Star Adams's POV:
Gabi na at nasa kwarto lang ako habang nakatingin sa bintana at pinagmamasdan ang dagat. Nakita kong may kasiyahan na nagaganap sa katabing beach. Mukhang public resort iyon dahil madaming tao.
Napatingin ako sa oras at nakitang 10 na pala ng gabi. Kaninang 8 o 9 ko pa sinusubukang matulog pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Pakiramdam ko ay marami pa akong energy sa katawan na kailangan kong irelease para makaramdam ng pagod at antok.
Nang maalala ko ang private pool sa backyard ay agad akong napatayo. Bakit hindi muna ako lumangoy para mapagod at antukin?
Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba. Sinubukan kong hanapin si Knight para magpaalam pero wala s'ya dito, mukhang natutulog na sa kwarto n'ya. Dumiretso na lang ako sa likuran at binuksan ang sliding glass door. Pagkalabas ko ay namangha ako sa nakita, may mga led lights sa pool na kulay blue habang warm gold naman ang mga ilaw sa garden na marami at sobrang ganda ng mga ito. Dati ay sa mga mall lang ako nakakakita ng ganito.
Lumapit ako sa pool, umupo ako at sinawsaw ang aking kamay para tignan kung malamig ba o mainit ang tubig. Maligamgam ito, hindi masyado malamig at hindi rin masyado mainit. Bago tumalon sa pool ay napatingin ako sa damit ko. Nakasuot ako ng puting t-shirt at black shorts. Wala akong suot na underwear dahil nakasanayan ko na rin matulog ng ganito.
"Okay na siguro to," mahinang bulong ko sa sarili dahil gabi na rin naman na at wala ng ibang tao. Isa pa, mukhang tulog na rin si Knight.
Pagkatalon ko sa pool ay medyo malalim pala ito pero sakto lang para sa akin dahil marunong na ako lumangoy. Pinractice ko ang mga langoy na tinuro sa akin ni John. Nang magsawa at umabot na ako ng kalahating oras sa pool ay umahon na rin ako agad. Medyo inaantok at nakakaramdam na rin ako ng pagod.
Pagkatapak ko sa tiles ay agad akong napayakap sa sarili dahil sa biglaang pag-ihip ng malakas na hangin. Nakalimutan kong dalhin ang towel kaya naman dali-dali akong pumasok sa loob. Pagkasara ko ng sliding door at pagharap sa sala ay natigilan ako nang makita si Knight na natutulog sa couch.
Napakunot ang aking noo. Bakit s'ya nasa sala at sa couch natutulog?
Napailing na lang ako at nagsimulang maglakad. Baka trip n'ya lang matulog sa sala, Star. Huwag mo na s'ya isipin. Baka mamaya ay kung ano pa ang isipin n'ya dahil pinapanood ko s'ya matulog.
Malalampasan ko na sana s'ya nang bigla s'yang gumalaw kaya naman napalingon ako sa kan'ya at nang makitang malalaglag ang posisyon n'ya ay dali-dali akong lumapit sa kan'ya. Ipangsusuporta ko sana ang aking kamay sa likuran n'ya para hindi s'ya mahulog pero hindi ko inaakalang sobrang bigat pala n'ya kaya naman napapikit na lang ako nang masama n'ya ako sa pagkabagsak n'ya.
Nang marinig kong tumama ang katawan n'ya sa sahig ay napadilat ako at natigilan nang makitang nakatingin sa akin si Knight ng deretso sa mga mata. Mabilis na namula ang pisngi ko nang marealize kong nakapatong ako sa kan'ya habang nakasuporta ang dalawa kong kamay sa sahig. Tahimik lang s'ya habang nakatingin sa akin at wala akong ibang marinig ngayon kung hindi ang mabilis na pagtibok ng puso ko na para bang sasabog na.
Knight Crassus Adams' POV:
Napadaing ako nang maramdamang tumama ang likuran ko sa sahig. Pagkadilat ko ay nakita kong may nakapatong sa akin pero dahil madilim at nag-aadjust pa lang ang mata ko ay hindi ko ito mamukhaan. Maya-maya, nang mag-focus na ang mga mata ko ay nakita kong si Star pala ito. Basa ang kan'yang buhok pati damit, nararamdaman kong tumutulo ang butil ng tubig sa kan'yang buhok papunta sa dibdib ko.
Walang gustong magsalita o gumalaw sa amin. Tanging nakatingin lang kami sa isa't isa habang tahimik ang paligid. Nang mapunta ang tingin ko sa labi n'ya ay napalunok ako. Sobrang pula ng mga ito, nakakaakit halikan.
Nang maramdamang dumami ang butil ng tubig na tumutulo sa katawan ko ay napababa ang tingin ko sa damit n'ya na basang basa at see through. Natigilan ako nang makitang bakat ang nipplés n'ya. Muli akong napalunok at nakaramdam ng init na namumuo sa katawan.
"So-sorry.." mahinang sambit n'ya kaya bumalik ang tingin ko sa mga mata n'ya.
Mabilis s'yang umalis sa pagkakapatong sa akin at napaupo sa gilid ko. Gusto ko s'yang hawakan sa pulsuhan at hilahin pabalik sa posisyon namin kanina. Gusto kong halikan ang mapula at malambot n'yang labi.
"Mahuhulog ka kasi.. si-sinubukan ko lang tulungan ka.." nauutal n'yang sambit sabay umiwas ng tingin at mabilis na tumayo. "Sorry din nabasa kita. Kukuhaan na lang kita ng towel, Knight." Agad s'yang umalis sa paningin ko at pumaik.
Umupo ako sa couch at huminga nang malalim. Relax, Knight. Lahat ng iniisip mo ay hindi pupweding mangyari. Star is exemption. You can touch every girl in this world except her. Hindi s'ya katulad ng mga ibang babae. Matino s'ya at ayokong madumihan s'ya. Besides, hindi s'ya puwedeng mahulog sa akin dahil contract marriage lang kami.
Saktong napahinahon ko na ang sarili nang bumalik si Star. Inabutan n'ya ako ng puting towel, "sorry ulit. Hindi ko sinasadya-"
"I know. Go dry yourself. Nagbabasa ka sa sala," malamig kong sambit sabay kinuha ang puting towel na inabot n'ya sa akin tapos ay pinatong ito sa katawan n'ya. "Mas kailangan mo 'to." Hindi ko na s'ya hinintay pa na magsalita, dumiretso ako sa bathroom at nag-shower para lumamig ang pakiramdam ko.
Nang matapos akong mag-shower ay nagbihis na ako at pagbalik ko sa sala ay wala na rito si Star. Umupo ako sa couch at sumandal sabay pinikit ang mga mata. This is the reason why I can't sleep with her in one bed. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko sa kung anong pwede kong magawa sa kan'ya.
Napabuntong hininga ako at kinuha ang phone. "When are you available?" tanong ko sa random na babae sa history call ko.
"Kailan mo ba ulit kailangan ang service ko?"