Knight Adams' POV:
"Congratulation on your wedding, Knight Adams!" bati sa akin ni Grigor, isa sa mga business partner ko sa alak.
"Thank you, Grigor," pilit akong ngumiti. "So.. kailan pala natin itutuloy ang meeting?" tanong ko. Hindi natuloy ang meeting namin last week dahil nagkaroon s'ya nang emergency.
"We can continue the meeting after your honeymoon. Alam naman nating lahat kung gaano kaimportante ang honeymoon pagtapos ng kasal. Mag-enjoy na muna kayo ng asawa mo."
Right, may honeymoon pa pala. I forgot about that dahil puro business ang nasa isip ko. Si Grandma ang nagprepare ng honeymoon namin ni Star sa isang private pool and beach resort na pagma-may ari namin. Sigurado akong papabantayan n'ya ako doon kaya hindi puwedeng hindi kami pumunta ni Star.
"Speaking of your wife, she's here." Napakunot ang noo ko nang magsalita si Oliver na anak ni Grigor habang nakatingin sa likuran ko.
Napalingon ako at nakita si Star na mukhang naliligaw at may hinahanap. She looks different today. Kumpara sa itsura n'ya kagabi, mas maayos at presentable s'ya. She almost looks like one of us. Nang makita n'ya ako ay ngumiti s'ya at kumaway tapos ay lumapit.
"Hey babe," tawag ko sa kan'ya sabay kumapit sa baiwang n'ya at hinila s'ya papalapit sa tabi ko.
"He-hey.." Is she blushing?
"Meet my wife, Star Adams." Wala na akong ibang choice kung hindi ang ipakilala s'ya sa mga business partner ko. Why is she even here? nasaan ba sila grandma?
"Hi Star, Nice meeting you. I'm Grigor Wyatt and this is my son," hinawi ni Grigor ang braso ng anak n'ya. "Oliver Wyatt. Nice meeting you." Nilahad n'ya ang kamay at mabilis naman itong tinanggap ni Star.
"Nice meeting you Sir Grigor and Sir Oliver."
"No need to call us Sir. Just Grigor and Oliver. Matagal na kaming close ng mga Adams," sambit ni Grigor. "I've heard from Knight that you're just 18 years old."
"Yes, that is correct. I'm still studying."
"That's great to know. Oliver is just 18 years old too." How boring. Bakit kailangan pa kasing sumulpot ni Star dito? imbis na na-uusap kami ngayon tungkol sa business, tsk. "May I know where you are studying and what is your course?"
"I'm studying at RedCrest University," mabilis na sagot ni Star sabay ngumiti. "And i'm going to take Psychology."
"Ohh, that's cool," singit at komento ni Oliver. "I wanted to take Psychology too but too bad I am obligated to take business management," natatawa at napapailing na dugtong pa nito.
"That's.. too bad." Ramdam kong hindi na alam ni Star ang sasabihin n'ya. Mukhang kailangan na n'yang magpahinga.
Hinigpitan ko ang hawak sa maliit n'yang baiwang dahilan para mapatingin s'ya sa akin. "Where's grandma?" tanong ko.
"Oo nga pala, pinapasabi n'yang mauuna na s'ya pati ang mga kaibigan n'ya. Magpapahinga na daw sila." I couldn't deny the fact that she looks stunning earlier in the church and even now. I guess, ito talaga ang nagagawa ng mamahaling damit at make ups. Lumabas ang Tunay n'yang ganda.
Star Adams' POV:
Bakit titig na titig si Knight sa akin at bakit ang higpit ng kapit n'ya sa baiwang ko? pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko na kanina pa malakas ang kalabog. Ngayon lang may lalaking humawak sa baiwang ko.
"Excuse me, rest room lang muna ako," paalam ko sabay nag-iwas ng tingin.
"Alright. I'll wait for you babe." Nanlaki ang mata ko nang dumampi ang malambot n'yang labi sa pisngi ko at marahan na binitawan ako.
"O-okay.." hindi ko alam ang isasagot dahil naba-blanko ang isipan ko. "Mauna na po muna ako. Nice meeting you again Grigor and Oliver." Matapos kong magpaalam ay umalis na ako at nagtungo sa restroom.
Humarap ako sa salamin at nakitang namumula ang pisngi ko. Mabilis akong umiling at naghilamos. Ano ba itong nangyayari sa akin?
"Focus, Levine," mahinang sambit ko sa sarili.
Matapos kong pakalmahan ang sarili ay lumabas na ako. Saktong nakita kong may mga nagse-serve ng alak kaya naman humingi ako ng ilang shots. Hindi ko gaano malasahan ang alcohol nito kaya naman naparami ang inom ko. Matamis ito at para bang pinapakalma at pinapatahimik ang magulo kong nararamdaman.
Matapos kong uminom ay biglang namatay ang chandeliers at nag-start na magpatugtog ng mga kanta. Nakita kong may mga ilang sumasayaw sa gitna. Mukhang masaya doon dahil lahat sila ay nakangiti.
Mabilis akong naglakad papunta sa gitna at ginaya ang mga sumasayaw. Pinikit ko ang mga mata ko habang pinapakiramdam ang tugtog. I like this. Kalmado at walang gumugulo sa isipan ko. Pakiramdam ko ay free akong gawin ang lahat ng gusto ko ngayon. Para bang walang pumipigil sa akin. Teka, tama ba ito ng ininom ko kanina?
Napadilat ako at natigilan nang makitang tumigil ang ilang nagsasayaw at maraming nakatingin sa akin. Kung nasa tamang katinuan ako ay kanina pa ako tumakbo at umiiyak dahil panigurado ay jinujudge nila ako pero dahil may tama nga ako ng alak ngayon ay wala akong pakialam sa titig nila at sa mga iisipin nila. Pinikit ko ang mga mata ko at nagpatuloy sa pagsayaw.
Tinaas taas ko ang mga kamay ko tapos ay ginaya ang mga napanood kong cartoons noon na happy feet dance. Narinig kong naghiyawan ang mga tao sa paligid ko at ramdam kong may mga nakikisayaw na rin sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti at tumawa. Nababaliw na ata ako.
"Go Star! Go Star!"
Nang marinig kong binibigkas nila ang pangalan ko ay mas ginalingan ko sa pagsayaw pero nang tumigil sila ay napakunot ang noo ko at napadilat ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Knight sa harap ko na masama ang tingin sa akin. Agad akong napalunok.
"Knight.." mahinang tawag ko sa kan'ya. "Gusto mo sumayaw?" tanong ko.
Hindi s'ya sumagot, bagkus ay hinawakan n'ya ako sa pulso at hinila papalabas ng venue. Nakita kong nagbubulung-bulungan ang mga bisita habang nakatingin sa amin. Biglang tumigil ang tugtog at may nagsalita sa stage na kamukha ni Ranz o siguro ay si Ranz talaga yun. Natawa na lang ako dahil mukhang disorted ang mga mukha ng tao ngayon.
"Star Levine!" Natauhan ako nang marinig ko ang nakakatakot na boses ni Knight. Nakita kong nasa loob na ako ngayon ng sasakyan n'ya. "What the hell did you do? you're emberassing me!"
"Gusto ko lang naman sumayaw!" sagot ko.
"Are you drunk?" nakakunot noong tanong n'ya.
"Hindi!"
"Fck. You are drunk." Pumikit s'ya at huminga nang malalim.
"Galit ka?" tanong ko sabay sumandal nang makaramdam ng hilo at antok. Hindi s'ya sumagot at binuksan na ang makina sabay pinaandar ang sasakyan, "saan tayo pupunta?" tanong ko. "Nahihilo ako, Knight. Bakit umiikot ang mundo?" natatakot kong tanong sabay pinikit na lang ang mga mata. "End of the world na ba?"
"We're going to our honeymoon."
Honeymoon?