CHAPTER SEVEN

1429 Words
Ramdam ko ang titig ng mga tao sa paligid ko, alam kong nagtataka sila kung sino ako at kung bakit bigla akong sumulpot pero mas pinili kong hindi na lang sila pansinin at ituon ang aking buong atensyon kay Knight. Nakatitig lang ako sa kan'ya habang naglalakad sa red carpet. Bawat hakbang ko ay ramdam ko ang bigat ng aking talampakan, bawat hakbang ko ay papalapit ako nang papalapit sa kan'ya. Nang marating ko ang altar ay nilahad n'ya ang kamay n'ya. Napatingin ako sa mukha n'ya, bagay sa kan'ya ang white suit na suot n'ya. Nakataas at gilid ang itim n'yang buhok kaya naman sobrang aliwalas ng kan'yang mukha ngayon. Mukha s'yang isang angel pero alam kong maskara n'ya lang ito at hindi ako dapat mahulog dito. Marahan kong tinggap ang kamay n'ya at nang magtama ang mga balat namin ay may kakaiba akong naramdaman na hindi pamilyar. "Ready?" mahinang tanong n'ya. Hindi ako sumagot, bagkus ay tumango lang ako at humarap na kami sa pare. Nagsimula na ang ceremony hanggang sa sabihin namin ni Knight ang vows namin at isuot sa isa't isa ang wedding ring. "I, Knight Crassus Adams, take you, Star Levine, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part, according to God's holy law, and this is my solemn vow." Kinuha ni Knight nang marahan ang kamay ko at sinuot ang diamond ring habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko. "From today onward, you and I will be one in heart, body and mind." Naramdaman ko ang sobrang bilis na pagkabog ng aking dibdib dahil sa huling sinabi n'ya. Pakiramdam ko ay totoo ang mga lumalabas sa bibig n'ya pero alam ko namang palabas lang ang mga ito. "I, Star Levine, take you, Knight Crassus Adams, to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part, according to God's holy law, and this is my solemn vow." Kinuha ko ang kamay n'ya at marahan na sinuot ang singsing habang nakatingin lang sa mga mata n'ya na para bang s'ya lang ang tao sa mundo ko ngayon. "I am yours forever and always. I choose you and I am honored you have chosen me." Matapos kong sabihin ito ay naramdaman kong dumiin ang hawak n'ya sa kamay ko kaya naman mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. "You may now kiss the bride!" pagkasabi ni father nito ay mabilis akong napaiwas ng tingin kay Knight. I can't kiss him. Ayokong ibigay lang sa kung sino ang first kiss ko. "Kiss!" naghiyawan ang mga guests kaya naman napangiwi ako. "You heard them," mahinang sambit ni Knight kaya napatingin ako sa kan'ya. Nang makitang ilalapit n'ya ang mukha sa akin ay lumingon ako sa altar para iwasan ang halik n'ya pero nanlaki ang mga mata ko nang maramdamang hawakan n'ya ang aking batok upang iharap sa kan'ya. Nang magtama ang mga labi namin ay gusto ko s'yang itulak pero hindi ko magawa dahil sa kontrata. Naramdaman kong tumulo ang luha ko at napapikit na lang ako. Maya-maya ay narinig kong nagpalakpakan ang mga guests at humiwalay na sa halik si Knight. "Play your role," mahinang utos n'ya. Umayos ako ng tayo at pasimpleng pinunasan ang luha ko. Matapos kaming kuhaan ng litrato ay dumiretso na kami sa reception. Nandito na ako ngayon sa dressing room. Nagpalit ako ng puting dress na halos kamukha lang rin ng wedding gown ko. Napalingon ako sa pinto nang marinig kong ay kumatok roon, "Pasok po!" Nang bumukas ang pinto ay nakita ko si Knight. Mabilis akong nag-iwas ng tingin, binalik ko ang atensyon sa salamin at nagkunwaring nag-aayos ng buhok. Narinig ko na lang na sinara n'ya ang pinto at humakbang papalapit sa akin. "We need to talk," sambit n'ya sabay umupo sa gilid ng table sa harap ko habang nakatingin sa akin. "Wala tayong pag-uusapan," mahinang sagot ko. "What was that in the altar? hindi ba pumayag kang pakasalan ako?" "Ginusto ko bang pakasalan ka?" tanong ko sabay tinignan s'ya sa mga mata. "Napilitan lang ako dahil sa mga magulang ko!" naramdaman kong namumuo na naman ang mga luha ko. "Sa tingin mo ba ako hindi napilitan?" seryoso at malamig n'yang tanong sabay tumayo. "Don't act like you're the only one who's finding this hard and affected. I didn't liked this wedding too. We don't have a choice but to follow the contract unless you want to end up in Jail together with your family." "You're a devil," madiin kong sabi habang nakatingin ng seryoso sa kan'ya. "Niloloko mo ang lola mo para lang mapunta sayo ang kompanya. I hope you rot in hell when your time comes, Knight." "But I'm already in Hell." Hinawi n'ya ang itim n'yang buhok na ngayon ay bagsak na. "We're in this together, Star. Hindi lang ako ang nangloloko dito. Kasama ka." Napatayo ako dahil sa sinabi n'ya. "Get ready, the party will start in 5 minutes. Let's do our best to fool everyone." Ngumiti s'ya pero alam kong peke ito dahil walang emosyon ang kan'yang mga mata. Naiyukom ko na lang ang mga palad ko habang pinapanood s'yang naglalakad papalabas ng dressing room. - "Star is so pretty, sobrang swerte ni Knight sa kan'ya," pagmamayabang ni Imelia sa mga kaibigan n'ya. Kakatapos lang namin kumausap ng napakaraming bisita ni Knight at pagkaupo namin sa table nila Imelia ay pinagmamayabang na pala ako nito sa mga kaibigan n'ya. Napatingin ako kay Katrina na umirap nang makita ako tapos ay tumayo at umalis. Mukhang hindi n'ya talaga ako matatanggap bilang isang Adams, pero sabagay, hindi rin naman ako magtatagal rito. "I believe Katrina is going through the rebellion phase, it's quiet normal for teenagers," singit ni Kristoffer na napapailing na lang habang umiinom ng wine. "Speaking of, they're here." Napalingon silang lahat sa amin ni Knight nang magsalita pa si Imelia. "Please do sit and join us newly wed couple," sambit ng isang babaeng kaibigan ni Imelia na mukhang kasing edad n'ya lang rin. Ngumiti ako at umupo kami ni Knight. Nilagyan n'ya ako ng pasta at steak sa pinggan ko na kahit kailan ay hindi ko pa natitikman. Habang kumakain ay nakikisalamuha kami ni Knight sa kanila. We faked our sweetness and love in front of the others. Matapos ang isang oras ay may dumating na lalaking nakasuot ng suit na mukhang nasa late 30's na. "Grandma, excuse me. The Jay corporate is here." Tumayo si Knight tapos ay iniwan ako at lumapit sa mga bagong kararating lang. "Look at Knight, so eager and hardworking man." Rinig kong komento ni Imelia. "Kaya sobrang lago at successful ng business." "That's one of the reason why I fell for him." Gusto kong masuka dahil sa lumabas sa aking labi. "That's so sweet, Iha." Ngumiti si Imelia sa akin. "Are you sure about that?" singit ni Kirstoffer habang natatawa at napapailing. "Knight is only eager and hardworking when it comes to work." Mukhang kilala ni Kristoffer ang totoong ugali ni Knight. "Looks like you've never seen Knight making efforts when it comes to love." Gusto kong umagree sa kan'ya pero nandito si Imelia at asawa ako ni Knight kaya naman wala akong ibang magagawa kung hindi ipagtanggol s'ya. "Siguro nga." Nagkibit balikat s'ya tapos ay tumayo. "Excuse me too, may mga kakausapin lang rin ako." "Don't mind them, Star. Alam mo naman mga magkakapatid, laging nagkakabanggan." "Naiintindihan ko po, Imelia." Ngumiti ako sa kan'ya. Napakunot ang noo ko nang kuhain n'ya ang kamay ko, "I wanted to thank you for finding and loving my grandson." Nakita kong may namuong luha sa gilid ng mga mata n'ya at para bang may kumurot sa aking puso dahil dito. "Knight could be as cold as snow but he is a warm and sincere person. Alam kong nakita mo iyon sa kan'ya. Ngayong matanda na ako, wala na akong ibang mahihiling pa dahil nandito kana para samahan at gabayan s'ya sa buhay." Nang tumulo ang luha n'ya ay nakaramdam ako ng guilt. How could I do this to someone like her? "Sobrang nagpapasalamat rin po ako dahil nakilala ko si Knight." Ngumiti ako. "Huwag po kayong mag-alala. Hinding hindi ko po iiwan si Knight. Mananatili po ako sa tabi n'ya." "Salamat, Iha. Hindi na ako mag-aalala para sa kan'ya." Pakiramdam ko ay napakasama kong tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD