CHAPTER NINE

1366 Words
Knight Crassus Adams' POV: Narito na kami ngayon ni Star sa private resort at kanina ko po s'ya ginigising pero masyado s'yang tulog mantika. Amoy na amoy ko ang alak na ininom n'ya. Bakit ba s'ya kasi uminom kung hindi n'ya naman pala yung tama? Huminga ako nang malalim at muling binalik ang tingin sa kan'ya. Wala na ang mga maid at guard dito dahil kanina pa sila nakaalis. Nag-request kasi ako ng privacy na pagpatak ng 9PM ay walang staff ang matitira rito at pumayag naman si Grandma, infact natuwa pa nga s'ya sa ni-request ko. Mukhang namisunderstood n'ya ako. Napabuntong hininga ako at hinanda na ang sarili dahil wala naman na akong ibang choice kung hindi ang buhatin si Star. Nilagay ko sa likuran n'ya ang mga kamay ko at binuhat ito na parang prinsesa. "What the hell?" mahinang sambit ko nang maramdamang sobrang bigat n'ya kumpara sa itsura n'ya. "May bato kaba sa katawan?" napangiwi na lang ako at nagsimula nang buhatin s'ya papasok sa loob. Mabuti na lang at hindi naka-lock ang pinto. Pagkapasok ko sa loob ay madilim pero may isang lamp na nakabukas at sapat na ito para makita ko ang dinadaanan. Hiniga ko si Star sa sofa at sinubukang buksan ang pinto ng kwarto dito sa 1st floor pero napakunot ang noo ko nang malamang naka-lock ito. Lahat ng kwarto sa baba ay chineck ko pati na rin sa taas, mga naka-lock ito at ang tanging kwarto na bukas lamang ay ang master's bedroom. Napailing ako dahil alam ko na ang binabalak at gustong mangyari ni grandma. Bumalik ako sa 1st floor at muling binuhat si Star. Nang makarating kami sa hagdan ay nag-ipon muna ako ng lakas bago humakbang paakyat. Bakit ganito s'ya kabigat? Normal lang ba ito sa babae? marami na akong babaeng nabuhat pero s'ya lang ang babaeng ganito kabigat. Pakiramdam ko nga ay malalaglag na ang mga braso ko. Nang marating ko na ang master's bedroom ay dali-dali ko s'yang sinalpak sa kama. Narinig kong napadaing s'ya. Ginalaw-galaw ko ang braso ko at nakahinga na rin nang maluwag. Grabe ang hirap na pinagdaanan ko para lang mabuhat s'ya paakyat dito sa master's bedroom. This is not going to happen again. Nang makapag-ipon na ako nang lakas ay nagsimula na akong maglakad palabas nang master's bedroom pero naramdaman kong may humawak sa pulsuhan ko kaya naman napalingon ako kay Star. Nakita kong nakadilat na ang mga mata n'ya habang namumula ang mga pisngi n'ya at mukhang inaantok. She really is drunk. "Wait! saan ka pupunta?" tanong n'ya. "It's none of your business," sagot ko sabay sinubukang kumawala sa kapit n'ya pero mas hinigpitan n'ya lang ang kapit sa'kin dahilan para mapakunot ang aking noo. "Don't run away from me!" sigaw n'ya. "What the hell are you talking about?" nauubos na ang pasenysa ko sa kan'ya. Pinahiya n'ya ako sa reception kanina, she danced like one of those penguin in the cartoons, binuhat ko s'ya na napakabigat and now she's annoying me. "Ipapakulong kita!" sambit n'ya habang nakatingin sa akin ang mga mata n'ya na pumipikit-pikit pa. "You stole my 1st kiss ever! I hate you Knight Crassus Adams! I really hate you!" lasing nitong bulalas. I'm her 1st kiss? "Ninakaw mo 1st kiss ko! hindi mo ba alam na sobrang importante non sa'kin? naka-reserve 'yon para sa future husband ko!" "I am your husband, therefore, that kiss is reserved for me. Now, stop this nonsense." Marahan kong hinawakan ang kamay n'ya na nakakapit sa'kin tapos ay marahan itong inalis. "Yung first kiss ko para lang sa mapapangasawa ko na totoong mahal ko!" umiiyak n'yang sabi. Great. Now she's crying. "I hate you! ang sama-sama ng ugali mo! kahit konting kabaitan man lang hindi mo mapakita sa'kin!" biglang naging galit ang tono ng boses n'ya. "You're really not going to shut up, huh?" tanong ko sabay humarap sa kan'ya. "I'm not going to shut my mouth! bakit? pati ba freedom ko na magsalita papakialaman mo rin?" "You leave me no choice, Star." Madiin at pikon kong sabi sabay hinawakan ang pulsuhan n'ya at pumatong sa kan'ya sa kama. Nakita kong napadilat s'ya at nanlaki ang mga mata na para bang nawala ang tama ng alak. Napatingin ako sa mga mata n'ya na kulay dark brown, ang ilong n'ya ay maliit at matangos at ang kan'yang labi ay mapula na mukhang malambot. Why is she so stunning tonight? may tama na rin ba ako ng alak? I shouldn't find her this attractive. This is wrong. Focus, Knight. "Bitiwan mo ako! magnanakaw!" sinubukan n'yang kumawala sa pagkakahawak ko sa pulsuhan n'ya pero mas hinigpitan ko lang ang hawak rito. She's throwing a tantrum because of that one kiss in the church? Fine, I'll give her more. Mabilis kong nilapit ang aking mukha sa kan'ya at nang magtama ang labi namin ay natigilan s'ya. Tumahimik ang paligid at para bang bumagal ang oras. Her lips is so damn soft and it tastes like strawberry. It's addicting and I'm starting to want more but this is wrong. Mabilis akong humiwalay sa halik at pinagmasdan s'ya. Nakatulala lang s'ya habang nakatingin sa akin habang pulang pula ang kan'yang pisngi. Her look.. pakiramdam ko ay natu-turn on ako. "Make a tantrum again and it will not just be a kiss." Mabilis akong umiwas ng tingin at tumayo. Hindi ko na s'ya tinitigan pa at mabilis na akong lumabas ng master's bedroom. Dumiretso ako sa bathroom at pinagmasdan ang sarili sa salamin. What the hell is wrong with me? She is not my type and she will never be! pero bakit nag-iinit ako ngayon dahil sa kan'ya? "Fvk," mahinang sambit ko sabay naghilamos na lang para pakalmahin ang sarili. Star Adams' POV: Umaga na at nakatulala lang ako sa kisame. Kanina pa ako gising pero hindi pa ako bumabangon dahil naalala ko ang lahat nang nangyari kagabi. I got drunk, sumayaw ako sa harap ng maraming bisita including mga kasosyo ni Knight sa business, binuhat n'ya ako papunta dito sa kwarto at hinalikan n'ya ako ulit sa labi! Napangiwi ako at napapikit nang maalala ang nangyari kagabi rito. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang maglaho. Bakit ba 'to nangyayari sa akin ngayon? Arghh. "Ms. Star?" Nabaling ang tingin ko sa pinto. Pangatlong beses nang may kumakatok sa pinto pero hindi ko sila sinasagot. "Gising na po ba kayo? kanina pa po nag-start ang breakfast." Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa kama. Naaawa naman ako sa mga maid dahil pabalik-balik sila dito. "Gising na po ako!" sagot ko sabay binuksan ang pinto. Pinag-ayos nila ako ng kaonti matapos kong mag-shower tapos ay hinatid ako sa dining area. Nang makita ko si Knight na tapos nang kumain ng pancake at nagco-coffee na lang habang nagta-tablet ay napalunok ako. Mabilis kong binaba ang tingin ko hanggang sa makaupo ako at nagsimula nang kumain. Kailangan ko na lang bilisan kumain para makabalik na ako sa kwarto at maiwasan s'ya. "Why are you hurrying?" natigilan ako nang magsalita s'ya. "Take your time to eat." Hindi ako sumagot o tinignan man lang s'ya. Hindi ko pa kayang tignan ang mukha n'ya matapos ang kahihiyan na ginawa ko kahapon. Tumango lang ako tapos ay binagalan ng kaonti ang pagkain. Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na ako, "tapos na ako kumain. Balik na ako sa kwarto-" hindi ko natapos ang sasabihin nang putulin n'ya ito. "Pick one." May nilapag na paperbag ang isang maid. "And change into a swimsuit." Napakunot ang noo ko at hindi ko na rin natiis pang tignan s'ya. "We will have our morning swim and you can't say no." Tumayo s'ya tapos ay tumingin sa akin ng seryoso kaya naman napalunok ako. "Everything is scheduled and must be follow. Don't get me wrong, this is not my idea. This is what my Grandma's wants." Alam ko, Knight. Alam kong hindi mo rin naman gustong magsayang ng oras kasama ako. "Bihis lang ako." Kinuha ko ang swimsuit tapos ay pumanik sa kwarto. Tinignan ko ang mga binigay n'ya sa akin at halos malaglag na ang panga ko nang makitang puro revealing ang mga ito. Hindi ba puwedeng mag-tshirt at short na lang ako sa swimming?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD