'ya.
Nang matapos kong basahin ang mga news ay ilang minuto muna akong nagpahangin at tumayo na, maglalakad na sana ako papasok sa loob nang makita kong naarawan ang mukha ni Star. Sobrang lalim ng tulog n'ya at hindi n'ya nararamdaman ito. Mabilis kong kinuha ang itim kong payong sa gilid at binuksan ito. Lumapit ako kay Star tapos ay hinarang ang payong sa araw para hindi mainitan ang mukha n'ya. Habang pinagmamasdan ko s'ya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kan'ya.
Alam kong nahihirapan s'ya makihalubilo sa isang gaya ko. Magkaibang-magkaiba ang ugali namin. Masyado s'yang mabait habang ako ay walang ibang intensyon kung hindi ang gamitin lang s'ya para mamana ko ang kompanya at alam kong para rin ito sa ikakabuti n'ya. Hindi n'ya na kailangan pang maranasan ang maghirap sa pamilyang kumupkop sa kan'ya. I can give her everything she wants as long as it's not against the contract.
"Hmm.." umurong s'ya nang kaonti papalapit sa payong at patuloy lang sa pagtulog.
How can she look like an angel and have a personality like one?
Hindi ko maalis sa isipan ko ang sinabi n'ya noon sa dressing room na niloloko ko si Grandma. She is right about that. Hindi ko gusto itong ginagawa ko pero mas lalong hindi ko magugustuhan kung kay Kristoffer mapupunta ang kompanya. I worked so hard para lang mapalago ko pa kitong kompanya at hindi ko matatanggap kung hindi ito mapupunta sa akin.
Biglang tumunog ang phone ko at nakitang tumatawag si Mr. Alvarez na isa sa ka-business partner ko sa bagong coffee shop na ipapatayo namin next year. Mabilis ko itong sinagot tapos ay tumayo, "Yes, Mr. Alvarez?" sagot ko rito habang naglalakad papasok sa gate ng resort.
"Mr. Adams, my team wants to hold a meeting today regarding the products we will put on our menu. May mga bago silang pinasa and I think hearing them will be worth it."
"Alright, I'm on it." Mabilis kong kinuha ang laptop sa kotse ko. "I will make the meeting room and I'll send you the link. Forward the link to the rest of the team." Binuksan ko ang laptop tapos ay binigay sa kan'ya ang meeting room link namin.