Star Levine's POV:
Nakahanda na ako at hinihintay ko na lang na sunduin ako ni Knight dito sa kwarto ko. Pinagsuot nila ako ng magarang dress na kulay puti at simpleng heels na sobrang komportable sa paa. Hindi naman ito mataas kaya ayos lang sa akin. Nakababa ang buhok ko na medyo wavy at nilagyan rin nila ako ng kaonting make up.
Napalingon ako sa pinto nang marinig kong may kumatok tapos ay bumukas ito, "What's taking you so long?" Nakita ko ang magkasalubong na kilay ni Knight pagkapasok kaya naman mabilis akong tumayo. "Hinihintay kong tawagin mo ako," mahina kong sagot.
Tumingin s'ya sa akin saglit tapos ay umiwas ng tingin, "sinabihan kita kanina na pagtapos kana mag-ayos, lumabas kana," seryoso n'yang saad. "You're wasting too much of my time. Tsk. Let's go." Hindi n'ya na ako tinapunan pa ulit ng tingin at nauna na s'yang lumabas.
Mabilis naman akong sumunod sa kan'ya. Naglakad kami sa hallway tapos ay bumaba sa hagdan. Sobrang laki naman kasi ng bahay nila, parang mall na ito sa laki. Tahimik lang kami magdamag hanggang marating namin ang labas ng dining room.
Papasok na sana ako nang higitin n'ya ako sa pulsuhan at hilahin sa gilid, "act decent and clean. Do not embarrass me Infront of my family."
Hinila ko ang kamay ko sa kan'ya. "Huwag kang mag-alala, hindi kita bibiguin, Knight." Hindi ko gusto ang pananalita n'ya pati ang sinasabi n'ya sa akin pero hindi ko s'ya puwedeng patulan pa dahil nandito na kami sa dining area.
"Show me then." Muli n'yang kinuha ang wrist ko at nanlaki ang mata ko nang hawakan n'ya ang kamay ko, intertwined.
"A-anong ginagawa-" hindi ko natapos ang sasabihin nang hilahin n'ya na ako papasok sa loob ng dining room.
Mabilis kong binaling ang tingin sa loob at nakita ang malaki at pahabang lamesa na punong puno ng iba't ibang klase ng pagkain. Napatingin rin ako sa mga nakaupo. May isang babaeng matanda na, na sa tingin ko ay ang lola ni Knight, mayroong isang lalaking mukhang kaidaran lang rin ni Knight at may isa pa silang kasamang babae na mukhang nasa High school pa lang. Napalunok ako nang makitang nakatingin silang tatlo sa amin ngayon ni Knight.
"Good morning, grandma," bati ni Knight sabay hinila ako papalapit sa lamesa.
"Good morning, Knight!" Nakangiting sagot nito sabay tumungin sa akin, "mabuti naman at napagdesisyunan mo nang ipakilala at dalhin dito ang nobya mo."
"Good morning po," agad kong bati sa kan'ya sabay yumuko ng kaonti at ngumiti.
"Maupo na muna kayo."
Pinaupo ako ni Knight sa tabi n'ya na sa dulo ng lamesa at sa lola n'ya. Agad akong nakaramdam ng matinding kaba, pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko. Pinapalibutan ako ng mga Adams ngayon.
"Bakit hindi mo muna ipakilala ang sarili?" Tanong ng lola ni Knight.
Mabilis akong nagsalita para magpakilala, "I'm Star Levine. You all may call me Star. I'm Knight's fiancé," sambit ko habang nakangiti at sinusibukang iwasang makipag-eye contact sa kanila dahil pakiramdam ko ay kakainin ako ng buhay pagnagkaroon ako ng isang pagkakamali lang.
"Imelia Adams. Knight's grandmother. Call me Imelia. Nice to meet you, Star!" Hinawakan ako ni Imelia sa kamay habang nakangiti. "Sobrang masaya ako na nandito ka." Kulay puti na ang buhok n'ya na hanggang balikat, bakas na rin sa mukha n'ya at balat ang sign of aging habang ang mga mata n'ya ay itim na itim katulad kay Knight. Sa tingin ko ay nasa 80+ na ang edad n'ya.
"Nice meeting you too, Star. I'm Kristoffer Adams. Sumunod na anak kay Knight." Napatingin ako sa lalaking kapatid ni Knight. "Isang taon lang ang agwat ng taon namin." Kulay dark brown ang buhok n'ya at ang mga mata n'ya naman ay may pagka-brown din. Gwapo rin s'ya at maganda ang katawan tulad ni Knight. Dumadaloy na siguro din talaga sa lahi nila ang pagkakaroon ng magandang katawan at itsura.
"Katrina Max Adams." Napunta naman ang tingin ko sa babaeng nagsalita. Kulay dark red ang buhok n'ya na mahaba habang may bangs. Mukhang high school student pa lang s'ya at ramdam ko na agad sa paningin n'ya pa lang sa akin na ayaw n'ya sa'kin.
"16 years old pa lang 'yang si Katrina," singit ni Imelia kaya naman bumalik ang tingin sa sa kan'ya. Dalawang taon lang pala ang age gap namin. "Parehas rin pala kayo ng school, Crest Univeristy."
Agad akong naalisto nang banggitin n'ya na ang paaralan ko. "Opo. Sa Crest Univeristy din po ako," sagot ko sabay ngumiti.
"Why don't we eat first? Lalamig na ang mga pagkain. Besides, we still have plenty of time." Nakalimutan kong kasama nga pala namin si Knight. Nang mabaling sa kan'ya ang tingin ko ay nakita kong seryoso lang s'yang nakatingin sa akin at alam ko na rin ang ibig-sabihin noon.
Don't mess up.
Napalunok na lang ako at napatingin sa pinggan ko. Pakiramdam ko ay nasu-suffocate ako rito. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Lahat sila ay inoobserbahan ang bawat kilos ko.
"I heard from Knight na paborito mo ang hipon kaya naman nagpaluto ako ng buttered shrimp." Biglang naglagay ng balat na hipon si Imelia sa pinggan ko. "Taste it. Luto iyan ng chef namin and trust me, magugustuhan mo ang lasa."
Napatingin ako kay Knight at napakunot ang noo. Bakit nagsabi s'ya ng paborito kong pagkain nang hindi man lang ako tinatanong? Hindi ako puwede kumain ng hipon. Allergic ako sa hipon!
Sinubukan kong senyasan si Knight na hindi ako puwede kumain ng hipon pero nagkibit balikat lang s'ya at kinuha ang kape n'ya habang pinapanood kami ng lola n'ya. Nagulat na lang ako nang biglang subuan ako ng ni Imelia ng hipon kaya naman hindi na ako nakatanggi pa.
Marahan kong nginuya ang hipon at nalasahan ang sarap nito. Oo, alam kong masarap ang hipon at kung wala lang akong allergy dito, matagal na akong kumain nito araw-araw. Matapos kong nguyain ito ay lumunok ako at nagdasal na sana ay hindi ako sumpungin ng allergy ngayon.
"You should try the bacon and cheese. It's also good." Mabuti na lang at nag-suggest si Kristoffer ng ibang pagkain. "Oo nga pala. Bacon and cheese ball. Favorite ito ni Knight dati noong bata pa s'ya." Kumuha si Imelia ng bacon and cheese ball. Nang akmang isusubo n'ya ito sa akin ay nag-insist ako at ako na lang mismo ang sumubo dahil nakakahiya rin naman talaga sa kan'ya.
Pagkatikim ko ng binigay nila sa akin ay muntik na akong mapapikit sa sarap. Ganito ba talaga pagmayaman? Lahat ng pagkain na masasarap puwedeng ihain sa lamesa ng sabay-sabay?
"So.. bakit hindi mo ikwento sa amin kung pano kayo nagkakilala ni kuya Knight? At kung BAKIT mo rin s'ya nagustuhan?" Lahat kami ay napatingin kay Katrina nang magsalita s'ya. Wala pang lamang pagkain ang pinggan n'ya. Pinatong n'ya ang dalawang siko sa lamesa at tinignan ako ng seryoso.
Habang iniisip ang isasagot sa kan'ya ay nagsimula nang kumati ang braso ko.
Sht. Paano ako makaka-focus sa pagkwento sa kanila kung inaatake ako ng allergy ko?
Napatingin ako sa Knight at tinignan s'ya ng tingin na nanghihingi ng tulong pero sumandal lang s'ya at nilapag ang baso ng kape. "Go ahead, honey. Tell them how we met. It's fine with me."
He's not going to help me.