CHAPTER FOURTEEN

1248 Words
Star Levine's POV: Ngayong araw na ang huling honeymoon vacation namin ni Knight. Nasa isang magarang yacht kami upang kumain ng breakfast na inihanda ng isang chef sa loob. May tuna, salmon, pasta at mga desserts. Tahimik lang kami ni Knight na kumakain habang pinagmamasdan ko naman ang sunrise. Ngayon ko lang na-experience ang ganito. Ang sumakay sa yacht, kumain ng mamahaling pagkain at panoorin ang sunrise. Sobrang sarap at ganda sa pakiramdam. Hindi aki makapaniwala na nae-experience ko ito ngayon. Natigilan ako sa pag-eemote nang makitang ilabas ni Knight ang phone n'ya, "we need to take a photo together and upload it as a proof of our fake happy marriage," seryoso lang ang mukha n'ya nang banggitin n'ya ang mga ito. Wala naman na akong ibang nagawa nang itaas n'ya ang phone para makita kaming dalawa at ang background sa camera, ngumiti na lang ako. Matapos n'yang kumuha ng litrato ay nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Mabuti na lang talaga at masasarap ang mga nakahain, kung hindi ay baka umiyak na ako. Alam ko namang peke ang kasal namin pero kailangan n'ya pa ba 'yun ipamukha sa akin nang paulit-ulit? Pakiramdam ko tuloy ay dapat hindi ako nandidito ngayon at hindi ko deserve ang mga nararanasan ko. "Mr. And Mrs. Adams, bakit hindi po kayo mag-snorkling matapos n'yong kumain maya-maya? Nasa gitna na rin naman na tayo ng dagat. Maraming coral at isda rito. Sigurado akong magugustuhan n'yo ang makikita." Lumapit sa amin ang captain ng yacht. "Is that so?" Tanong ni Knight sabay nilapag na ang phone sa lamesa, "sure, we will do snorkeling. Give us half an hour." Tumango ang captain tapos ay umalis na. Mabilis ko namang tinuon ang pansin sa kinakain kong bacon carbonara dahil baka mamaya ay sabihan n'ya pa akong nakikinig sa usapan ng ibang tao. "You heard us. Prepare yourself after the meal. Nasa loob ang rash guard at equipments. Tutal nandito naman na tayo sa gitna ng dagat, let's do what they recommend. Mauna na akong magpalit." Tumayo s'ya tapos ay pumasok na lang sa loob. Nang tuluyan na s'yang mawala sa harap ko ay nakahinga na ako ng maluwag at napasandal sa kinauupuan kong kahoy na may foam sa puwetan kaya naman napakalambot nito. Pumikit ako saglit upang ihanda ang sarili dahil alam kong mahihirapan na naman ako mamaya makisama kay Knight. Binilisan ko na lang ang pagkain at nang matapos ako ay mabilis akong pumasok sa loob. May dalawang kwarto rito at ang isa ay nakasara kaya naman sa kabila ako pumasok. Bumungad sa akin ang puting rash guard at iba pang equipment na gagamitin namin para sa snorkeling. Matapos kong magpalit ng rash guard ay napatingin ako sa salamin at napalunok. Masyadong kapit ang suot ko sa katawan. Binaba ko na ang buhok ko para kahit papano ay matakpan ng kaonti ang hugis ng katawan ko. "Ano pa bang ikakahiya mo, Star?" Mahinang tanong ko sa sarili. "Nakita ka na nga ni Knight na naka-one piece swimwear." Mas revealing pa nga ang swimwear na iyon at ayoko nang uliting magsuot ng ganon. Matapos kong ayusan ang sarili ay kinuha ko ang diving mask na itim. Pagkalabas ko sa kwarto ay saktong kakalabas lang rin ni Knight. Napatingin ako sa kan'ya na nakabagsak ang itim na buhok, nakasuot ng itim na shorts at walang saplot na pangitaas. Agad akong napalunok nang makita ang abs n'ya at napaiwas ng tingin. "Good, you're ready. Let's go." Nauna s'yang maglakad at sumunod ako sa kan'ya. May kasamang assistant ang captain, sinabi nila ang mga dapat gawin namin at hindi. Nagsabi rin sila ng instruction at ngayon ay nasa dagat na kami ni Knight. Napatingin ako sa ilalim, sobrang linaw ng tubig at kitang kita ko ang mga napakagandang isda na naglalangoy. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti at sumisid. Woah.. Manghang mangha ako sa mga nakikita ko ngayon. Ganito pala kaganda ang ilalim ng dagat? Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa totoong buhay. Napatingin ako kay Knight na ngayon ay sumisid na rin at pinagmamasdan ang nasa gitna naming mga isda at coral. Pinagmasdan ko s'ya at kahit na natatakpan ng kaonti ang mukha n'ya dahil sa goggles ay hindi ko maipagkakailang gwapo pa rin s'ya. Ang aliwalas ng mukha n'ya. Hindi nakakunot ang noo n'ya, hindi rin galit ang mga mata n'ya. Nang magtama ang mga mata namin ay hindi ako agad nakaiwas ng tingin. Pakiramdam ko ay may kung anong humihila sa akin ngayon dahil sa itim n'yang mga mata. Anong ginagawa n'ya sa'kin? Para bang bumibilis ang t***k ng puso ko at bumibigat ito. Nang mahirapan akong makahinga ay dali-dali akong lumangoy paakyat. Sinubukan kong alisin ang diving mask pero masyado akong nagpa-panic kaya naman hindi ko ito mahubad. "Star!" Narinig ko ang boses ni Knight na ngayon ay nasa harap ko. "Stay still," utos n'ya kaya naman binitawan ko ang diving mask at natanggal n'ya ito agad. "Are you okay?" Napakunot ang noo ko nang makitang may kakaiba sa mga mata n'ya ngayon, para bang nagaalala s'ya sa akin. Pero bakit? "Answer me, okay ka lang ba?" Hinawakan n'ya ako sa magkabilang braso. Sobrang lamig ng tubig pero nang hawakan n'ya ako sa mga braso ay ramdam ko ang init na dinala n'ya sa akin. Napalunok ako at mabilis na umatras. Kailangan ko s'yang iwasan. "Okay lang ako," mahina kong sagot. "Sir Knight! Okay lang po ba kayo?" Tanong ng captain kasama ang assistant. "Star is not feeling well. Babalik na kami sa vacation house." Tinulungan nila kami umakyat sa yacht. "Wait here. Kukuha po ako ng towel," sambit ng assistant ng captain sabay umalis ito. Umupo na muna ako at nanatiling nakayuko. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi sa amin ni Knight sa sala. Ramdam na ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko noon at hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang mga labi n'ya. Para bang naaakit ako na halikan s'ya kahit na alam kong mali. "Tsk." Napatingala ako nang maramdaman si Knight sa harap ko. May dala s'yang puting towel at inabot sa akin. "Cover yourself." Ngayon ko lang napansin na medyo naging see through ang rash guard na suot ko dahil puti ito at manipis. Napansin ko ring nakatingin sa akin ang captain kaya naman mabilis kong tinanggap ang towel at pinangtakip ito sa katawan ko. ~ Nakasuot ako ng puting dress na sleeveless na hanggang tuhod ang haba habang nakataas naman ang aking buhok. May kasiyahan raw kasi sa kabilang villa kaya naman doon kami kakain ni Knight ng dinner dahil inimbitahan rin kami. Ngayong gabi na ang huling gabi namin dito at bukas ng umaga ay babalik na kami sa Manila. Naglagay ako ng nude pink shade lipstick tapos ay kinulot ang pilikmata ko. Matapos kong mag-ayos ay ngumiti ako sa salamin. Kailangan na naman namin ni Knight magpanggap na masaya at in love sa isa't isa. Napabuntong hininga na lang ako nang biglang may kumatok sa pinto ko. "Sandali." Mabilis akong nagtungo sa pinto at pagbukas ko nito ay bumungad sa akin si Knight. Nakasuot s'ya ng puting polo na hindi nakabotones ang itaas na parte, itim na shorts at nakababa ang itim na buhok na medyo natatakpan na ang mga mata n'ya. "Let's go. Kailangan pa natin makabalik bago mag-11 dahil maaga ang uwi natin bukas." "Hm." Tumango ako at lumabas na ng kwarto. Mauuna na sana akong maglakad nang hawakan n'ya ako sa pulsuhan dahilan para mapalingon ako sa kan'ya. "Are you avoiding me?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD