CHAPTER SIX

1307 Words
Star Levine's POV: "Knight and I met in a coffee shop. I was studying there and Knight was having his virtual meeting," simula ko at pasimpleng kinakamot ang forearm ko nang makaramdam ng kati rito. "Nagkabangga kami that day and nagkapalit yung phones namin kaya naman nag-meet kami once na nalaman namin yun." Pakiramdam ko ay isa akong fraud ngayon. Kahit kailan ay hindi ko nagawang magsinungaling ng ganito sa kung sino man. "Dun nag-start yung pag-uusap namin until Knight courts me." "That sounds unlike Knight.." komento ni Kristoffer sabay napatawa ng mahina. "He court me for like 2 months and of course, I never met a guy like Knight kaya naman sinagot ko s'ya." "You never met someone rich like him?" Singit ni Katrina. "Katrina! Watch your mouth young lady," agad na saway ni Imelia kay Katrina sabay tinignan ito ng seryoso habang umirap lang naman s'ya. "To be honest, you're right Karina." Ngumiti ako sa kan'ya. "I've never met a billionaire man. Akala ko puro lang sila pera pero noong nakilala ko si Knight, nagbago tanaw ko. Knight pursue me. Sobra yung efforts n'ya for me and that's when I realized I loved him." Gusto kong masuka sa huling sinabi ko pero kailangan kong ngumiti at magmukhang sincere. "Knight could be sweet sometimes." Ngumiti si Imelia. "Hindi na ako makapaghintay pa na makasal kayo mamaya." Nang marinig ko ang sinabi n'ya ay agad kong naalala na mamaya na nga pala kami ikakasal. Napalunok ako at huminga nang malalim nang medyo makaramdam ng paghirap sa paghinga. Uminom ako ng maraming tubig at sinubukang pakalmahin ang sarili ko pero hindi parin tumitigil ang allergy reaction ko. Kailangan ko ng gamot. "Are you okay, Star, Iha?" Mukhang napansin ni Imelia ang lagay ko kaya naman mabilis akong ngumiti at tinago ang forearm ko dahil namumula na ito. "Okay lang po ako." "She's not okay and excuse us, dadalhin ko muna s'ya sa kwarto n'ya to take some rest. She looks tired dahil sa date namin kahapon." Biglang tumayo si Knight at hinawakan ako sa magkabilang braso tapos ay pinatayo. "Bakit mo naman kasi s'ya pinagod? Alam mong kasal n'yo na mamaya. Ikaw talaga, Knight." Bakas ang inis sa boses ni Imelia. "Okay lang po ako, Imelia. Konting pahinga lang po ito." Ngumiti ako sa kan'ya. "Oh s'ya, sige na. Magpahinga kana muna at may magaganap pa mamaya. See you later, Iha. Excited na ako sa kasal n'yo." "Ako rin po." Nagpaalam na kami ni Knight sa kanila tapos ay dinala n'ya ako sa kwarto ko. "What happened to you? Bakit may mga rashes ka?" Nakakunot noo at naguguluhan n'yang tanong. "Sinabihan mo si Imelia na paborito ko ang hipon kaya naman wala akong ibang choice kung hindi kumain ng pagkain na allergic ako," mahinang pangsisisi ko sa kan'ya. "Kailangan ko ng gamot dahil kung hindi mamaya lamay ang maganap." Hindi s'ya nakaangal dahil sa sinabi ko, "fine. Stay here." Bigla na lang s'ya lumabas ng kwarto at maya-maya ay dunating na s'ya. May dala s'yang gamot at tubig. "Take this." Ininom ko ang gamot na binigay n'ya tapos ay umupo sa kama. "Salamat." "Magpahinga ka. Hindi puwedeng hindi matuloy ang kasal mamaya." Kinuha n'ya ang baso tapos ay tumalikod na at nagsimulang maglakad. Nang makapunta s'ya sa pinto ay huminto s'ya saglit, "Sorry, hindi ko alam na allergy ka sa hipon." Matapos ay bigla na lang s'ya lumabas at sinara ang pinto. Napangiti ako ng kaonti dahil napilitan s'yang magsorry sa akin. Rinig na rinig ko sa boses n'yang nahihirapan s'ya magsorry kaya naman para sa'kin ay pakiramdam ko nanalo ako. Humiga ako sa kama tapos ay tumingin sa kisame. Will I survive this role? - "Open your eyes." Dinilat ko ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ng make up artist ko. Pagkatingin ko ng sarili sa salamin ay napakunot ang noo ko at mas nilapit ko pa ang mukha doon. Ako ba talaga to? Bakit parang masyado naman akong maganda? Nakakulot ang eyelashes ko, nilagyan nila ako ng eyeliner at eyeshadow na simple lang. May blush rin ako na subtle lang at beige pink lipstick. Kinulot nila ang buhok ko habang may nilagay sila rito na mga maliliit na kumikinang na paru-paru. Pakiramdam ko ay hindi ako itong nakikita ko sa salamin. "Ma'am Star, kailangan n'yo na po suotin yung gown n'yo para ma-final touch na at makapunta sa simbahan," sambit sa akin ng mga hinire ni Knight para ayusan ako. Tumango ako tapos ay tumayo na at nagpunta sa dressing room na napakalaki at liwanag. Sinara nila ang kurtina tapos ay nagsimula na akong maghubad at suotin ang gown. Walang salamin rito sa loob kaya naman hindi ko makita ang sarili. Maya-maya ay binuksan na nila ang kurtina at napatingin ako sa pader na may napakalaking salamin na sakop ang buong dressing room. Off shoulder na kulay puti ang gown ko. May mga maliliit na kumikinang na diamond ito. Kapit na kapit ang bewang ko rito kaya kitang kita rin ang hugis ng katawan ko at mas tumangkad ako tignan. Napakaganda ng gown, itsura pa lang nito ay alam kong hindi ko mababayaran ito kahit na magtrabaho pa ako buong buhay ko. "Wow, bagay na bagay sa'yo Ms. Star!" Nagpalakpakan ang mga assistant habang nakatingin sa'kin at nakangiti. "Sa-salamat.." medyo nahihiya kong sambit sa kanila at tipid na ngumiti. "Naghihintay na ang sasakyan n'yo sa labas. Tara na?" Lumapit sa akin ang mukhang head nila. Tumango ako sa kan'ya tapos ay nagsimula na kaming maglakad habang ang mga assistant ay nakahawak sa dulo ng gown ko para hindi tumama sa sahig. Nang makalabas kami ay naghihintay na ang napakagarang saskayan. Mahaba ito at kulay puti. May mga fresh na white roses na desenyo sa labas. Napatingin ako sa isang lalaking nakasuot ng black suit, pinagbuksan n'ya ako ng pinto. "Pumasok na po kayo, Ms. Star. Panigurado, naghihintay na si Sir Knight sa inyo." Halatang kinikilig sila sa tono ng boses nila. Pilit na lang akong ngumiti sa kanila tapos ay pumasok na sa loob. Agad na rin namang umandar ang sasakyan at sumandal ako. Pinagmasdan ko ang kamay ko na mamaya ay may suot ng wedding ring. Agad akong napalunok at nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng tadhana.. pero alam kong wala akong laban dito. Matapos ang ilang minuto ay huminto na ang sasakyan kaya naman napalingon ako sa bintana at nakita ang napakalaking puting simabahan. Agad kong nakita ang mga bulaklak na nakadesenyo sa labas pati na rin ang red carpet na papasok sa loob. Pinagbuksan ako ng driver ng pinto kaya naman lumabas na rin ako. "Star!" Nang may lumapit sa akin na lalaki ay napakunot ang noo ko. Nakasuot s'ya ng itim na suit habang nakataas ang light brown na buhok. "Oh right, hindi mo pa pala ako kilala." Ngumiti s'ya na parang nahihiya, "let me introduce myself. I'm Ranz. Knight's secretary." Nilahad n'ya ang kamay at mabilis ko itong tinanggap. "I'm Star Levine." "I know and you will play as Knight's wife." Napahinto ako. "Don't worry, kaming dalawa lang ang may alam ni Knight, well, actually tatlo kami pero it's not the right time yet for you to meet the other one who knows Knight's secret. So.. let's go?" How could Knight fool his grandmother for money? "Hm." Tumango ako at inalalayan n'ya akong makaakyat sa hagdan papasok sa loob ng puting simbahan. Agad na lumakas ang nagtutugtog ng piano at napalingon ang mga bisita sa akin. Napalunok ako at mas lalong kinabahan. Nakatingin silang lahat sa akin at pinapanood ang kilos ko. Hindi ako pupwedeng magkamali. Sumenyas si Ranz na maglakad na raw ako kaya naman wala na rin akong ibang nagawa kung hindi ang maglakad mag-isa sa red carpet at napatingin sa lalaking nakasuot ng puting suit sa altar, na hinihintay ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD