CHAPTER FIFTEEN

1157 Words
"Hindi. Bakit kita iiwasan?" Sagot ko sa kan'ya habang sinusubukan ang makakaya ko na hindi umiwas ng tingin. "Nothing." Binitawan n'ya na ang pulsuhan ko, "let's go." ~ "Knight!" Pagkapasok namin sa villa ay may sumalubong sa amin na lalaking nakasuot ng puting t-shirt at khaki shorts. Itim rin ang buhok n'ya at mas maliit ng kaonti kay Knight. Nang mapunta ang tingin n'ya sa akin ay mas lumawak ang ngiti n'ya, "nice meeting you, Mrs. Star Levine. I am Charless, Knight's friend since we were kids." Hindi ko alam na may kaibigan pala si Knight dito. Bakit hindi n'ya man lang ako pinakilala noong unang araw namin dito? Sabagay, bakit n'ya pa ako ipapakilala sa kaibigan n'ya? hindi n'ya naman ako pinakasalan dahil sa mahal n'ya ako. "Nice meeting you too." Ngumiti ako ng kaonti. "Tama nga ang tsismis, you're beautiful." Nilahad n'ya ang kamay at dahil hindi ko alam ang isasagot sa sinabi n'ya ay ngumiti na lang ako ulit tapos ay nakipagkamay sa kan'ya. "Of course, my wife is gorgeous. I am a good picker, aren't I?" Biglang sabi ni Knight sabay hinawakan ako sa braso at hinila papalapit sa kan'ya. Napalunok na lang ako at pinilit na pakalmahin ang sarili. Alam kong hindi totoo ang mga lumalabas sa bibig n'ya, all of these are just for our show. "So, what is this small party for?" "It's to welcome you and your beautiful wife." Ngumiti si Charless. "Let's go to the beach front. Marami akong hinandang alak and music." Sabay-sabay kaming tatlo na naglakad papunta sa beach front. Nang makita ko ang desenyo rito ay hindi ko maiwasang hindi mamangha. Ito pala ang nakikita ko mula sa bintana. Marami ritong ilaw, matataas na puting lamesa at marami-rami rin ang mga tao, ang iba sa kanila ay nakasuot pa ng mga swimsuit habang sumasayaw. Napunta naman ang tingin ko sa kaliwa kung saan may banda na tumutugtog, may mga tunay silang instrumento at napakaganda ng boses ng babaeng lead singer nila sabayan mo pa ng tugtog na jazz. "We won't drink, bukas na rin kasi ang byahe namin pabalik sa Manila," sambit ni Knight nang makaupo kami sa baby blue na coach na may nga desenyo ng transparent shells. "Aww, that's too bad. Bakit kasi ngayon ka lang nagsabi na nandito ka pala? Edi sana kahapon ko pa kayo inimbita rito." Halata ang panghihinayang sa boses ni Charless. "Kahit konti lang, please? Samahan n'yo naman ako uminom. Broken hearted kaya ako." "What's new?" Nagkibit balikat si Knight at umirap si Charless kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti ng patago dahil natutuwa ako sa pagiging pagkakaibigan nila. "Still the same, Knight. I see." Tinaas ni Charless ang kamay n'ya at may waiter na lumapit sa amin na may isang tray na puno ng shots. Nilapag n'ya ito sa lamesa namin. "My friends here are coming. Ipapakilala ko kayo." "We won't drink," mabilis na sambit ni Knight. "Don't worry, this for me and my friends." Nang mapunta ang tingin ni Charless sa akin ay ngumiti s'ya, "looks like your wife needs some alcohol." "She doesn't need it." Dabil sa sinabi ni Knight ay hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na kumuha ng isang shot glass tapos ay tunggain ito lahat. "Woah!" Nang ilapag ko ang shot glass ay tinignan ko si Knight, nakakunot na muli ang noo n'ya at mukhang hindi ito natuwa sa ginawa ko. That's right, hindi rin naman ako natutuwa ngayon. Mas okay na siguro kung mangdamay ako. "Wild pala ng asawa mo," natatawa at napapailing na komento ni Charless. "That's her last glass-" bago pa matapos ni Knight ang sasabihin ay kumuha ako ng panibago at tinungga ito. "Nasan na yung mga kaibigan mo?" Tanong ko kay Charless sabay nilapag ang shot glass sa baso nang hindi tinitignan si Knight. Mabuti na lang at hindi gaano mataas ang tama ng inumin na ito. Wala pa naman akong nararamdamang kakaiba hindi tulad noong nainom ko sa reception party namin ni Knight. "Just in time. They're here." Napatingin kaming tatlo sa mga bagong dumating. Isang babae na maiksi ang buhok na brown, nakasuot s'ya ng itim na dress at napakaganda n'ya. Bilog ang mga mata n'ya at maliit ang mukha habang ang dalawa n'yang lalaking kasama ay matatangkad naman at malalaki rin ang katawan katulad nila Knight. Tumayo si Charless, "This is Dianna Jones," pakilala n'ya sa babae. Tumayo rin kami ni Knight at nakipagkamay kay Dianna Jones. "Nice meeting you," ngumiti ako habang si Knight naman ay seryoso lang ang mukha. "This one is Matthew Fuentés." Pakilala n'ya sa isang lalaking semi-kalbo ang buhok na may piercing sa tainga at kaliwang kilay. Matangkad ito at tulad nilang magkakaibigan ay may itsura din. "And this one is Chad Sueva." Pakilala n'ya naman sa isang lalaking nakataas ang blonde na buhok at maputi. Matapos naming magpakilala ay umupo na kami sa coach. Inagawan ni Dianna si Knight ng upuan at tumabi ito sa akin hababg si Charless naman ay nasa kanan ko. Umupo na lang si Knight sa kaharap ko habang katabi n'ya naman sila Matthew at Chad. "You probably don't remember us by now, right Knight? Dalawa o tatlong beses lang tayo nagkasama noong bata pa lang tayo pagnagbabakasyon kayo ng pamilya n'yo dito unlike kay Charless na kapitbahay n'yo lang," wika ni Dianna. "Right," sagot ni Knight na para bang hindi ito interesado makipag-usap. "I didn't expect you to get married in such a young age," komento pa nito. "But you're really lucky to have Star as your wife. She looks like a good wife." Tumingin si Dianna sa akin kaya naman ngumiti na lang ako ng kaonti. "Of course. Ibang iba s'ya sa mga kababaihan ngayon." Napatingin ako kay Knight dahil sa sinabi n'ya. Nakatingin rin pala s'ya sa akin kaya naman nagtama ang mga mata namin. "Anyways, why don't we play a game?" Suggestion ni Charless sabay kinuha ang bote ng beer at tinungga ito tapos ay nilapag sa gitna ng lamesa. "Truth or dare." Truth or dare? "Anyone who pick truth needs to answer a question, if you don't, you will have to drink one shot of these alcohol." Napatingin ako sa mga shot glass na nasa gilid ng lamesa. "And if you pick dare, you need to do it or else you will have to drink 5 shots of alcohol." Limang shot glass?! "That sounds exciting!" Komento ni Diana na tuwang tuwa. "I'm in," sambit ni Matthew at Chad. Lahat sila ay napatingin sa akin kaya naman napalunok ako at napatungo na lang. Ayoko namang isipin nilang kill joy ako. Sunod naman nilang tinignan si Knight. Nakita kong napangiwi s'ya at hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil ngayon ko lang s'ya nakitang ganito. "Fine," mahina at seryoso n'yang sagot. "Yey!" Tumayo si Dianna tapos ay sinimulan nang ikutin ang bote. Habang umiikot ang bote ay nagsimula na akong magdasal na sana ay hindi ito huminto sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD