CHAPTER TWELVE

1650 Words
Star Adams' POV: 2nd day na ng honeymoon namin. Ang aga-aga at nandito kami ngayon ni Knight sa sea side, magfi-fishing daw kami at ito ang ihahanda sa breakfast namin mamaya. Habang inaayos pa ang bangkang gagamitin namin ay lumapit sa akin si John. Nagta-trabaho pala talaga s'ya dito para i-assists ang mga Adams tuwing magbabakasyon sila dito. "Here's your fishing rod, Ma'am," sambit n'ya sabay inabot sa akin ang kulay silver na fishing rod. Tinanggap ko ito at pinagmasdan, ngayon lang ako nakakita nito sa malapitan at ngayon lang rin ako nakahawak nito. Never ko pa nasubukang manghuli ng isda. Paano kung dilis lang makuha ko nito? or worst, seaweed? "Thank you." "The boat is all set, let's go," utos ni Knight sabay hinawakan ako sa forearm at hinila papalapit sa bangkang kahoy na pahaba. Nauna s'yang sumakay roon tapos ay tinignan ako. "Don't tell me you're afraid to ride a boat." "Of course not," mabilis kong sagot sabay umapak sa bangka at nang gumalaw ito ay agad akong napapikit at napaupo. Narinig kong natawa si John at ang kasamahan n'ya. "Huwag po kayong mag-alala, hindi 'yan tataob basta huwag lang kayo magulo," payo nila sa amin ni Knight tapos ay nagtungo na sa upuan nila malapit sa mga puno ng buko para bantayan kami. "Here." Napakunot ang noo ko nang iabot ni Knight sa akin ang dalawang wooden paddle. "Bakit ako lang magpa-paddle?" tanong ko. Ano s'ya ginto? sabagay mayaman naman s'ya pero bakit ako lang magpapapaddle eh hindi ko naman gusto tong fishing at s'ya ang nag-utos na sumama ako? "Wala to sa contract, Knight." Ang aga-aga at pinipikon n'ya ako. Kung akala n'ya na mananahimik ako at hahayaan s'ya sa pangbu-bully sa akin, pwes nagkakamali s'ya. "Whatever," walang ganang sabi n'ya sabay isang paddle na lang ang inabot sa akin. "Let's go." Hindi na ako sumagot at tinanggap na lang ang paddle tapos ay sabay naming pinaandar ang bangka. Noong una ay hindi pa kami sabay kaya naman napapatingin s'ya sa akin ng masama. Habang papalapit kami nang papalapit sa fishing area ay napatingin ako sa kan'ya. Magkaharap ang upo namin pero nakalingon s'ya sa harap kaya naman hindi n'ya ako nakikitang pinagmamasdan s'ya. He's wearing a white plain shirt at grey short, hinahangin ang itim at nakabagsak n'yang buhok kaya naman kitang kita ko kung gaano kakinis at clear skin ang mukha n'ya. Sobrang magkasalungat ang itsura at ugali n'ya. Kung gaano s'ya kagwapo ay ganon naman kasama ang ugali n'ya. Pero teka, saan pala s'ya natulog kagabi? mag-isa lang kasi ako sa kwartong natutulog. Sabagay, maraming kwarto sa resort house nila. Mas okay na rin na magkaiba kami ng kwarto dahil baka mamaya ay may kung anong mangyari pa na pagaawayan namin. Nang huminto s'ya sa pagpaddle ay huminto na rin ako. Mabilis akong umiwas nang tingin bago pa n'ya ako mahuli. Tumingin ako sa ilalim namin at nakita ang maraming isda na lumalangoy. "These fish are ours. Inaalagaan to nila John," sambit ni Knight sabay kinuha ang fishing rod n'ya. "They feed and breed them. Every time my family goes here, it becomes a tradition to catch fishes and eat them." Nakikinig lang ako sa sinasabi n'ya at kinuha ko na rin ang fishing rod ko. Nilabas n'ya ang isang tupperware at pagkabukas nito ay may mga lamang uod. Nagsuot s'ya ng gloves bago kumuha ng isa at tinusok sa hook ng fishing rod. Matapos nito ay hinagis na n'ya ang tali ng fishing rod sa dagat. Mabilis ko namang ginaya ang ginawa n'ya. Nagsuot rin ako ng gloves at kumuha ng uod sabay tinusok ito sa hook ng fishing rod ko at hinagis na rin ito sa dagat. Maya-maya ay biglang itinaas ni Knight ang hook n'ya at agad akong namangha nang makitang nakakuha s'ya ng isda. "Wow!" hindi ko napigilan ang sarili na magsalita. Nakita kong napangisi s'ya kaya naman mabilis akong tumikhim. Baka mamaya ay lumaki ang ulo n'ya. Mag-focus na nga lang ako sa paghuli ng isda. "O-ooh!" Nanlaki ang mata ko nang may pumain na isda sa hook ko. Sa wakas! matapos ang ilang minutong paghihintay ay may nahuli rin! "Pull the hook! Faster!" utos ni Knight sa akin. "Te-teka!" Masyadong malakas ang isda at dahil nabigla ako ay muntikan pa akong mahila nito. Nang maitaas ko na ang hook ay bumagsak ang balikat naming pareho ni Knight nang makitang nakawala ang isda. "Do you even know how to fish properly?" nakakunot noo n'yang tanong habang nilalagay na sa timba ang pangatlong isda na nakuha n'ya. "Hindi, sorry.." mahina at honest kong sagot. "Tsk, you should have told me." Binaba n'ya ang fishing rod n'ya tapos ay lumapit sa akin at nilagyan ng uod ang hook. "Hold your fishing rod right and tight." Napalunok ako nang hawakan n'ya ang kamay ko at pinisil ito para mapadiin ang hawak ko sa fishing rod. "Now you're all set." Nakahawak parin s'ya sa kamay ko nang ihagis na namin sa dagat ang hook. "Just focus and observe all the fishes underneath." Napatingin ako sa kan'ya at nang makitang sobrang lapit pala ng mukha n'ya sa akin ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Pinagmasdan ko s'yang seryoso na nakatingin sa mga isda. Ngayon ko lang napansin na may kahabaan pala ang pilikmata n'ya, itim na itim ang mga mata at nang bumaba ang tingin ko sa labi n'ya ay agad kong naalala ang pakiramdam ng malambot n'yang labi sa akin. Mabilis akong napalunok. Ano ba itong iniisip? focus, Star. Nang mabalik ako sa katinuan ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin na rin pala s'ya sa akin. Napaatras ako at sabay kaming napasigaw nang biglang tumaob ang bangka. "What the héll?" galit at gulat n'yang sabi sabay tumingin sa akin. Parehas kaming basang-basa na at ang mga isdang nahuli n'ya na nasa timba ay mga nakawala. Napakagat na lang ako sa labi dahil hindi ko alam ang sasabihin. Bakit ba kasi ang clumsy clumsy ko? sigurado akong galit na galit na naman si Knight nito sa akin. "Sorry.." mahinang sambit ko at kumapit sa bangka na nakataob dahil nahihirapan akong magpalutang sa dagat. "Tsk." Nag-iwas s'ya ng tingin at lumapit sa akin. "Are you okay?" "Hm.. okay lang ako," mahina kong sagot. "Sir Knight! okay lang po kayo?" napalingon kami kila John na nakasakay sa yacht na papunta sa amin. "This is your fault. Uulit na naman tayo sa paghuli ng isda." Tinulungan kami nila John makaakyat sa yacht at dito na lang kami nagfish catching. Idea daw ni Imelia na sa bangka kami manghuli kaya naman walang choice si Knight kanina kung hindi ang magtiis sa maliit na bangka. Matapos naming makahuli ng isda ay bumalik na kami sa resort house. Niluto ng mga maid ang isda na nahuli namin. Gumawa sila ng sweet and sour fish, fish fillet at soup. Lahat iyon ay masasarap pero sa totoo lang ay wala akong nahuling isda kahit isa, si Knight ang nakahuli ng mga isdang kinain namin kanina. Matapos kasing lumubog ang bangka ay hindi na n'ya ako pinahuli pa ng isda. Ngayon ay nasa kwarto ako at nakatulala sa kisame. Iniisip ko kung papaano ako napunta sa sitwasyon ko ngayon. Hindi parin ako makapaniwala na isa na akong Adams at ang asawa ko ay isang bilyonaryo but of course, this is all just for a year. Pagtapos ng isang taon, babalik ako sa dating buhay ko. Simpleng buhay kung saan magta-trabaho ako sa fast food para magkapera at babalik sa pamilya ko. Kamusta na kaya sila? Gusto kong magalit sa kanila dahil sa pagbenta nila sa akin pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawa. Kinupkop at inalagaan parin nila ako noong bata ako. Kahit saglit lang iyon ay naramdaman ko ang pagmamahal nila sa akin. Hindi ko maiwasang hindi rin maisip ang totoong Ina ko. Totoo kayang wala na s'ya? kung totoo man ang sinabi nila sa akin, ano kaya ang nangyari? bakit bumangga ang sasakyan namin non? atsaka.. sino kaya ang totoong tatay ko? - Kumakain kami ni Knight ngayon ng lunch nang biglang tumunog ang phone n'ya, "video call request from grandma," sambit n'ya. Mabilis akong tumayo at tumabi sa kan'ya. Magkaharap kasi ang pwesto namin tuwing kumakain. Pagkasagot n'ya nang tawag ay nilapag n'ya ang phone sa lamesa at sinandal sa isang pitsel. "Good afternoon newly weds! Kamusta ang honeymoon n'yo?" Nakangiting bungad ni Imelia sa amin. Bakas sa boses n'ya na excited s'ya makipag-usap sa amin. "It's perfect, Imelia," sagot ko sabay ngumiti. "Knight and I are having the best days of our lives here. We are having so much fun, diba?" Tinignan ko si Knight at tinaas ang aking mga kilay. "Yes, Star is right," mabilis n'yang sagot sabay ngumiti. "So, how are you there?" "I'm fine. I'm still taking my medication and kakabalik ko lang from hospital." Agad akong nakaramdam ng kirot sa bandang puso ko. Tuwing naaalala kong niloloko namin s'ya ni Knight ay hindi ko maiwasang nakaramdam ng bigat sa dibdib. Pakiramdam ko ay ang sama kong tao. "Don't worry, I'm fine. Malakas pa ako." Kumuha na lang ako ng tubig at uminom para pakalmahin ang sarili ko. "Kaya bilisan n'yo at mag-baby na kayo." Dahil sa sinabi ni Imelia ay agad kong naidura ang tubig sa mukha ni Knight. Narinig ko ang tawa n'ya sa kabilang linya habang ako ay napalunok na lang at hindi makagalaw sa kaba. Napapikit si Knight at nakita kong napangiwi s'ya. Patay. "So-sorry!" Mabilis akong kumuha ng tissue tapos ay pinunasan ang mukha n'ya. Pagkadilat n'ya ay napatigil ako sa pagpunas. Sobrang seryoso ng mga mata n'ya. Pakiramdam ko ay gusto n'ya akong sigawan pero hindi n'ya magawa. "It's fine, babe. It's just a water." Ngumiti s'ya sabay kinuha ang tissue sa kamay ko tapos ay pinunasan ang sarili habang nakatingin sa akin. Alam ko ang tingin na iyon. Tinging hindi-na-ako-natutuwa-sa'yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD