CHAPTER SIXTEEN

1042 Words
"Uh-oh." Napatingin kaming lahat kay Matthew nang tumigil ang ulo ng bote sa kan'ya. Nagtawanan si Charless at Chad habang si Dianna ay umupo na sa tabi ko. Tinignan ko si Knight na nakatingin lang sa kanila, halatang bored na bored na s'ya at mukhang inaantok na rin s'ya. "Who will ask me?" Tanong ni Matthew. "Me." Tinaas ni Dianna ang kamay n'ya. "After you answer and did your part, ikaw naman ang mag-iikot ng bote at magtatanong sa ituturo nito." Huminto saglit si Dianna tapos ay nagpatuloy sa itatanong n'ya, "truth or dare?" "Dare," matapang at confident na sagot ni Matthew habang deretso ang tingin kay Dianna. "Alright, I hope you wouldn't regret choosing dare." Nakita kong napangisi ng kaonti si Dianna kaya naman napakunot ang noo ko. "Kiss me." Nawala ang pagkakakunot ng noo ko, napalitan ito ng gulat. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Tama ba ako ng narinig? Dianna asked her friend to kiss her? "Is that all?" Seryosong tanong ni Matthew sabay tumayo at huminto sa gilid ni Dianna. "Yep, that's all. I bet you couldn't do it because you're a fuc-" hindi natapos ni Dianna ang sasabihin nang hawakan s'ya ni Matthew sa braso tapos ay tinayo at hinalikan sa labi. Mas lalo akong naguluhan dahil sa nakikita. Gumanti ng halik si Dianna at pinatong n'ya ang kamay sa batok ni Matthew hanggang sa nakita kong nagfe-french kiss na sila. Nasamid ako at mabilis na nag-iwas ng tingin. Kumuha na lang ako ng baso at ininom ang laman nito para naman mapakalma ang sarili ko pero mali ang hinala kong tubig ito, lasang alak. "Whoo! Nice one Matthew!" Hiyaw ni Chad. "Comeback na ba?" Tanong ni Charless habang nakangiti. Umupo lang si Matthew tapos ay umiling. "There's no comeback happening," sagot n'ya sabay pinaikot ang bote sa lamesa. Lahat kami ay nakatingin sa bote, hinihintay kung kanino ito hihinto. Habang pabagal nang pabagal ang pag-ikot ng bote ay napatingin ako kay Knight. Blanko ang expression ng mukha n'ya, nakatingin lang s'ya sa bote at katulad ko ay naghihintay na huminto ito. Nang makita kong umakyat ang tingin n'ya sa akin ay mabilis akong umiwas ng tingin. Napalunok ako, kanina n'ya pa kaya alam na pinagmamasdan ko s'ya? Argh, Star. Umayos ka nga. Nakakahiya. "Ms. Star Adams!" Bigla akong nabalik sa realidad nang marinig kong tawagin ni Dianna ang pangalan ko. Napatingin ako sa bote at napangiwi nang makitang sa akin ito nakatutok. "Truth or dare?" Tumayo si Dianna na katabi ko at umupo s'ya sa lamesa. Ramdam na ramdam ko ang mga titig nila sa akin. Anong pipiliin ko? Hindi pa ako handa at hindi pa ako nakakapag-isip kung truth o dare ba ang pipiliin ko. "Truth." Choosing truth is the safest. At least kung hindi ko masagot, isang shot lang ang iinumin ko kaysa sa dare na sigurado akong hindi ko magagawa at limang shots ang kapalit. "Playing safe?" Singit ni Charless sabay napangisi. "Uhm.. since Matthew is the one who was picked before, it's his turn to ask," sambit ni Dianna. Napatingin ako kay Matthew na nakaupo sa tabi ni Knight. Nakasandal s'ya at mukhang relax lang. Nang makita kong ngumiti s'ya ay napakunot ang noo ko, ano kayang iniisip n'ya? "Is love really the reason why you married Knight?" Napatingin ako kay Knight dahil sa tanong ni Matthew. Nakita kong nakatingin rin s'ya sa akin gamit ang mga seryoso at walang emosyon n'yang mga mata. Simula una pa lang ay ganitong ganito ang titig n'ya sa akin at sigurado akong hindi ito magbabago. "Yes," sagot ko sabay nilipat ang tingin kay Matthew. "I married him because of love." Kasama sa contract namin ang pagpapanggap kaya kailangan ko iyon sundin. "Wow! Ibang klase ka talaga Knight," natatawa at napapailing ba sabi nila Chad at Matthew. "Alright, I'll spin the bottle." Mukhang hindi na-entertain si Charless sa sagot ko dahil tumayo ito at mabilis na inikot ang bote. Pakiramdam ko ay may hindi magandang tensyon kay Charless at Knight. Pero ano iyon? Magkaibigan ba talaga sila? "Opps, your bottle betrayed you," sambit ni Dianna nang huminto ang nguso ng bote kay Charless. "It's your turn to ask, Star," dugtong n'ya pa sabay ngumiti sa akin. Agad akong napaisip, hindi ko pa sila kilala at ngayon ko lang rin sila nakasama. "Truth or dare?" Tanong ko kay Charless na katabi ko lang. "Since nagsisimula pa lang ang laro natin, I'll choose truth. We'll save the best for later," sagot n'ya sabay ngumiti. I'll use this chance to know something between Knight and him, "do you consider Knight as a real friend?" Dahil sa tanong ko ay lahat sila natigilan. Biglang tumahimik ang paligid namin at naramdaman kong naging awkward ng kaonti ang vibe. Hindi ko ba dapat itanong ito? "Since we're all talking about the truth here.." simula n'ya sabay tumingin kay Knight. "I don't really consider him as a real friend since that day." "That day?" Nakakunot noo kong tanong. "One question per spin only, Star," natatawa at napapailing na sagot n'ya. Tama ang pakiramdam ko, hindi nga magkaayos si Charless at Knight. Hinawakan ni Charless ang bote at muli itong inikot. Habang hinihintay naming tumigil ang bote ay hindi ko maiwasang hindi isipin kung ano ang pinagawayan nila. Tungkol saan? Mukhang seryoso iyon at malalim para kay Matthew. Pero kung sabagay, hindi na rin naman na ako magugulat sa kung anong nagawa man ni Knight dahil kitang kita at ramdam ko naman na ang hindi n'ya magandang ugali. Nang huminto ang bote ay lahat kami napatingin sa taong hinintuan nito. Si Knight. Nakatingin lang s'ya sa bote tapos ay nilipat ang tingin kay Charless. Mukhang hinihintay n'yang magsalita ito. "Knight.. truth or dare?" Tanong nito sa kan'ya. "Dare." "Agad?" Napapatawang tanong ni Matthew. "Are you avoiding truth?" "I don't," mabilis na sagot ni Knight. "Walang thrill ang truth. Why would I pick that?" "Right, sabagay, mas gusto mo yung may thrill." "Uhm, guys, we're here to enjoy," singit ni Dianna. Bumibigat ang tensyon nilang dalawa at ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Pakiramdam ko ay anytime pwede silang magsuntukan. "Fine, I'll choose truth." "Until now I couldn't understand why you did that. Why you kissed my ex that day." Knight kissed Charless' ex?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD