"Uy, sigurado ka? Sinulat mo ang mga pangalan namin?" untag ni Wenggay kay Jenny. Pareho na silang bothered. Paano'ng hindi sila magaalala? Tatlong posas na lang ang natitira at iyon na lang ang pagasa nila. Ang anim na nauna ay nasa kanya-kanyang classroom na—na ginawang lover's booth. Nakakulong na sila doon! Gusto ni Wenggay iyon para magkasarilinan sila ni Zeke. Hindi na nila inulit ni Jenny ang pagaabot ng sulat sa mga crushes nila. Pasimple na lang nilang ihinuhulog iyon sa mga lockers nila. Kahit walang sagot ang mga ito ay okay lang. Ang importante sa kanila ay maiparating sa mga ito ang feelings nila. "Oo sigurado ako. Naiinis na ako!" bothered na sagot ni Jenny. Halos sabuntan na ang sarili. Lalo tuloy kinabahan si Wenggay. Parang naiihi na siya na hindi maintindihan. Kapag hin

